PRECY “Walang-hiya ka talaga, Aryan! Bitawan mo nga ako!” Kahit halos mamaos na ako ay walang nangyari sa pagsisigaw ko. Hindi ako binitiwan ni Aryan hanggang sa ilapag niya ako sa kama. Namilog ang mga mata ko ng biglang dumapo ang palad ni Aryan sa pwet ko at hinampas ako. “Such a naughty girl.” Narinig kong sabi niya, kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. Mabilis na hinatak ko ang kumot dahil ramdam ko kung paano naglandas ang mga mata niya sa mga hita ko. “I’ve already told you earlier, na magkakasundo tayo kung magiging good girl ka. But, because you had the audacity to dare me, don't blame me for the consequence,” seryoso ang ekspresyon na sabi ni Aryan, habang nakatayo sa paanan ng kama. Matalim ang mga matang tinapunan ko siya ng masamang tingin. Kumukulo ang dugo ko