bc

HUBAD, CELESTINA (SSPG)

book_age18+
550
FOLLOW
6.8K
READ
HE
age gap
opposites attract
arranged marriage
powerful
heir/heiress
bxg
serious
mystery
loser
like
intro-logo
Blurb

WARNING⚠️ This content involved, s****l and violence please read at your own risk. Bawal sa bata, goods sa matanda?Paano kung ang lalaking nagustuhan mo ay hindi ka gusto? Paano kung ang lalaking gusto mo ay galit sayo? Ano ang gagawin mo?Si Celestina ay biktima ng ràped, ngunit may matandang Don na mabait at kinukop siya. Pinapili pa siya kung ano ang gusto niya, maging adopted daughter o maging daughter in-law. Mamili lamang siya sa tatlong anak nito, ngunit ang pangalawa at pangatlo ay umayaw agad, kaya ang natitirang choice ay ang panganay.Ano ba ang pipiliin ni Celestina? Ang magiging in-law o maging adopted?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE/
[ PAST] WARNING⚠️ This content involved mild s****l and violence please read at your own risk. Ang gamit kong writing style ay Third pov omniscient, Sa Third Person Omniscient Point of View, ang narrator ay may kaalaman at perspektibo sa loob ng mga karakter at pangyayari sa kwento. Ito ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa mga pangyayari at mga karakter sa kwento dahil ang narrator ay may kakayahang ma-access ang mga kaisipan at damdamin ng iba't ibang mga karakter. Hindi mapigilang maiyak si Celestina matapos siyang babuyin ng mga kalalakihan. She felt helpless, dirty. Kailanman ay walang nakagalaw sa kanya kahit ang kanyang nobyo ay hindi siya nagalaw. Wala siyang samplot habang nakahiga sa malamig at maduming sahig. Hindi alam kung saan siya, iyak lamang siya ng iyak hanggang sa nakatulugan na niya. Umaga na siya ng nagising habang may nakatayong lalaki sa kanyang harapan. Mabilis naman siyang napaupo sabay takip sa katawan at sumiksik sa gilid. Kahit wala naman niyang nakikita siya nito ay sumiksik pa rin siya. “Anong nangyari sayo, hija?” Hindi siya umimik, nagkunwari siyang hindi niya ito naririnig. “Hija?” Wika nito ulit sabay squat sa harapan ni Celestina. “H-huwag….”Utal utal na saad ni Celestina. Agaran naman na itinaas ng lalaki ang dalawang kamay na para bang sumusuko. “Alright, what's your name? Why are you here and also, bakit nakahubad ka?” Umiling-iling si Celestina takot sabihin ang totoo dahil baka totohanin ang naging banta ng mga lalaking 'yon sa kanya. “It's okay, don't be afraid. I'm not going to hurt you,” he said. Agad naman napatingin si Celestina dahil sa sinabi ng lalaki, “G-ganyan din naman ang sinabi ng pangalawang lalaki.” Mahina nitong saad. “Huh?! Pangalawa? Ilan sila, hija?” Umiling naman agad si Celestina, ayaw sabihin dahil sa takot. Naging tahimik ang dalawa, walang nagsalita. Ramdam naman ni Celestina ang titig ng matandang lalaki. “Do you want to revenge? I can help you, don't worry hindi ko tatanungin kung sino sila.” Nanginginig sa takot si Celestina habang nakatago sa sulok. Ang kanyang puso ay mabilis na kumakabog sa takot at galit sa mga lalaking sumalakay sa kanya kagabi. Hindi niya alam kung paano niya nakayanan ang pangyayaring iyon, ngunit ang kanyang determinasyon na mabuhay at lumaban ay nagliliyab sa kanyang dibdib. Sa gitna ng kanyang takot, nagtataglay siya ng lakas at tapang upang harapin ang kinakaharap na panganib. Mabilis siyang tumingin sa matandang lalaki at tumango. “P-pwede mo ba akong kupkupin Mister? I can do anything, I can do cleaning, cooking and also laundry. P-please h-help me.” Umiiyak na saad ni Celestina sa matandang lalaki. Bumuntonghininga naman ang matandang lalaki atsaka tinulungan si Celestina na makatayo, napaigtad pa ang dalaga dahil sa biglang pag hawak nito sa kanya. “You don't need to do household chores,—” “P-po?” Wika ni Celestina habang may takot sa mukha. Mahina namang natawa ang matandang lalaki, “Relax, I'm not that kind of man, hija .” Inalalayan naman ng matanda