PRECY “Good morning.” Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ng maramdaman kong gumalaw ang gilid ng kama at umupo sa tabi ko si Aryan. Bagong ligo na siya at nanunuot rin sa ilong ko ang mabangong amoy ng shampoo at shower gel na ginamit niya. “Ang aga mo namang gumising,” inaantok na sabi ko kay Aryan, sabay inat ng mga braso at napahikab pa. “Nope, it's late already than usual na oras ng gising ko,” may ngiti sa labi na sagot ni Aryan sa akin. Napatingin ako sa smart watch na nakakabit sa dingding. Past seven o'clock na pala at normally, kapag ganitong oras ay wala na dito sa bahay si Aryan dahil maaga siya kung umalis para pumasok sa opisina. Masyadong hardworking ang lalaking ito at iyan ang nakita ko sa kanya sa loob ng halos walong buwan na dito ako nakatira sa kanyang bahay