PRECY Nang makapasok ako dito sa loob ng silid ay binilang ko agad ang perang nakuha ko mula sa tatlong tauhan ni Aryan. Umabot rin pala ito ng thirty thousand. Not bad, para naman may magastos ako dahil ayaw ko talagang humingi ng kahit ano mula sa asawa ko ngayon. Iniiwasan ko rin si Aryan dahil hanggang ngayon ay malinaw na natatandaan ko pa ang mga narinig kong usapan ng kanyang mga katulong sa bahay niya sa Antipolo. Kung alam ko lang talaga na dinala pala niya doon at pinatira si Gwyneth noon ay hinding-hindi ako tatapak sa lugar na ‘yon. Nakaupo ako sa sofa at nanonood ng bagong favorite channel ko na ID ng may kumatok mula sa labas ng pintuan at hindi nagtagal ay nakita kong nakangiting pumasok si Nurse Moana. “Ma'am, it's time po para sa gamot mo.” Narinig kong sabi nito nan