Chapter 15

1812 Words

PRECY Nagising ako na nahihilo at magaan ang pakiramdam sa ulo ko. Ilang kurap muna ang ginawa ko para luminaw ang nanlalabo na paningin ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko sa tuwing magmumulat ako ng mga mata. Nasusuka rin ako at ramdam ko ang kumikibot at makirot na ugat sa sintido ko. Mahapdi ang lalamunan ko at nakakaramdam ako ng labis na pagkauhaw. Ramdam ko rin ang panunuyo ng mga labi ko at pangangasim ng sikmura ko. Sinubukan kong bumangon, pero natigilan ako ng makita ko ang dextrose na nakakabit sa braso ko. Base sa silid na kinaroroonan ko ngayon ay mukhang nasa ospital ako at ginagamot. Oo nga pala. Nawalan ako ng malay habang nasa loob ng madilim at mainit na silid kung saan ako dinala ng mga tauhan ni Aryan kagabi. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko ng muling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD