PRECY Ang akala ko ay lalabas at dadaan kami sa opisina ni Aryan, pero may sarili at personal elevator pala siya pababa sa parking lot na tanging siya lamang daw ang may access. Paglabas namin sa elevator ay katapat na mismo ng carpark kung saan nakaparada ang sasakyan ni Aryan. Agad niyang binuksan ang pintuan at pinasakay ako. “May gusto ka pa bang puntahan?” tanong niya sa akin. “Gusto kong pumunta muna tayo sa hospital,” mabilis na sagot ko. Ayaw kong sayangin ang pagkakataon na mismong si Aryan na ang nag-offer sa akin na lumabas kami. Hindi naman niya ako binigo. Dinala niya ako sa hospital kung saan naka-confine si daddy, kaya natutuwa talaga ako kay Aryan ngayon. Sinamahan rin niya akong pumasok dito sa loob ng hospital, hanggang nakarating kami dito sa silid kung saan naka