Chapter 19

1861 Words

PRECY Naramdaman kong may pumatak na tubig sa labi ko. Nabuhos pa ito sa dibdib ko kaya alam kong nabasa ang damit na suot ko. Mukhang narinig ni Aryan na humihingi ako ng tubig, kaya tinulungan niya akong makainom ngayon. Kahit paano ay guminhawa ang pakiramdam ko. Nagawa kong sumandal sa sofa habang mariin na nakapikit dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo at masakit na naman ang ulo ko. “Hindi ka pwedeng mamatay hanggat hindi ko sinasabi.” Narinig kong sabi ni Aryan. Walang-hiya talaga ang lalaking ito. Nagawa pa niya akong pag-salitaan ng ganito, gayong nakita naman niyang hindi maganda ang kondisyon ko. Nagmulat ako ng mga mata at galit na tinitigan ng masama si Aryan. “Kung ayaw mo pala akong mamatay, 'di sana ay pinakain mo ako sa tamang oras!” Nangunot ang noo niya at nagsal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD