PRECY Tahimik na nakaupo ako sa tabi ni Aryan habang nag-uusap sila ng kanyang mga magulang. Ngumingiti lang ako at nagsasalita kung minsan kapag tinatanong ako ng kanyang ina. Napatingin ako sa kamay ni Aryan na nakapatong sa ibabaw ng kanang hita ko. Kanina ko pa ito gustong alisin, pero hindi ko magawa dahil nakatingin sa amin ang kanyang mga magulang. Hindi ako komportable na ayaw niyang alisin ang kamay sa hita ko dahil ilang ulit kong naramdaman na pinisil-pisil niya ito at kung minsan ay marahang hinahaplos-haplos pa. Palagi itong ginawa ni Aryan habang kausap ang ama. Normal lang ang kilos niya at patay-malisyang itinuloy ang paglulumikot ng kanyang kamay kaya hindi na ako nakatiis. Inabot ko ang kaliwang kamay ni Aryan at marahang itinulak paalis sa ibabaw ng hita ko pero sin