PRECY
"I'm sorry, pero baka may iba pang paraan, Aryan. Kunin mo na ang lahat, huwag lang ang kompanya ni mommy," emosyonal na pakiusap ko sa kanya.
"Do you have anything else to offer aside from your dirty body?" matigas ang tono ng pananalita ni Aryan, pero tiniis ko ang pang-iinsulto niya ngayon, kahit sobra akong nasasaktan.
Nagtaas ako ng mukha at matatag na tiningnan siya sa mga mata. Nakakapagod na kasi ang paulit-ulit na mga masasakit na salitang naririnig ko sa kanya.
"Stop insulting me, Aryan! I'm not a shameless person. I've never been with anyone. I'm a woman with pride and dignity," frustrated na sabi ko sa kanya.
Gumalaw ang gilid ng mga labi ni Aryan at nginisihan ako. "Don't play games with me, bîtch. I won't buy it!"
"I have a way to prove it to you!" malakas na sagot ko.
Tumalim ang mga mata ni Aryan. Bigla niya akong hinawakan sa leeg, pero hindi ako nagbaba ng tingin.
Pagod na akong maliitin, laitin at akusahan ng mga bagay na hindi ko naman ginawa, pero ako ang nagbabayad sa mga kasalanan ng mga walang-hiyang iyon.
Nakita ko kung paano nanliit ang mga mata ni Aryan. Tinitigan niya ako ng diretso at saglit na naghinang ang aming mga mata.
"If you think I would fall for your dirty trick, it won't happen, bîtch! I'm not as stupid as you think!"
Nanlabo ang mga mata ko ng namuo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bigla itong tumulo sa pisngi at tuluyang napaiyak ako sa harap ni Aryan.
"Kahit paulit-ulit akong magpaliwanag sa iyo, hindi ka naman nakikinig. Hindi ka pa ba napapagod, Aryan?" masama ang loob na tanong ko sa kanya.
"Hanggang kailan ako magbabayad sa kasalanang hindi ko naman ginawa?"
Mas lalong humigpit ang nakahawak na kamay at mga daliri ni Aryan sa leeg ko. Nakakatakot ang nakita kong emosyon sa kanyang mga mata na sa tingin ko, kaya niya akong saktan dahil na-trigger ko ang galit na nararamdaman niya.
"You don't have any rights to question me," tiim-bagang na sagot ni Aryan, habang nakatitig sa mga mata ko.
"I am the one who will decide here, kung hanggang kailan ka mabubuhay sa poder ko!"
Napapikit ako. Alam kong galit na galit ngayon si Aryan. Ayaw niyang sinasagot-sagot siya ng kahit na sino, kaya naputol ang kanyang napaka-ikling pasensya.
"Ang sabi mo, hindi totoo ang mga sinabi ko, then wait!"
Muntik akong bumagsak sa sahig nang bitiwan ako ni Aryan. Mabilis siyang lumapit sa kanyang mesa at hinarap ang mamahaling laptop sa ibabaw nito at may pinindot.
Hindi ako nagtanong, dahil nanginginig ang buong katawan ko at naghahabol ng hininga.
Napasinghap ako nang bigla na lang ay hatakin ni Aryan ang braso ko at marahas na hinatak niya ako sa tapat ng kanyang laptop.
"Watch that!" malakas na sigaw sa akin ni Aryan.
Isang bidyo sa loob ng isang k'warto ang nakita ko. Maang na pinaka-titigan ko ito, pero hindi ako pamilyar sa lalaking hubo't hubad na nakahiga sa ibabaw ng kama sa loob mismo ng silid ko.
Hindi nagtagal ay may babaeng lumapit sa kanya galing sa loob ng shower room sa silid ko. Nababalot siya ng puting tuwalya, pero mabilis itong bumagsak sa paanan nito, kaya tumambad sa mga mata ko ang kahubaran nito.
