PRECY Ilang minuto na akong nag-iisip kung paano ko matatawagan ang asawa ko, pero hanggang ngayon ay wala akong maisip na solusyon sa problema ko. Kahit isa sa mga kasama ko sa bahay ay hindi ko alam ang cellphone number nila, gano'n rin si Aryan. “Pasensya ka na, Precy, kung hindi kita matutulungan na makauwi agad sa inyo. Wala kasi akong pera para sana makasakay ka ng taxi nang makabalik ka na sa pamilya mo,” sabi ni Ate Carol ng tanungin niya ako kung alam ko kung saan ako nakatira. Alam ko kung saang hospital naka-confine si daddy. Doon ko sana balak pumunta dahil siguradong may contact ang doktor niya kay Aryan, pero nagdadalawang-isip ako dahil siguradong ilalagay ko sa kapahamakan ang aking ama kapag may ibang nakaalam na naroon ako. Wala akong ideya sa pagkakakilanlan ng ta