PRECY Ito na yata ang pinakamahabang oras na lumipas sa buong buhay ko. Ang hirap magpanggap na natutulog habang naririnig ko maging ang pagtipa ng mga daliri ni Aryan sa keyboard ng kanyang laptop. Ayaw ko sanang magmulat ng mga mata para hindi siya makita, pero hindi na ako nakatiis dahil naiihi na talaga ako at kailangan ko nang gumamit ng banyo. Kanina pa ako nagpipigil at sa tingin ko ay hindi ko na kayang pigilan pa, kaya minabuti kong bumangon at tumayo na. Hindi man lang nag-angat ng mukha si Aryan. Para bang kahit kasama niya ako dito sa silid ay hindi ako nag-eexist sa kanyang paningin. Walang pakialam na tinalikuran ko siya at binuksan ang pintuan kung saan ko siya nakitang pumasok kanina para maligo. Matapos umihi at maghugas ng kamay ay bumalik ako sa sofa. Nababagot na