Kunot ang noo na pinaka-titigan ko ang mga tao sa bidyo sa harapan ko. Sigurado akong nasa loob sila ng silid ko, dahil lahat ng bagay na nakikita ng mga mata ko sa paligid ay alam kong pag-aari ko.
"What's this?" naguguluhan na tanong ko, habang pinapanood ang malaswang tagpong nakikita ngayon ng mga mata ko.
Sa katawan pa lang, alam kong hindi ako ang babae sa bidyo. Oo, pareho kami ng style at kulay ng buhok, pero sigurado akong hindi ako ang babaeng umuungol ngayon habang nasa pagitan ng hita ng lalaking kasama niya, habang nakasubo sa loob ng bibig ang pagkalalakí nito.
Hindi ko kayang tingnan ang kalaswaan na nakikita ko. Nag-iwas ako ng tingin, pero biglang hinawakan ni Aryan ang buhok sa likuran ko.
"Bakit hindi mo ba kayang tingnan, kung gaano ka kagaling magpaligaya ng lalaki, ha?" galit na tanong ni Aryan sa akin.
"I swear, hindi ako 'yan, Aryan," umiiyak na sagot ko, habang mabilis na umi-iling ang ulo.
"Then who? Kapitbahay mo ang babaeng nasa loob ng silid mo at may katalik na ibang lalaki, isang araw lang bago ang lintik na kasal natin?" nanlilisik ang mga matang tanong ni Aryan sa akin.
Mas lalong humigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. Ang lakas ng pwersa ng kamay niya kaya napayuko ako at halos isub-sob na ni Aryan ang mukha ko sa laptop sa harap namin.
Hindi ako makagalaw. Mas malapit sa mukha ko ang malaswang bidyong pinapanood ko.
Kitang-kita ko ang lahat at parang nag-eecho sa pandinig ko ang mga ungol ng dalawang taong pinapanood ko.
Biglang bumangon ang lalaki at binuhat nito ang babaeng kasama niya. Malakas na singhap ang kumawala sa labi at lalamunan ko ng makita ko ang mukha ng katalik niya.
Kahit may kalayuan ang camera ay malinaw na nakita ko na kamukha ko nga ang babae sa bidyo, kaya mas lalo lamang akong naguguluhan sa nakikita ko.
"Now, nagsisinungaling ka pa ba?!"
Hindi ko nagawang makasagot dahil napasinghap ako nang humigpit pa ang pagkakasabunot ng kamay ni Aryan sa buhok ko. Masakit at mahapdi ito sa anit kaya napadaing ako.
"Tell me! Sino ang babaeng ‘yan sa bidyo?” malakas na tanong at sigaw ni Aryan sa akin.
"Hindi ko alam kung bakit kamukha ko siya, pero sigurado akong hindi ako 'yan," nangangatal ang buong katawan na sagot ko.
"Liar!"
Binitawan niya ang pagkakasabunot sa buhok ko, pero muli akong napapikit ng makita ko kung paano ubod lakas na sinuntok ni Aryan ang ibabaw ng mesa.
"Liar!" muling sigaw niya sa akin.
"That video was recorded inside of your room the night before our wedding day! Your face is so evident there, but you keep lying and denying that it isn't your séx escapades."
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Aryan ang lahat. Tama siya, kamukha ko ang babae sa bidyo at malinaw na nangyari iyon sa loob ng silid ko, pero alam kong hindi ako 'yon.
Kagat ang pang-ibabang labi na pinahid ko ang mga luha sa mga mata ko ubod lakas na hinatak ko ang kamay ni Aryan para mabitawan niya ako.
"You disgust me a lot. You and your whole family!"
Gusto kong mag-takip ng mga tenga. Ayaw ko nang marinig pa ang sinasabi ni Aryan, dahil pakiramdam ko ay nababaliw na ako sa pag-iisip kung paano nagkaroon ng ganong bidyo sa loob ng silid ko at sino ang babaeng nakita ko.
"All these months, I can't even look at your face because of that fúcking video! Whenever I see you, you remind me how good you are having séx with someone else, yet you are married to me, and I couldn't even touch you!"
