KABANATA 18— PRISINTO_PALPAK

1830 Words
#Presento_ palpak🙃 "Celes! Open the door!” Sigaw ni Luna mula sa labas ng bahay ng dalaga. Ngunit ilang minuto ang lumipas ng walang sumagot sa loob, nanghihinang umupo ang dalaga sa harapan ng pintuan. Habang si Celestina naman ay mahinang nagkanta habang naglalakad pauwi, at ng malapit na ito sa bahay ay natanaw niya ang isang babaeng hindi makita ang mukha dahil nakayuko ito. "Ano pong sa'tin?” Nagtataka na tanong ng dalaga. Doon lang tumingala ang dalagang si Luna at napasinghap pa ito, “Celes!” Galak na sigaw nito at hindi napigilan ang sarili at napayakap pa kay Celestina. "Luna? Anong ginagawa mo dito?” Nagtataka na tanong ng dalaga. Hindi kaagad sumagot si Luna bagkos ay mas hinigpitan ang pagkakayakap, "Are you hungry? May dala akong pagkain,” saad ni Luna at agad pinulot ang maliit na basket na pinaglagyan ng pagkain. “Wait? What are you doing here? Hindi ba't andun sa bahay niyo si Ramir?” saad ni Celestina. Bumuntong hininga naman kaagad si Luna, “Actually, I'm here to tell you that, nasa presinto siya.” Seryoso na sabi ni Luna. Agad naman na pahinto sa pagbubukas si Celestina sa pintuan ng marinig ang sinasabi ni Luna, bumaling ito dalaga. “Huh? Ano naman ang ginagawa niya sa presinto? May nakaaway sa kahapon? At pinadakip?” tanong ni Celestina. Huminga naman ng malalim si Luna, “Nag-aaway ba kayo ni Ramir kahapon? Ang aga kasi ni Mayor kanina sa bahay at hinanap si Ramir.” Doon lang nag sink-in ang lahat sa dalaga, nakaaway ng binata ang anak ng Mayor at mukhang nagsumbong ito sa ama kaya siguro nandon ang Mayor sa bahay ng mga Roussel, "You mean, nasa presento siya ngayon dahil sa nangyari kahapon? Nababaliw na ba si Mayor? Anak niya ang may kasalanan at si Ramir ang pinagbibintangan? Really?” Hindi makapaniwala na wika ng dalaga habang may inis na nararamdaman, tuluyan niya ding na buksan ang pintuan. "That's why I'm here, hindi pwedeng si Ramir ang makukulong. Walang kasalanan si Ramir kaya hindi pwede ang ginagawa ng Mayor.” Nanghihinang saad ni Luna. “Ano ang pinag-usapan nila kanina? Alam mo ba?” Inilibot naman ni Luna ang tingin ng nakapasok sa loob, first time niyang makapasok sa bahay ni Celestina, kahit noong bata pa lang siya at lagi din itong sumasama sa Manang Jane niya ay hindi kailanman na nakapasok siya sa loob. Namamangha pa si Luna sa loob dahil kahit maliit lang ang espasyo ay sobrang linis at naka-arrange talaga ang mga gamit. Huminga ulit ang malalimsi Luna bago nagsalita, "Kung tama ang narinig ko kanina o tama ang pagkakaintindi ko kanina ng naabutan ko silang nag-uusap. Mayor wants you to be his son's girlfriend. At sinabihan niya pa kanina si Ramir na ipaubaya ka nalang ng kaibigan namin sa anak ni Mayor." Gulat naman na patingin si Celestina kay Luna, "What? The mayor wants me to be his son's girlfriend? Nababaliw na ba siya?! Ano naman ang sinabi ni Ramir?” Umiling-iling naman kaagad si Luna, "Of course, papayag ba yun? Tumanggi siya kaya nandon siya sa presento ngayon.” Ani ni Luna at dinampot ang hinog na saging. Napakunot ang noo ni Celestina ng may napagtanto, “Bakit mo sinasabi ang lahat ng 'to? Ini-expect n'yo ba na makakatulong ako?” Nag-expect silang makakatulong ako kay Ramir? Anong tulong ang gusto nila? Sasama kay Sandro?