ARYAN Kalahating oras na akong nakatayo sa gilid ng kama, habang nakatitig sa mukha ni Ferdinand Miguel at nag-iisip kung paano ko sisingilin at pahihirapan ng husto ang kanyang buong pamilya, kapag nahanap ko na ang mag-inang Gwyneth at Geneva ng makita kong gumalaw ang mga daliri ng ama ni Precy at hindi nagtagal ay dahan-dahang magmulat ito ng mga mata. “A-aryan.” Mahina at paos ang tinig na tawag ni Mr. Miguel sa pangalan ko. “Mabuti naman at gising ka na, Mr. Miguel,” walang emosyon na sabi ko sa kanya. Hindi ako sinagot ng ama ni Precy. Biglang naglumikot ang kanyang mga mata at sinuyod ng paningin ang buong silid na para bang may hinahanap siya at gustong makita. “My daughter…did you see her?” hirap na tanong sa akin ng lalaking pinanood ko kung paano sinubukang bumangon sa ka