PRECY
"Good evening, sir." Narinig kong magalang na bati ni Tinay sa kanyang amo.
Nanatili akong nakayuko at walang kibong nakatayo, ilang hakbang ang layo sa mesa at naghihintay ng utos mula kay Aryan.
Hindi ko sila binati ng babaeng kasama niya, dahil bukod sa ayaw akong makita ni Aryan sa kanyang paligid ay hindi rin niya gustong naririnig ang tinig ko, kapag nagsasalita ako.
Ayaw niya akong nakikitang nag-eexist sa kanyang paligid, kaya para akong invisible sa kanyang paningin, kapag narito siya sa bahay.
"Tinay, from now on, dito muna sa bahay titira si Ma'am Jamilla mo. Treat her well at ayaw kong may malalaman akong hindi magandang experience niya dito sa pamamahay ko." Narinig kong seryosong sabi ni Aryan sa kanyang kasambahay.
"Hindi na ako bata, Aryan. Don't treat me like a little child," mabilis na sagot ni Jamilla at bumaling kay Tinay.
"Huwag mong pakinggan itong amo mong baliw. I can manage myself, hindi mo ako amo."
Tahimik na nakikinig ako sa usapan nilang lahat at kahit minsan ay hindi ako nagtangkang magsalita at makipag-usap sa kanila.
"I'm starving, kumain na tayo," sabi ni Jamilla na feel at home dito sa bahay ni Aryan.
Mukhang malapit talaga sila sa isa't isa, dahil tanging ang babaeng katabi ni Aryan ang may lakas ng loob na sagot-sagutin siya.
Sa loob ng almost seven months na nakatira ako dito sa bahay ni Aryan ay wala akong nakitang nakagawa ng ganyan sa asawa ko, kaya alam kong espesyal sa kanya si Jamilla.
Kahit alam kong hindi dapat ay tahimik na naglakad ako palayo sa dining room at pumunta sa kusina. Pakiramdam ko kasi ay nanghihina ako, kaya minabuti kong umupo muna.
Bukod sa wala pa akong kain ay masakit ang binti ko. Para bang pagod na pagod ang pakiramdam ko sa sarili ko, lalo na at hindi ako makatayo ng tuwid gamit ang dalawang paa ko.
Uminom agad ako ng malamig na tubig dahil para bang naninikip ang dibdib ko. Malimit ko itong nararamdaman lately. Natatakot tuloy ako na baka may kakaibang sakit na akong ini-inda, kaya ganito ang nararamdaman ko.
Simula ng takasan ni Gwyneth si Aryan at hindi siya sumipot sa araw ng kanilang kasal ay palagi akong stress, walang maayos na kain at tulog, dahil naiwan sa akin ang napakaraming problema at utang nilang dalawa ni Geneva.
Nag-aalala rin ako kay daddy. Minsan sa isang buwan lang kung payagan ako ni Aryan na bumisita sa kanya sa ospital.
Nag-aalala ako sa kondisyon niya at iniisip ko kung inaalagaan ba siyang mabuti doon
Nag-angat ako ng mukha ng naramdaman kong pumatong sa balikat ko ang kamay ni Tinay.
"Okay ka lang?" mahinahon na tanong niya sa akin.
Nanghihina na tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya.
"Yeah."
Wala na akong ibang narinig mula kay Tinay. Alam kong may gusto niyang sabihin sa akin, pero minabuti niyang manahimik dahil iniiwasan niyang magalit sa amin si Aryan.
"Yung babaeng kasama ni Sir Aryan sa labas-"
"Ayos lang, Tinay. Pwede bang huwag natin siyang pag-usapan?" agad na tanong ko sa kanya, para huwag na niyang ituloy ang kanyang sasabihin.
“Pasensya na. Wala namang problema sa akin kung may dinalang babae dito sa bahay niya si Aryan, kasi alam ko naman kung ano ang papel ko dito. Hindi ko lang gustong pag-usapan natin sila.”
Masyado na akong nasasaktan sa nangyayari. Masakit sa akin na nag-uwi ng babae dito sa bahay niya si Aryan at dito pa pala titira, pero kahit kasal kaming dalawa ay wala akong magawa at hindi rin ako pwedeng mag-reklamo sa kanya.
Ayaw ko nang pag-usapan pa ang tungkol dito, kaya mas minabuti kong magsabi kay Tinay. Sa tingin ko naman ay naunawaan niya ang sitwasyon ko, kaya ngumiti siya sa akin at sinabing mauna na araw akong kumain dahil busy pa siya sa kanyang amo.
Gumagawa siya ng kape, kaya minabuti kong tumayo para tulungan siya, pero tumanggi si Tinay at sinabing kaya na raw niyang gawin ito.
Sa unang pagkakataon ay lihim na nagpapasalamat ako na hindi siya pumayag, dahil ang totoo ay nanginginig ang kalamnan ko. Baka lalo lamang akong mapahamak, kapag ako ang magdadala ng kape sa sala, para ibigay kay Aryan at sa babaeng kasama niya.
Ayaw ko rin naman na makaranas na naman ng bagong disaster sa buhay ko, kaya minabuti kong huwag ng lumabas dito sa kusina at mauna nang kumain.
Ako na ang naghugas ng mga hinatid na pinggan ni Tina dito sa kusina. Kahit ito man lang ay matulungan ko siya, dahil alam ko naman na marami siyang ginagawa.
Makalipas ang halos labinlimang minuto ay bumalik si Tinay, dala ang tray na ginamit niya sa paghatid ng kape kanina.
“Precy, pinatatawag ka ni boss sa kanyang library,” sabi ni Tinay, bagay na ikinagulat ko, dahil ito ang unang pagkakataon na gusto akong makita o makausap ni Aryan.
“Sige,” kinakabahan na sagot ko.
Hindi ko alam kung ano ang kailangan ni Aryan sa akin ngayon. Naisip ko tuloy na tungkol ito sa babaeng kasama niya, kaya pinatawag ako ni Aryan.
Hirap man maglakad at iika-ika ay pinuntahan ko sa opisina niya si Aryan. Hingal na hingal ako, dahil umakyat ako gamit ang hagdan.
Wala akong lakas ng loob na gamitin ang elevator, dahil wala akong ibang nakikitang gumagamit n'yan maliban kay Aryan.
Nanginginig ang braso na kinuyom ko ang kamao ko at marahang kumatok sa pintuan. Hindi nagtagal ay bumukas ito, kaya kahit kinakabahan ay agad akong pumasok sa loob.
Naabutan kong nakaupo sa swivel chair niya si Aryan, kaharap ang mesa at may nakita akong ilang folder na nakapatong sa ibabaw nito.
Isang mabilis na lunok ang ginawa ko at lakas loob na nagsalita.
“Pinatawag mo raw ako.”
Mula sa binabasa niyang dokumento ay nag-angat ng mukha si Aryan at tiningnan ako.
“Come closer,” matigas ang tinig na utos niya sa akin, malayo kung paano niya kausapin si Jamilla.
Sinikap kong humakbang na hindi iika-ika palapit kay Aryan. Tiniis ko ang matinding sakit na nanunuot sa paa at binti ko sa tuwing gagalaw ako.
Walang kibo na tumayo ako sa harap niya at naghihintay ng sasabihin sa akin ni Aryan.
Ramdam kong nakatingin siya sa akin at alam kong pinagmamasdan niya ako, kaya hindi ko magawang mag-angat ng mukha, dahil natatakot akong baka makita niya kung ano ang kakaibang emosyon na nararamdaman ko sa sandaling ito.
Kinakabahan na naman ako. Malakas at napakabilis rin ng tîbok ng puso ko. Daig ko pa ang tumakbo ng napakalayo, kaya nagtataas-baba ang dibdib ko at hindi ko mapigilan ang mabilis na paghinga ko.
Ganito ang epekto ni Aryan sa akin, kapag malapit siya o kaya nasa paligid ko siya.
“Sign it!”
Napatingin ako sa folder na inilapag ni Aryan sa harap ko. Hindi ko alam kung para saan ito at wala akong kahit anong ideya kung bakit kailangan pa ng pirma ko.
“Do it quickly, don't waste my time!” Malakas na singhal ni Aryan sa akin.
Tikom ang bibig na inabot ko ang folder na nasa harap ko at agad binuklat at binasa ang nakasulat dito.
Tungkol pala ito sa kanyang mga property agreement na gusto niyang pirmahan ko. Isa itong kasunduan na kahit piso ay wala akong matatanggap galing kay Aryan, kahit kasal kaming dalawa, kapag naghiwalay na kami.
Dahil wala naman akong pakialam tungkol sa yaman at pera ni Aryan ay agad akong pumirma. Dalawang kopya ito at magkasunod kong pinirmahan.
Agad na tiniklop ko ang folder at inilapag ang ballpen sa ibabaw ng mesa harap ko.
“I need your signature here,” sabi pa ni Aryan na inabot sa akin ang isa pang folder.
Kinakabahan ako, dahil naisip ko na baka divorce paper na ang hawak ni Aryan, pero kahit nanginginig ako dulot ng takot at kaba ay kinuha ko ito at tiningnan kong para saan ang documents na inabot ng asawa ko sa akin at bakit kailangan niya ng signature ko.
Gulat na napatingin ako sa mukha ni Aryan ng mabasa ko ang nakasulat sa papel na hawak ko.
“A-anong ibig sabihin nito?” maang na tanong ko sa kanya.
“Why are you asking me about that? Your family owes me a large amount of money. It's not just a few hundred thousand. We are talking millions here. Is it not clear to you that I own most of eighty-five percent of your father's company shares, and now I am the new CEO?” kunot ang noo at mapanganib na tanong ni Aryan.
Napa-iling ako. “Aryan, pumayag naman ako sa gusto mo. Please spare that company. Iyan lang ang tanging naiwan ni mommy sa akin-”
"I don't fúcking care about your swindler family, so don't show me your crocodile tears, because you are just wasting your worthless time faking this drama!” galit na singhal ni Aryan sa akin.
