PRECY Tinanong ako ni Aryan kung saan ko gustong pumunta, kaya sinabi ko sa kanya na gusto kong kumain ng street food at maglakad-lakad na rin sa labas dahil matagal ko na itong hindi nagagawa. Pumayag naman siya, kaya pumunta kami sa isang sikat na shopping mall dahil meron daw food stall dito like siopao and siomai. Mahilig rin akong kumain ng sea foods noodles at ang favorite na nililuto sa akin noon ni Yaya Maricel na sausage, fries at longganisa. Na-miss ko na ang ganitong pagkain dahil matagal na akong hindi nakakain ng ganito simula ng napunta ako sa bahay ni Aryan. “Slow down, Baby.” Narinig kong sabi ni Aryan, habang mabilis akong naglalakad at hatak siya dahil may nakita akong food stall. “Gusto kong i-try natin d'yan,” excited na sabi ko kay Aryan, sabay turo sa food sta