PRECY Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiiyak habang nakakulong sa mga braso ng asawa ko. Hinayaan naman ako ni Aryan at wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya, hanggang napagod ako at kusang huminto ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko. Kailangan ko lang umiyak para ilabas ang sama ng loob na matagal kong kinikimkim sa dibdib ko. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Kusa akong kumawala sa pagkaka-yakap ni Aryan at umupo ng tuwid. “Lay down and rest, Precy. You look so exhausted.” Narinig kong mahinang sabi ni Aryan sa tabi ko. Lumunok muna ako dahil pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko. Nanghihina na sumandal ako sa sofa dahil hapong-hapo ako. Nakakapagod umiyak, pero malaking tulong ito para mawala ang bigat sa dibdib ko. “It's getting late. Much bet