ARYAN Dahil busy ako ngayong araw, kaya hinarap ko agad ang mga trabahong naghihintay sa akin sa ibabaw ng mesa ko Mostly ay mga financial report ito na hinihingi ko sa finance department weekly para sa monitoring ng income at growth ng mga negosyong hawak ko. Dahil abala ako ngayong araw kaya hindi ko na namalayan ang bawat oras na lumipas. Sunod-sunod ang mga meetings na hinarap ko, kaya napatayo ako ng makita kong lagpas one o'clock na pala. Tumayo na ako at bumaling sa isa sa mga tauhan ko. "I want the detailed report to be in my office later,” utos ko sa isa sa mga executives ko at mabilis na isinara ang botones ng coat na suot ko. Walang lingon-likod na lumabas ako sa boardroom at iniwan ang mga board directors sa loob. Fifteen minutes na akong late, kaya siguradong umuusok