PRECY Matalim ang mga mata na inirapan ko si Aryan ng tigilan niya ang pang-hahalik sa akin. Ubod lakas na itinulak ko siya palayo sa akin at basta na lang tinalikuran at lumabas sa kusina. Malaki ang mga hakbang na naglakad ako palayo sa kanya at hindi pinansin ang mga nakahelerang kasambahay sa hallway na mukhang naghihintay na lumabas kami sa kusina, para ituloy nila ang kanilang ginagawa. Inis na pumunta ako sa maids quarter, pero mas lalong nag-init ang ulo ko dahil naka-lock na ang pintuan at hindi ko mabuksan ang dating silid na tinutuluyan ko. Nagpupuyos ang kalooban ko dahil alam kong kagagawan ito ni Aryan. Siya lang naman kasi ang may kakayahan na mag-utos na i-lock ang bawat silid kapag ayaw niyang ipagamit ito at walang kahit na sino sa mga kasambahay at tauhan niya ang p