PRECY Mula sa bewang ko ay dahan-dahan na gumapang ang mga palad ni Aryan sa braso ko at inabot ang mga kamay ko at pinag-salikop ito. “Calm down, baby. I can perfectly assure you, na wala akong masama intensyon. Gusto ko lang maging maayos na ang lahat sa atin. Pwede naman ‘yon, ‘di ba?” Hindi ako sumagot. I can't simply trust him… hindi pa ngayon dahil iba ang instinct ko sa mga kinikilos niya. What if magbago na naman si Aryan at bumalik siya sa dati? Kahit mahal ko si Aryan ay hindi naman ako tanga. Mahirap ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil nagbabago ang isip ko sa tuwing may nakikita akong kakaiba sa kanya. “Kailan ko p'wedeng madalaw si daddy, Aryan?” Nilakasan ko ang loob ko na magtanong sa kanya dahil gusto kong makita kung totoo ba ang sincerity na nakikita ko ka