PRECY Maagang umalis si Aryan kasama ang kanyang mga tauhan. Hindi ko alam kung saan siya pupunta dahil hindi rin ako nagtatanong ng kahit ano sa kahit na sino sa kanila. Tanging si Tinay lamang ang kinakausap ko dito sa loob ng bahay. Kahit si Aryan ay minsan ko lang kung kausapin. Nangyayari lang ‘yon kapag sinasagot ko ang tanong niya, pero malimit ay ginagawa ko ang lahat para makaiwas sa kanya. Limang araw na ang nakalipas simula ng mag-usap kami ni Aryan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya ng gabing iyon dahil tinanong niya ako kung gusto kong maging maayos ang lahat sa pagitan naming dalawa pero tumanggi ako. Simula noon ay hindi na natulog sa loob ng silid si Aryan at hindi ko alam kung saan siya natutulog. Ayaw ko rin magtanong sa kanya o kahit kay Tinay ng tungkol d