ang dalagang si Celestina at pumasok ang dalawa sa itim na kotse. Pangamba at takot naman ang nararamdaman ni Celestina dahil bukod sa estranghero ang matanda ay lalaki din ito. “Do you know why you don't need to do household tasks?” Tanong ng matanda sa dalagang si Celestina. Mabilis naman na umiling si Celestina at yumuko, takot na baka pagalitan dahil hindi nakasagot. “From now on, you're my daughter.” Agad naman namilog ang mata ng dalaga at bumableng sa matanda, “H-ho?” nauutal nitong tanong. “You heard it right. I want you to be my one and only daughter, or perhaps a daughter-in-law? You can choose who you want to marry among my sons: Ramir, my eldest son, or Rome, my second son, or maybe Reimer, my third son.” “B-bahala kana po, mister." Mahinang usal ni Celestina at mas yumuko. Humalakhak naman agad ang matanda, “Don't worry, hija. Tsaka ka na mag desisyon kapag makikita muna ang tatlong anak ko.” “Don saan tayo?” Tanong ng drayber. “Mansyon,” Naging tahimik ang buong byahe, dahil hindi alam ni Celestina kung saan ang mansyon ng matanda ay pumikit siya at nagpanggap na nakatulog. Gusto niyang malaman kung mapagkakatiwalaan ba ang matanda. “Carlo, ano sa tingin mo, ano kaya ang nangyari sa dalagitang ‘to?” Don Ramon asked his driver. “Malakas ang pakiramdam ko Don na ginahasa yan, dahil natagpuan natin siya na walang saplot mabuti na lang ay may nakatakip sa maselang parte niya.” Sagot ng driver. Bumuntonghininga naman agad si Don Ramon, ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang pagsamantalahan ang babae. “Ano sa tingin mo ang pipiliin niya? Maging anak ko o in-law?” Huminga naman ng malalim ang driver, “Kung gusto mo siyang protektahan Don, mas maigi kung maging in-law mo siya. Your sons can protect her. You know that the Montero clan has returned.” Ang Montero clan ay ang kaaway ng mga Karamazov Clan, Don Ramon Karamazov is the eldest son of Karamazov Clan. Noong nangyari ang trahedya ay si Don Ramon ang naiwan, niligtas siya ng kanyang ina at kaya ayaw niyang makakita ng pinagsamantalahan na babae dahil nasaksihan niya kung paano binaboy ang sariling ina. Kaya ang mortal nilang kaaway ay ang Montero Clan. “Hija? Hija?” Si Don Ramon. Kanina ay nagpanggap lamang si Celestina na nakatulog ngunit mukhang nagkatotoo yata. Umungol si Celestina at kurap-kurap ang mata, tsaka niya lang narealize na may kasama pala siya. “P-po?” Takot niyang tanong. Narinig niya ulit ang pagbuntonghininga ng matanda, “Huwag kang mag-alala, ligtas ka sa poder ko.” Dahan dahan naman na tumango si Celestina dahil na rin sa hiya, tinulungan na nga siya ngunit nag-isip pa talaga siya ng masama. Napanganga nalang ang dalagita ng lumabas ito sa loob ng kotse, hindi niya akalain na sobrang yaman ng matanda. “M-mansyon niyo po?” Ngumiti lamang ang matanda kay Celestina, “Yes, are you surprise?” Umiling naman kaagad si Celestina, “No, po. Sa pananamit mo palang ay halata na pong bigatin kayo, hindi ko lang ini-expect na ganito kayo ka yaman.” Magalang na wika ni Celestina. Sabay naman silang pumasok sa loob, kanina ay namangha lamang si Celestina dahil sa italian style ng mansyon ngunit ngayon na nakapasok sila sa loob ay hindi lang mangha ang nararamdaman niya. Kundi admiration dahil sa sobrang elegante ng bawat disenyo. Napapatingin pa siya sa bawat nadaanan nila dahil ang mga katulong ay nakahilera sa gilid. “Welcome back, Don Ramon!” Sabay-sabay na pagbati ng katulong at napatingin kay Celestina. “From now on, you call her by her name.” Ani ni Ramon, "Hija, I forgot to ask your name.” “Uhm...C-celestina— Celestina sir.” Nakayuko na sagot ng dalaga. Tumango naman agad ang matanda, “Simula ngayon, tatawagin mo akong dad or papa, understand?” Mabilis pa sa alas-kwatro na tumango ang dalaga at kinuskos ng marahan ang kamay. “Y-yes, P-papa...” “Welcome to Karamazov mansion, Miss Celestina!” Pagbati ng mga katulong. “Manang lorna, pwede mo ba siyang ihatid sa magiging silid niya?” Wika ni Don Ramon. Mabilis naman na tumango ang tinawag nito, “Maligayang pagdating, Miss Celestina. Sumunod ka sa akin.” Wala namang naging angal si Celestina at agad na tumalima, umakyat sila sa engrandeng hagdanan. Bawat inaapakan niya ay puno ng pag-iingat dahil maliban sa kumikislap ito ay nakikita ng dalaga ang sariling paa na sobrang dumi. Pagpasok nila sa loob ng silid ay nalaglag ang kanyang panga, kung tingnan ito ay para iyong silid ng Princesa, dahil sobrang maluwag ang espasyo at detalyado ang bawat kagamitan. “U-uhmm...M-manang, wala bang ibang silid bukod rito?” “Naliliitan ka ba, Miss Celestina? Meron pa namang iba, halika—” Agad nakaramdam ng hiya si Celestina, “Hindi naman po siya masikip, ang akin lang po ay sobrang engrande kasi ng silid na ito.” Nakayuko na saad ni Celestina. Hindi naman niya sinasadya na iba ang iisipin ng matanda, narinig naman niya agad ang marahan na pagtawa ng matanda. “Ineng, lahat ng silid o kagamitan ng mansyon ay purong mamahalin, maraming Antique at ibang mamahalin na gamit. Kaya kung ako sayo ay simula ngayon, sanayin muna ang sarili mong makikita ang mamahalin na gamit sa buong mansyon.” Paliwanag ng matandang babae. Napatango nalang si Celestina dahil sa paliwanag ng matanda, “Miss Celestina, okay ka na ba dito?” Sa pangalawang pagkakataon ay tumango ang dalaga, paalis na ang matanda ng may maalala si Celestina. “Manang, can I ask?” Hindi siguradong saad ni Celestina. Huminto naman ang matanda at binalingan siya, “Ano yon, Miss?” "Uhm.. Manang you can call me by my name,” Si Celestina. “Mabait po ba ang anak ni Papa Ramon?” Sa una ay kumunot ang noo ng matanda ngunit kalaunan ay napatawa ito, “Oo naman, Ineng. Mababait ang mga anak ng amo ko, Ilang taon na nga lang hindi namin nakikita si Ramir, pero si Rome at Remier ay dumadalaw naman dito kapag hindi busy sa kanilang negosyo.” Kaagad nakuha ang atensyon ni Celestina sa pangalang, Ramir. “Ramir po? Yong eldest son po ni Papa?” Tumango naman kaagad ang matanda, “Mag limang taon na mula nang huli naming nakita si Sir Ramir, hindi ko rin maintindihan kung bakit okay lang kay Don Ramon na hindi nakikita ang anak.” Nag-isang linya naman agad ang kilay ni Celestina, “Hindi po sila nag-aaway?” Umiling naman agad ang matanda, kahit nakikita sa mukha ng dalaga na may gusto pa itong itanong ay mas pinili nalang nitong manahimik. Bawat sulok ng silid ay sinisilip ng dalaga at may mangha sa mga mata. Bata palang si Celestina ng iniwan siya ng ina nito sa kanyang tiyahin na bayaran. Hindi nakapag high school, ngunit hindi naman bago sa kanya ang salitang Inglis dahil may kaibigan ang tiyahin na inglis kung magsalita. Nakikinig at minsan nagpaturo siya kaya alam niya ang salitang Inglis. Sa ibang panig..... “Manang Lorna, pakitawag si Celestina.” Ramon said. Nagtataka namang napatingin ang dalawang anak nito na si Rome at Reimer, “Your mistress dad?” Rome ask. Galit naman na tumingin si Ramon sa anak, “No, she's your step-sister, or maybe your sister-in-law. It depends on whom she wants to marry among the three of you—” “What?! Dad no way!” Mabilis na angal ni Reimer. “Shut up Reimer!” Ramon. Sa panig naman ng matandang si Lorna ay mabagal itong naglakad paakyat patungo sa silid ng little princess ng Karamazov. “Ineng? Ineng?” Tawag ng matanda sa labas ng pintuan. Agad naman na lumabas ang dalagita. “P-po?” “Bumaba ka ineng, tinatawag ka ni Don Ramon atsaka nandito din ang dalawang anak niya—” “Po?!” Gulat na wika ni Celestina. Tumango naman agad ang matanda, “Bumaba ka nalang Ineng kapag okay kana.” Kahit kinakabahan ang dalagita ay alam naman nitong hindi niya maiiwasan ang pagkilala sa mga anak ng matandang si Ramon. “Ayos na po ako Manang.” Nakangiti naman na tumango ang matanda, “Tara?”

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook