ARYAN Ibinaba ko ang hawak na kutsara at pinakatitigan ko si Jamilla. “Bakit ka pinapunta ni Lolo Sabby dito sa bahay ko, Jamilla?” seryoso at walang kangiti-ngiting tanong ko sa kinakapatid ko. Nagtaas siya ng kilay at nagkibit-balikat. “Wala siyang sinabing gawin ko kapag narito na ako. Basta ang sabi lang ni Lolo Sabby sumama ako sa iyo dahil may sikreto ka raw na tinatago dito sa loob ng bahay mo.” Napa-iling na lang ako. Tuso talaga si Lolo Sabby. Siguradong pinaglalaruan na naman kami nang matandang iyon. Dapat noong una pa lang ay naghinala na ako kung bakit gano'n na lang kabilis pumayag si Jamilla na sumama sa akin para magtago dito sa bahay ko, gayong marami naman siyang pwedeng pagpilian. She can hide anywhere without leaving a trace if she wants to. She is strong and inde