PRECY “Ma'am, malapit na pong umulan.” Narinig kong sabi ni Tom mula sa likuran ko. Mukhang ayaw niya akong mabasa ng ulan dahil mahigpit ang bilin ni Aryan na bantayan niya ako at huwag hayaan na may mangyaring hindi maganda sa akin dahil siguradong mananagot sila sa asawa ko. Kung normal lang na pagkakataon ay baka kiligin pa ako dahil concern ang lalaking iyon sa akin, pero alam kong ginagawa ito ni Aryan dahil natatakot siya na baka tumakas ako. Alam kong may kakayahan siyang gawin ang banta sa kanyang mga tauhan kanina dahil ilang ulit ko nang nasaksihan ang kalupitan ni Aryan, kaya hindi ako gagawa ng kahit anong ikakapahamak ng iba. Bumaling ako kay Tom at mahina ang tinig na nagtanong. “Pwede bang mamaya na tayo umuwi?” Gusto ko pa kasing manatili dito, dahil na miss ko si