PRECY Sisinghap-singhap na naiwan akong nakatayo sa gitna ng silid habang nakatingin sa pintuan matapos akong iwan ni Aryan. Awang ang mga labi at mabilis na nagtataas-baba ang dibdib ko, habang pinoproseso sa isipan ko kung ano ang nangyari kanina sa pagitan naming dalawa. Pumikit ako para iwaksi sa isipan ko ang nangyari, pero para namang tuksong bumabalik sa alaala ko kung paano ako basta na lang hinalikan ni Aryan at pagkatapos ay walang paalam na iniwan dito sa loob ng kanyang silid. Nanghihina na humakbang ako palapit sa sofa at umupo. Hindi ako lasing at malinaw sa alaala ko ang nangyari. Napabuntong-hininga na lang tuloy ako at nakapikit na sumandal sa sofa, pero sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay parang tukso na bumabalik sa isipan ko kung paano ako hinalikan ni A