Pinipigilan kong umiyak at ipakita sa kanya na nasasaktan na ako. Alam kong ito ang gustong makita ni Aryan, kaya grabe ang ginagawa niyang pananakit sa damdamin ko.
“Kahit nakuha ko na ang bahay at lupa, pati na rin ang kumpanya ng tatay mo ay kulang na kulang pa sa kabayaran na hinihingi ko,” walang kangiti-ngiti na sabi ni Aryan sa akin.
“P-pero pumayag ako sa gusto mo, Aryan,” nangingilid ang mga luha na sagot ko.
“Ang ano, ang magpakasal sa akin?” matalim ang mga matang tanong ni Aryan, kaya tumango ako.
“Bukod sa pagiging katulong dito sa bahay ko, what would you offer na alam mong magagamit mo, para mapabilis ang pagbayad mo sa mga utang ng pamilya mo sa akin?” muling tanong ni Aryan sa akin.
“Do you think I would take and use your dirty body?” pang-iinsultong tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot at piniling yumuko. Ang sakit ng mga narinig ko, pero parang manhid na ang puso ko.
Naramdaman kong tumayo si Aryan at marahas akong hinawakan sa balikat. Nasaktan ako at muntik mawalan ng balanse, dahil hindi pa stable ang mga binti ko, pero pinilit kong huwag itong ipakita sa kanya, dahil alam kong ito ang gusto niya.
Napalunok ako ng hawakan ng isang kamay ni Aryan ang panga ko at mahigpit na pinisil, kaya napatingin ako sa kanya at nakasalubong ang aming mga mata.
“Why? Are you missing those men who used to pleasure you every time you let them sneak into your room just to fúck you at night, kaya gusto mong i-offer sa akin ang katawan mo?”
“Why are you saying that? I'm not that kind of person, Aryan,” naluluhang sagot ko, sabay iling ng ulo, pero hindi ko magawa dahil mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng asawa ko sa mukha ko.
“Don't fúcking play games with me, bîtch!” tiim-bagang na singhal ni Aryan, malapit sa mukha ko.
Tigagal na napatayo ako ng tuwid. Punong-puno ng galit si Aryan at sa nakikita ko ay kahit anong paliwanag ko sa kanya ay hindi siya makikinig sa akin.
Napapikit ako nang marahas na itinulak ako ni Aryan. Mabuti na lang at nakahawak agad ako sa gilid ng mesa kaya hindi ako bumagsak at sumalampak sa sahig.
“Wala kang pinagkaiba kay Gwyneth. You are a golddigger as well as a bîtch!"
Puro pang-iinsulto ang natatanggap ko mula kay Aryan, pero wala akong ibang kayang gawin kung ‘di ang hayaan siya at pakinggan ang bawat sinasabi niya tungkol sa pangit at marumi raw na pagkatao ko.
I wish, sa ibang pagkakataon ko siya nakilala. Siguro kung gano'n nga, hindi ganito ang naririnig ko mula sa kanya ngayon.
“Signed those documents, para matapos na tayo!” malakas na utos ni Aryan sa akin, pero walang lakas ang kamay ko na abutin ang ballpen sa ibabaw ng mesa.
Buong buhay ni mommy ay inilaan niya sa negosyong minana niya mula pa sa kanyang mga magulang, kaya mabigat sa loob ko na pirmahan ang papel na nasa harap ko, dahil legacy ito ng aking ina at ng kanyang buong pamilya.
Ang hirap magdesisyon, lalo na at alam kong magagalit si Aryan sa akin, kung hindi ako pipirma. Baka si daddy ang pag-initan niya, pero nangako rin ako noon kay mommy na kahit wala na siya ay hindi ko pababayaan na mawala ang kompanya.
Hindi iyon nagalaw ni Gwyneth noon at kahit nagpumilit si Geneva ay hindi nila nakuha, dahil sa akin nakapangalan ang kompanya, maging ang trust fund, pero bukod sa akin ay ito ang kinuhang kabayaran ni Aryan, para sa pagkakautang ng pamilya ko sa kanya.
"I'm sorry, pero hindi ko kayang pirmahan 'yan Aryan," matatag na sagot ko, kahit malinaw na nakita ko, kung paano nagdilim ang ekspresyon ng mukha ng asawa ko.
Nasa kanya na ang bahay at lupa ng pamilya ko, pati na rin ang naluging negosyo ni daddy ay hawak na rin ni Aryan.
Maging ako ay pinakasalan niya at ginawang katulong dito sa kanyang bahay, para pahirapan. Kahit anong mangyari ay hinding-hindi ko ibibigay kay Aryan ang kompanya na naiwan ni mommy sa akin, bago siya namatay, kahit alam kong mas lalo lamang siyang magalit sa akin at lalo niya akong kamumuhian.
For now, ito muna ang kaya kong gawin para sa sarili ko. Bahala na kung ano ang magiging kahihinatnan nito, pero kahit anong mangyari ay hindi ko pipirmahan ang dokumentong magbibigay ng karapatan kay Aryan, para mapunta sa kamay niya ang kompanyang pinaghirapan ni mommy.