PRECY Nadatnan kong naghihintay sa akin si Aryan nang lumabas ako sa banyo. Ang akala ko ay lumabas na siya para kumain dahil narinig ko na iyon ang sinabi ni Tinay sa kanya ng pumunta siya dito kanina. Sinadya kong magtagal sa loob ng banyo para makaiwas sa kanya, pero wala rin palang silbi dahil nandito pa sa silid si Aryan at hinihintay ako. “Breakfast is ready,” agad na sabi niya sa akin ng makita ako. Kahit wala akong ganang kumain ay bumaba ako para mag-almusal dahil hindi ako pwedeng magutom. Ayaw kong magkasakit ulit at maging pabigat sa mga kasama ko dito sa bahay, kaya mas mabuting sundin ko ang payo ng doktor na gumagamot sa akin. Sinadya kong huwag makipag-usap kahit kanino dahil hindi talaga ako komportable na nakatingin sila sa akin. Nako-conscious ako sa mga kiss mark s