PRECY “Yes! Ang galing mo pala, Ma'am Precy,” natutuwang sabi ni Tom. “Oh, sisipsip ka na naman,” naka-ngising sabi ni Casper sa kasama, habang mabilis na nagmamaneho. “Syempre! Siya ang pag-asa natin kapag nagbubuga ng apoy si Boss,” pabirong sagot ni Tom. Pinakinggan ko lang silang dalawa habang nag-aasaran sila. Natutuwa kasi ako sa kanila dahil para silang mga bata kung mag-usap, malayo sa inaakala ko noon na seryoso at hindi man lang marunong ngumiti. “Holly shìt!” Narinig kong malakas na bulalas ni Casper, sabay kabig sa hawak na manibela. Nauntog ako. Tumama ang ulo at noo ko sa gilid ng pintuan sa tabi ko dahil bigla na lang ay may sasakyan sa kaliwa namin ang bumangga sa sasakyang minamaneho ni Casper. “Ma'am, nasaktan po ba kayo?” may pag-aalala na tanong agad sa akin ni C