Lalo akong nanghina sa narinig ko. Ngayon ay malinaw na sa akin ang dahilan, kung bakit ganito ang treatment ni Aryan sa akin.
"Now, sign that document and leave!"
Nag-uunahan na bumagsak ang mga luha sa magkabilang pisngi ko. Gulong-gulo ang isipan ko at hindi ako makapag-isip ng maayos sa mga oras na ito.
"Kahit patayîn mo pa ako ngayon, hindi ko pipirmahan ang mga papel na 'yan, Aryan. Hindi ko kaya," napa-iling na sagot ko.
Mas lalong tumalim ang mga mata ni Aryan. Kung nakamamatay lamang ito ay bumagsak na sana ako sa paanan niya at ngayon ay wala ng buhay.
"Don't test my patience, Precy!" matigas na banta ni Aryan sa akin.
"Dare to challenge me, and I will kill your worthless father."
Tulayan akong nanghina. Tuso talaga si Aryan. Alam niya kung ano ang kahinaan ko at kung paano ito gamitin laban sa akin, para mapasunod niya ako sa kanyang gusto.
"Wala kang puso, Aryan," mahinang bulong ko.
"Don't blame me, kayo ng buong pamilya mo ang may kagagawan, kung bakit ko kayo pinaparusahan."
"Then, kíll me! Ito naman ang gusto mo, hindi ba?" masama ang loob na tanong ko sa kanya.
Ngumisi si Aryan at tinapunan ako ng masamang tingin. "Don't worry, gagawin ko 'yan, pero sisiguraduhin ko na bago mangyari iyan, bayad na kayo ng pamilya mo sa ginawa ninyong panloloko sa akin!"
Umiling ako at luhaan na nagtaas ng mukha. "You are wrong, Aryan. Balang araw, sana hindi mo ito pagsisihan."
Wala akong nakitang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Aryan. Punong-puno talaga siya ng galit para sa akin at sa pamilya ko, kaya pinagmamalupitan niya ako.
Hinatak niya ako sa braso at inabot sa akin ang ballpen, pero hindi ko ito kinuha.
Mukhang tuluyang sumabog ang galit ni Aryan. Binalibag niya sa sahig ang hawak na ballpen, kaya nasira ito at nagkahiwa-hiwalay.
Para lamang akong tuod na nakatayo sa kinatatayuan ko. Sa pagkakataong ito, tulayan akong nakaramdam ng pagod sa sitwasyon ko.
Kung kaya ko lang sanang takasan si Aryan at ilayo sa kanya si daddy ay ginawa ko na, pero hindi ko kaya.
Wala akong kakayahan at wala rin akong pera. Lahat ng income sa kompanya ay hawak ni Aryan at hindi iyon naging questionable sa board, dahil may utang sa kanya ang aking pamilya at nakalagay sa written report ang invoice na binabayaran niya ang medical expenses ni daddy sa ospital.
Ito ang dahilan kaya pinakasalan ako ni Aryan. Walang kahirap-hirap na nakuha niya ang mga properties na hindi nagalaw ni Geneva, dahil nakapangalan ang mga iyon sa akin.
Maging ang bahay at lupa na naipundar ng mga magulang ko ay napunta na kay Aryan at walang natira sa akin kahit singko, para makabangon at makatayo sa sarili kong mga paa, kaya paano ako tatakas, kung simula pa lang ay hawak na niya ang buhay naming dalawa ni daddy?
Hindi ako napilit na pumirma ni Aryan, dahil nagmatigas ako. May tinawagan siya at hindi nagtagal ay pumasok dito sa library ang kanyang mga armadong tauhan.
“Take her!” Narinig kong malakas na utos ni Aryan sa kanyang mga tauhan.
Agad na hinawakan ako sa braso ng lalaking may sukbit na mahabang baril sa kanyang likuran, kasama ang dalawa pa niyang kasamahan.
“Don't let her out of the cell, hangga't hindi ko sinasabi.”
Hindi ako nagtangkang magsalita para makiusap at nagmakaawa kay Aryan. Pagod na akong gawin ito, dahil alam kong hindi rin naman siya makikinig.
Hindi ko pinirmahan ang huling dokumentong binigay niya sa akin. Tama nang pumirma ako sa marital agreement na pinapirmahan niya kanina, dahil hindi naman ako interested sa perang meron siya.
Tinapunan ko ng masamang tingin si Aryan bago humakbang. Wala na akong pakialam kung anong gawin niya sa akin, dahil umabot na ako sa sukdulan.
Walang kibo na naglakad ako palabas sa opisina ni Aryan, habang hatak ako ng kanang kamay niya.
“I hate you!” masama ang loob na sabi ko sa kanya ng lumingon ako, dahilan para lalong magdikit ang itim na mga kilay ni Aryan.
Kahit nga barilin nila ako ngayon ay wala na akong nararamdaman na takot, dahil mas pipiliin ko na ito, para makalaya sa kanya.
Oo mahal ko si Aryan, hindi iyon nagbago, sa kabila ng pangit at masakit na karanasan ko kasama siya, pero mahalaga sa akin si mommy at kahit buhay ko ang kapalit, hindi ko ibibigay sa iba ang mga pinaghirapan niya.
“Sumama ka na lang ng maayos sa amin, para hindi ka masaktan, Miss Precy,” mahinahon na sabi sa akin ng tauhan ni Aryan.
Nakita nilang mabagal kasi akong maglakad at iika-ika, dahil hindi pa magaling ang paa at binti ko.
“Pasensya na, nabalian yata ako ng buto sa paa, kaya hindi po ako makapag-lakad ng mabilis,” naghinang sagot ko.
“Sorry, Miss Precy. Sinusunod lang namin si boss.” Narinig kong sabi ng tauhan niya kaya tumango lang ako.
Hindi ako nagmakaawa sa kanila na pakawalan ako, kahit dinala nila ako sa loob ng isang madilim na silid.
Walang emosyon na pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko at nanghihina na umupo sa malamig na sahig.
Siguro, malas lang talaga ako, kaya ganito ang nangyayari ngayon sa buhay ko. Baka may nagawa akong malaking pagkakasala noon sa past life ko, kaya pinarurusahan ako ng tadhana.
Napakadilim ng buong silid. Mabuti na lang at malamig ang sahig, kaya kahit mainit ang pakiramdam ko sa buong paligid ay nakatulong ito para kahit paano ay presko ang pakiramdam ko sa balat ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal na lumipas ang bawat minuto at oras. Nakapikit na nakasandal ako sa dingding at piniling huwag mag-isip ng kung ano-ano, para hindi ako matakot sa magiging kapalaran ko, lalo na at hindi maganda ang kondisyon ko.
Nakatulog ako at muling nagising, pero tanging kadiliman lamang ang sumalubong sa mga mata ko. Wala rin akong ideya kung gaano katagal na akong nakakulong dahil wala naman akong makitang orasan sa paligid ko.
Minabuti ko na lang na muling pumikit at matulog, dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw at pangangalam ng sikmura.
Lumipas ang napakatagal na sandali, hanggang nakaramdam na ako ng matinding gutom. Masakit na rin ang ulo ko at kahit pilitin kong matulog gaya ng malimit kong ginagawa ay hindi ko na magawa dahil gutom na gutom na talaga ako.
Panay ang lunok ko ng sariling laway, para kahit paano ay mabasa ang lalamunan ko, dahil matinding uhaw na rin ang nararamdaman ko.
Lumipas pa ang mahabang oras, wala man lang pumunta dito sa kinaroroonan ko para maghatid ng pagkain at tubig, kaya lalo lamang akong nanghina.
May ulcer ako, kaya hindi ako pwedeng nalilipasan ng gutom. Namimilipit na rin ako sa sakit ng tiyan, hanggang hindi ko ito nakayanan at bigla na lang bumagsak ako sa sahig at hindi ko na nagawang makabangon pa.