— Ani ng dalaga sa kanyang isipan. Kaagad naman tumango si Luna, "Celes, you're the only one who can bring him out of that prison. Can you please talk to Sandro? Please...? Brother Deveraux has already called our lawyer.” Luna said. Hindi man niya gusto ang idea ni Luna ay tumango pa rin siya, dahil alam niya naman na may kasalanan din siya sa nangyari kahapon. "Gagawin ko ang makakaya ko, kung hindi ko mapapayag si Sandro na palabasin si Ramir aasa na lang ako sa lawyer niyo.” wika ni Celestina at umupo sa silya, “Kumain ka na ba?” Tanong niya kay Luna. Mabilis naman na umiling si Luna at excited na umupo sa silya, "Nagdala ako ng agahan, Okay lang ba 'to?” Tanong ni Luna at pinakita ang dinala na agahan. Dalawang Sunny aide-up egg at may karamihan na corn beef at mukhang galing ibang bansa pa at meron din itong dalang rice. Nakaramdam naman ng hiya si Celestina sa naluto niyang agahan kanina, Stumbled na itlog at bulad kasi ang niluto niya. Hindi naman talaga ito kumakain ng agahan, mas prefer pa rin sa kanya ang brunch. Pero dumating kasi ang nanay Jane niya kanina, kaya nagluto siya pero hindi din pala ito sa bahay kakain. “Kumakain ka ba ng bulad?' Nagdadalawang isip na tanong ni Celestina sa bisita. Mabilis naman na kumunot ang noo ni Luna, "Huh? B-bulad? What's that?” Tumayo naman si Celestina at kinuha ang nalutong pagkain kanina, paglapag niya sa mesa ay kaagad tinakpan ni Luna ang ilong, "Celes, ang baho!” Reklamo ng bisita. "Ito ang bulad, hindi naman mabaho ah? Masasanay ka lang din sa amoy niyan atsaka masarap kaya yan.” Pagtatanggol ni Celestina sa bulad niya. "Wait! Is that dried fish? Pero... Bakit kakaiba ang amoy?” Nagtataka na tanong ni Luna. “Kasi bulad na siya? Tikman mo para malaman mo kung gaano ka sarap, parisan mo din ng suka para mas masarap.” Proud na saad ni Celestina at nagsimula ng kumain. Nag kamay pa ito upang mas feel ang pagkain, nagutom ito dahil sa maagang pagpunta sa flower farm ng nanay Jane niya. Luna and Celestina going to prison, nakasakay silang dalawa sa itim na kotse ni Luna. Nakaramdam naman ng guilty ang dalaga dahil nasa presento ang binata. Galit man siya ngunit alam naman niyang kailangan niyang tulungan ito. Malapit na sila sa presento nang makita ang Mayor na may kausap na pulis, kapansin-pansin ang pagkabalisa nito at biglang sumakay sa kotse, balak pa naman sana ng dalaga na kausapin ng personal ang Mayor pero nakaalis na ito. Ikiniling nalang ng dalaga ang ulo at baka guni-guni lang niya 'yun. Huminto na nga sila sa harap ng presento, Nagkatinginan pa ang dalawang dalaga bumaba. Pagbaba naman ni Celestina ay kaagad niyang narinig ang ingay mula sa loob. Dahil nga presento ito, maraming mga kaso, mga taong nandoon nagbabakasakali na maayos pa. Huminga ng malalim ang dalaga bago umakyat sa hagdan upang makapasok sa entrance, “Good morning ma'am, bibisita po o magpapa-blatter?” tanong ng pulis sa dalaga, nasa likuran naman si Luna. Mabilis na umiling ang dalaga, “Bisita po,” magalang na sagot ng dalaga. “Pangalan po ng bisitahin ma'am ?” Tanong ng pulis. “Ramir Karamazov sir,” magalang ulit na sagot ng dalaga. “Kaano-ano niyo po siya ma'am?