KABANATA 19— Sinungaling

1634 Words
#Sinungaling “C-celes, sundin na lang natin si Ramir.” Untag na saad ni Luna ng huminto sa hospital kung saan naka-confine ang anak ng Mayor. Hindi nakinig ang dalaga sa halip ay tumingin pa ito sa labas bago nagsalita, "No, I need to talk to him. Magsasayang lang ng pera si Ramir kung pwede ko naman kausapin si Sandro.” Pinal na saad ni Celestina bago tinanggal ang seatbelt at bumaba. Problemado naman na tumingin si Luna sa dalaga, hindi alam kung sasabihin ba ang nalalaman o hayaan na lang na madiskubrehan nito mismo. "W-wait, Celes...” Mahinang pagtawag ni Luna sa dalaga ngunit huli na dahil kaagad na itong naglakad papasok sa loob ng hospital. Nag-alalang inilabas ni Luna ang selpon at tinext ang kapatid kung ano ang sitwasyon, mahigit kasing hinabilin nito na mag update kung ano ang mga mangyayari. Habang ang dalaga ay kaagad na dumeretso sa nurse station upang magtanong, "Hello, Miss. Good morning. Do you know where I can find Sandro's room? He's the mayor's son." Napakunot naman ng noo ng nurse marahil ay mahigpit na hinabilin ng Mayor na huwag ipagsabi ang numero ng silid ng anak at baka kalaban iyon. "I'm sorry, but we can't tell you the number of his room." Puno ng awtoridad na sagot ng nurse. Huminga naman ng malalim ang dalaga bago nagsalita ng malunay, "I have something to tell him. I'm his friend, and the Mayor already approved my appearance here." Pagsisinungaling ng dalaga. The nurse fell silent, seemingly weighing whether to tell her the number or not. Ngunit ilang minuto ang lumipas ng huminga ito ng malalim, "Nasa third floor po ma'am at number 135 room, po.” Ngumiti naman ang dalaga ng sabihin ng nurse ang numero, "Thank you,” Ngumiti lamang ang nurse at kaagad rin na bumalik sa ginagawa, habang si Celestina ay nagpatuloy sa paglalakad. Si Luna naman ay hindi kaagad sumunod kaya hinayaan na lang ng dalaga at baka may binili o tinawagan lang ito saglit. Ginamit naman ng dalaga ang elevator at pinindot ang tamang palapag, ilang minuto lang ay kaagad ng bumukas ang elevator at sumalubong na naman sa dalaga ang amoy ng gamot. Habang binabagtas ng dalaga ang hallway ay tumitingin-tingin naman ito sa bawa't pinto upang hanapin ang tamang numero. Ilang hakbang lang ay nahanap na ng dalaga ang tamang silid, huminga pa ito ng malalim bago kumatok. Ilang minuto din ang lumipas ng binigyan ang dalaga ng pahintulot mula sa loob na pwede na itong pumasok. Nang makapasok ang dalaga ay kaagad nitong nakita ang lalaki na nakahiga sa hospital bed, nakabinda ang kamay at ang ulo. Namamaga ang mata at ang ilong nito ay namumula, mukhang napuruhan nga kahapon ni Ramir. “Celestina? Anong ginagawa mo dito?” May pagtataka tanong ni Sandro, pero ang pagtataka non ay napalitan ng isang ngisi, "You're so sweet, baby. Miss muna ba ako? Sa akin ka na sasama?” Nakangising saad ni Sandro sa dalaga. Kahit gustong pagsalitaan ng masama ng dalaga ang lalaki ay mas minabuti na lang nitong sabihin kung ano ang pakay, “I'm here to talk about what happened yesterday. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa,” ani ng dalaga at seryoso ba tumingin sa lalaki. "Sandro, I'm sorry. Pero mali ang ginawa mo kahapon. And that man is my fiancé. Maling mali ang ginawa mong pagyakap sa akin, My fiancé is now in prison because your father put him there.” Malumanay na sa at ng dalaga at tumingin ng mas seryoso sa kausap. "Wait? What?! Nasa kulungan siya? Anong ginagawa niya doon, Kakapunta lang ni Dad dito at pinag-usapan namin ang nangyari kahapon. He said, we can't put him to the Prison.” Nakakunot noo na saad ni Sandro sa dalaga. Habang ang dalaga naman ay natigalgal hindi makapaniwala sa narinig mula kay lalaki , “Huh? Anong ibig mong sabihin? Hindi niyo pinakulong si Ramir?” Naguguluhan na tanong ng dalaga. Mabilis naman na umiling si Sandro, "No, Dad said. Hindi namin pwedeng kalabanin siya, dahil maimpluwensya siyang tao. Kung gagawin namin yun siguradong tapos na ang pamilya namin.” Hindi kaagad nag proseso ang lahat sa dalaga, “Naguguluhan ako, ibig mong sabihin na hindi niyo siya pinakulong dahil takot kayo sa kanya? Then Bakit nandoon siya ngayon sa kulungan ngayon?” Litong-lito na tanong ng dalaga. Huminga naman ng malalim Si Sandro bago nagsalita, "Nag-aaway ba kayo until now? Maybe he has a reason? Tanungin mo kaya?” Suhesyon pa ni Sandro. Umiling-iling ang dalaga Hindi alam ano ang gagawin dahil pakiramdam niya ay napagkaisahan siya ng lahat. She felt guilty when she learned that Ramir was in prison, pakiramdam niya kasi ay kasalanan niya ang lahat. Nauunawaan naman niya kung bakit nagawa 'yon ng binata, maybe magseselos lang at nadala sa nararamdaman. Pero sa mga nangyayari ngayon, ay hindi alam ng dalaga kung alin ang tama at mali. Walang imik na lumabas ang dalaga sa silid na yun, para siyang lumulutang habang naglalakad pababa, Hindi na nga nito gunamit ng elevator. Nakatulala lamang ito habang naglalakad sa hagdan. Habang sa kabilang banda ay humahangos na tumatakbo si Ramir patungo sa elevator, mabilis ang t***k ng dibdib ng binata. Nakaramdam ng kaba at takot sa maaring isipin ng dalaga. "Luna, Where is she?” tanong ng binata kay Luna na nag-aabang sa elevator. “Nasa silid pa din ni Sandro. Ramir, hindi nyo dapat ito ginagawa mas lalong hindi ka mapatawad ni Celestina nito.” Naawang saad ni Luna. “Kaya nga nandito ako 'di ba? Hindi pa naman siguro huli ang lahat—” "Pero paano kung alam na niya? Hindi alam ni Sandro ang mga plano niyo. Paano kung nabuking na kayo? Paano kung alam niya ng hindi ka nakulong?” Problemadong saad ni Luna. “Sh—t! Sana na lang talaga sinabi ko na lang kanina sa loob ng kotse e! Mas ma-explain ko pa sana ng maayos ang lahat.” Nang tumunog ang elevator ay huminga ng malalim ang binata, “Don't blame Yourself, maiintindihan rin ni Celestina ang lahat.” Lkas loob na saad ni Ramir. Napairap naman si Luna, "As if, sa mga kasinungalingang ginawa niyo? Mapatatawad kapa kaya niya?... Ramir, ibang babae si Celestina. Hindi siya katulad sa mga babaeng madali mo lang mapaikot, ibahin mo siya. Kahit simpleng kasinungalingan at kahit hindi mo sinasadya. Masasaktan at masasaktan parin talaga siya, ganyan siya ka fragile.” Seryoso na wika ni Luna habang naglalakad sila sa hallway patungo sa tamang silid ng anak ng Mayor. Nakaramdam naman ng guilt ang binata, " I know kasalanan ko, kaya nga nandito ako 'di ba para sabihin sa kanya ang totoo—” “Kahit sabihin mo pa ang totoo, kahit sabihin mo sa kanya na hindi ikaw ang nag plano. Hindi mo pa rin mababago na nagsinungaling ka, pinaramdam mo sa kanya ang guilt. Nakita mo ba ang mukha niya kanina? Ramir, nag-alala siya sayo. Alalang-alala siya, dahil alam niyang may kasalanan din siya sa nangyari kahapon, kaya hindi niya deserve ang ginawa niyo ng mga kuya ko.” umiiling na wika ni Luna bago naglakad papalayo kay Ramir. Hindi kaya ni Luna na makitang iiyak ang babae kaya mas mabuti na lang na umalis siya at tsaka na mag paliwanag sa dalaga kapag matapos na ang lahat. Inaamin din naman ni Luna na may kasalanan ito dahil may panahon pa ito kanina sa kotse na pwedeng aminin ang lahat. Habang si Ramir naman ay walang katok katok na pumasok sa loob ng silid ni Sandro, inilibot pa nito ang tingin sa loob ngunit walang bakas ng dalaga, “Where is she?” madilim na tanong ng binata kay Sandro. "Si Celestina ba? Kaka-alis niya lang,” sagot ni Sandro at tumayo mula sa kama. "You hurt her. You made her believe that my dad imprisoned you. Do you know she left a while ago, anger burning in her eyes? ... Mr. Karamazov, Celestina is a fragile woman. If you hurt her one more time, I don't think you deserve her. I wouldn't say I deserve her either, but if you hurt her, I'll make sure she chooses me in that moment." Sandro seriously said. Hindi naman napigilan ni Ramir na magalit sa lalaki at mabilis itong sinakal sa pader, “Don't you dare, ano ang sinabi mo sa kanya?” Mariin na tanong ni Ramir habang nagpipigil na hindi mapigtas ang pasensya. Ngumisi naman kaagad si Sandro, “What do you expect? Sa simpleng logic na nilaro niyo, hindi niya pa rin makikita ang mali? Aalis kaya yon na may galit sa mata?” nakangising saad nito. Ramir's patience broke, kaagad nitong sinuntok ang pader na malapit sa mukha ng lalaki, “Kapag makikita kitang lalapit sa kanya, asahan mong ang pamilya mo ang malalagot.” Banta ni Ramir bago padarag na binitawan ang lalaki na napasalampak sa sahig. Humahangos naman na pumasok ang Mayor at hinanap nito ang anak, puno pa ng pag-alala ang mukha nito. “Mr. Karamazov, tama na... please.... Maawa ka sa anak ko,” nagmamakaawa na wika ng Mayor habang nakayuko. “Dad! He doesn't deserve your apology! He hurt he—” "Shut up! Wala kang alam! Sandro, pwede ba! This time, unahin mo ang pamilya natin at huwag ang sariling kaligayahan mo lang!” Malakas na sigaw ng Mayor sa anak nito. Natameme naman si Sandro pero hindi pa din nawawala ang masamang pinukol nito kay Ramir, "Mark my words, Mr. Karamazov sa oras na saktan mo ulit siya. Hinding hindi mo siya mababawi sa aki—” "In your dreams. Mayor, Ihanda mo ang gamit ng anak mo, dalhin mo yan sa lugar na hindi ko makikita.” Madilim na saad ni Ramir bago naglakad palabas sa silid na yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD