ARYAN Mula sa bahay ko sa Maynila ay ilang minuto lang ang itinagal ng biyahe namin via chopper pabalik dito sa safehouse ko sa Antipolo. Naabutan kong nakahelera ang mga tauhan ko nang bumaba ako sa chopper at pumasok dito sa loob ng bahay ko. “Boss, handa na po ang lahat,” sabi ni Jameilou nang salubungin ko. “Nasaan sila?” tiim-bagang na tanong ko. “Nasa basement po,” mabilis na sagot ni Jameilou habang naglalakad kasabay ko. Hindi lang siya basta butler ko dito sa safehouse, kung ‘di isa si Jameilou sa mga top assassin ng mafia organization na pinamumunuan ko, kaya sa kanya ko ipinagkatiwala ang asawa ko kanina habang wala ako. Bumungad sa mga mata ko ang nakagapos na mga babae sa nakahelerang upuan. May takip na packing tape ang mga ito sa bibig, kaya walang makapag-salita para