“ Tanong ulit ng pulis habang may hawak na attendance book na mukhang inilista ang naglabas loob sa presinto. Kumunot naman kaagad ang noo ng dalaga, “Do I really need to answer that question?” Halos mapataas ang kilay na saad ng dalaga habang si Luna naman sa likuran ay pigil ang pagtawa. Tumango naman ang pulis, "Yes ma'am, kailangan mo talagang sagutin ang tanong or else po, hindi kayo makakapasok.” Saad ng pulis. Napabuntunghininga naman kaagad ang dalaga, "I'm his fiancée. Can I go in?" Nagkamot naman ng ulo ang pulis, "Last na talaga ma'am, pangalan niyo po?” Gustong sumigaw ng dalaga dahil sa Inis, pakiramdam kasi niya ay sinasadya ng pulis na maraming itatanong, “Celestina Dela Santos,” Tumango naman ang pulis at isinulat ito sa attendance book at sa wakas ay pinapasok na sila. Inilibot pa ng dalaga ang tingin upang hanapin ang binata ngunit hindi niya ito nakita at mukhang pinasok nga ito sa rehas. "Ramir Karamazov, May bisita ka!” Sigaw ng pulis. Tsaka lang nakita ng dalaga ang binata ng lumapit ito sa isang rehas, " What are you doing here?” Kunwaring nito. "I'm here to help you, Ayos ka lang ba diyan?” mahinang tanong ng dalaga. Tumango naman kaagad ang binata at umupo sa sahig, “You can't do anything, maghihintay na lang ako sa abogado.” Seryoso na sabi ni Ramir. Hindi naman napigilan ng dalaga na mapairap, "Really? Wala ba talaga akong magagawa? Paano kung hindi ka makalabas diyan? Dadalhin ko habang buhay ang guilty?” Pigil na hiningang saad ng dalaga, as much as possible ayaw ng dalaga na itaas ang boses. “Pwede ba?... Makinig ka sa akin ngayon, kakusapin ko Si Sandro. Susubukan kong magpaliwanag sa kanya, yan lang ang pwede nating gawin ngayon.” Seryoso na sabi ng dalaga. Dahil sa gulat ng binata ay agad itong napatayo, "What?! No, don't you dare go to him. J-just relax and wait... please? I already called Reimer, he'll bail me out." Taranta na saad ng binata. Umiling naman kaagad ang dalaga, "Ramir, magsasayang ka lang ng per—” “F—ck! I have so much money, it won't even make a dent in bailing me out of this." Ramir's voice was laced with anger. Sa huling pagkakataon ay umiling ang dalaga, "Wait here, Luna let's go.” Pinal na saad ng dalaga at agad na naglakad palabas sa presinto. Nanghihinang napaupo ang binata sa sahig, F—ck... Kapag talaga ako makalabas dito, sasapakin ko si Chryses. Palpak na naman ang suggestion niya, F—ck it. Now Ramir, what did you do? Paano kung malaman ni Celestina na plano mo lang na pumasok sa loob ng presento para mapabilis ang pagbabati niyo? — Tanong ng binata sa sarili at nasuntok pa niya ang pader. “Uhm... Sir, paano yan? Lalabas ka nalang ba? Mukhang pumalpak po ang plano e,” ani ng pulis na kasabwat nila. Masama namang tinignan ni Ramir ang pulis, "San ang selpon ko?” Tanong ng binata sa halip na sagutin ang tanong ng pulis. Mabilis naman na lumapit ang pulis sa pinakamalapit na mesa kung saan ang selpon ng binata, "Ito po sir, ” takot na ani ng pulis habang marahang nanginig ang kamay. "Leave, “ utos nito sa pulis na kaagad naman na tumalima habang takot. Mabilis na dinayal ng binata ang numero ng kaibigan niyang si Deveraux, ilang ring pa lang ng sumagot ang kaibigan. "Kumusta? Successful b—” “No, f—ck! Pasapak nga kay Chryses dyan,” Naiinis na saad ng binata sa kaibigan. "Bakit? Ano bang binabalak ni Celestina? Hindi siya umiyak? At pinapatawad ka na niya?” Naguguluhan na tanong ni Deveraux. "No, sa halip papunta na sila ni Luna sa anak ng Mayor.” Madilim na saad ni Ramir sa kaibigan, “Tawagan mo ang Mayor, pagbantaan mo. Kapag may masamang mangyari kay Celestina kahit konting gasgas lang, ang pamilya niya ang malalagot.” Nangangagot na saad ng binata sa kaibigan habang mariin na ipinikit ang mata. "Copy, tawagin nalang kita.” Ani ni Deveraux at agad naputol ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD