PRECY Dala ng labis na pagod ay nakatulog akong yakap ni Aryan. Katulad niya ay wala rin akong suot na kahit anong saplot habang nakahiga sa tabi niya at nakaunan pa sa kanyang braso. Umaga na nang magising ako. Katabi ko pa rin si Aryan at mahimbing ang kanyang tulog. Kahit gusto ko pang matulog at manatili sa ibabaw ng kama dahil masarap sa pakiramdam na yakap niya ako at nababalot ng makapal na kumot ang húbad na katawan ay minabuti kong bumangon na. Dahan-dahang inalis ko ang nakapulupot na braso ni Aryan sa bewang ko at maingat na bumangon. Mukhang malalim ang tulog niya dahil hindi man lang siya nagising hanggang sa nakababa na ako sa kama. Kung sabagay, bukod sa lasing si Aryan ay alam kong napagod siya ng husto magdamag dahil hindi niya ako tinigilan. Kung hindi pa ako nagmak