PRECY “Diyos ko po!” Narinig kong malakas na singhap mula sa isang babaeng malapit sa pinagtataguan ko. Binuksan niya ang takip ng basurahan at akmang magtatapon sana siya ng basura ng nakita niya akong nakahalukipkip at nagtatago dito sa loob. Kahit kinakabahan ako na may nakakitang estranghero sa akin dito sa pinagtataguan ko ay lakas loob na nag-agat ako ng mukha at nagmakaawa sa kanya. “Ate, parang awa mo na po, tulungan mo ako. May nagtangka po sa buhay ko,” naiiyak na pakiusap ko. “Ha, sino?” mabilis na tanong ng babae sa akin. Hindi ko gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil masakit sa mga mata ko ang mainit at mataas na sikat ng araw habang nakatingala ako sa kanya. “May grupo po ng mga armadong lalaki ang humahabol po sa akin kanina. Binaril nila ang mga kasama ko, pero n