PRECY Ilang ulit akong huminga ng malalim para pigilan ang namuong luha sa mga mata ko. Minabuti kong tumayo at muling pumasok sa loob ng silid ni Aryan, para kumuha ng tubig dahil pakiramdam ko ay naninikip na naman ang dibdib ko. Mabuti na lang at wala pa si Aryan. Mas komportable ako kapag ganitong walang ibang tao sa paligid ko dahil sanay akong mag-isa at nagkukulong sa loob ng silid ko. Malaki at malawak ang loob ng silid ni Aryan pero minabuti kong manatiling nakaupo dito sa sofa. Ayaw kong pumunta kung saan-saan dahil baka sabihin na naman niya na nakikialam ako dito. Dito sa sofa na rin ako inabutan ni Aryan nang pumasok siya dala ang ilang malalaking paper bag. Lumapit siya sa akin at inilapag ang mga ito sa harap ko. “It's all yours, Precy. Arrange all of these clothes insi