KABANATA 17— AWAY NA NAMAN?

2092 Words
# Away na naman... “CELESTINA.” Malamig na tinig ang nagpataas ng balahibo ng dalaga. Pangalan niya palang ang binanggit ng binata pero sobrang nakakasakal na, ang lamig ng boses. “Who are you?” Tanong ni Sandro. Napapikit nalang ang dalaga dahil sa katangahan ng binata, "Shut up, will you?” Inis na sita ng dalaga ngunit napasinghap nalang ang dalaga ng inakbayan siya ni Sandro. "Are you cra— Ramir!” Hiyaw ni Celestina ng bigla nalang tumilapon ang binatang si Sandro. "You f—cking asshole... Don't you dare lay a finger on my fiancé!" Galit na sigaw ni Ramir at kinuwelyuhan pa ang binatang si Sandro. “F-fiance?” Nalilitong tanong ni Sandro habang dumudugo ang ilong dahil sa pagsapak ni Ramir kanina. "Surprise? Yes, she's my f—king fiance. Any problem?” Nanunuyang saad ni Ramir at umambang suntukin ulit ang binata ng sumigaw ang dalaga. "RAMIR! STOP IT!” Malakas na sigaw ng dalaga at hinatak ang binata. Ang masamang tingin ni Ramir ay napunta sa dalaga, ang panga ay nanginginig dahil sa galit habang salubong ang mga kilay. Ang kanyang mga mata ay nakakamatay titig. "What? Kinakampihan mo ang lalaking to?” Malamig na tanong ni Ramir. Umiling-iling naman kaagad si Celestina at marahan na hinawakan ang braso ng binata, "Uuwi na tayo please...? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, nakakahiya.” Pakiusap ng dalaga. Bumuntonghininga naman binata bago hinila paalis ang dalaga, pinagtitinginan na sila ng mga tao pero ang binata ay walang pakialam na hinatak si Celestina paalis. Nagkakagulo pa ang ibang tao na tinulungan ang anak ng mayor. Pagpasok nila sa loob ng bahay ay kaagad nagkalat ang pagkain na bitbit ng dalaga ng bigla nalang itong hinatak at tinapon ng binata. "Ramir ano ba! Nasasaktan ako!” Sigaw ni Celestina dahil nasasaktan na ito sa higpit ng pagkahawak ng binata. "Sayang ang pagkain!” Galit na tumingin si Ramir sa dalaga, "Shut up! Why do I still choose you, damn it!” Sigaw nito at sinipa ang kahoy na silya, “There is a lot woman out there who's decent—” “What are you talking about?” Manghang tanong ng dalaga, “Sinasabi mo bang hindi ako desenteng babae? Ha! Ramir!” Sigaw ng dalaga habang tumutulo ang luha. Doon lang natauhan ang binata ng nakitang umiyak ang dalaga, “No, no, I didn't mean it... F-fûck!... I've got jealous everytime may ibang lalaki na lumalapit sayo. I-i'm sorry.” "Kung ganyan lang naman pala ang tingin mo sa akin, mas gugustuhin ko nalang na sumama sa ibang lala—” “F-fûck no! You can't do that to me, I'm your fiance—” “Get out! You asshøle get out! Huwag mong ipapakita ang mukha mo sa akin! I don't need you! Bumalik ka nalang doon sa Maynila!” Galit na sigaw ng dalaga habang umiiyak. Tulak tulak ng dalaga ang binata habang umiiyak, habang nakatulala lamang si Ramir. Nang nakalabas ang binata ay agad-agad na sinarado ng dalaga ang pintuan at trinangkahan ito upang hindi makapasok ang binata kapag mahismasmasan. Akala ng dalaga ay hindi nag-iisip ng ganoon ang binata lalo na ay kampante lamang siyang nasa tabi nito, ngunit mali pala siya. Katulad parin ito ng dati at ibang tao na, ikinahiya siya. Hindi makahinga ng maayos ang dalaga dahil sa pag-iyak kaya upang hindi lumala ang sitwasyon nito ay kaagad na inilabas ang kanyang gamot na ibinibigay ng kanyang kuya Rome. Sa ilang buwang pananatili ng dalaga sa Roussel Rancho ay buwan buwan naman siyang pinapadalhan ng kuya niya ng gamot. Hindi alam kung saang galing na lugar pero alam naman nito na safe ang mga gamot na pinapadala. Umiyak ng umiyak ang dalaga hanggang sa nakatulugan na nito ang pag-iyak. HABANG Si Ramir ay walang emosyon na naglakad patungo sa mansyon ng Roussel, of course saan paba ito tutuloy kundi sa Roussel lang. Malayo pa lang ang binita ng nakita ito ni Luna, "Kuya I think that's Ramir." Luna said habang hindi tinanggal ang tingin sa binatang naglalakad. Dumungaw naman si Chryses sa bintana, "Si Ramir nga,” kumpirma nito at umayos ng tayo. Kaagad naman bumaba ang magkakapatid upang salubungin ang kaibigan ng galak ngunit kaagad itong natahimik ng makita ang hitsura ng kaibigan, “Bro, what's wrong?“ Tanong ni Deveraux habang nakapamulsa. Hindi umimik ang binata sa halip ay dumiretso ito sa counter wine kung saan naka-display ang mga mamahaling alak. Nagkatinginan naman kaagad ang magkakapatid at agad na ngumisi. "Sis ano kaya problema niyan?” Bulong ni Chryses kay Luna. “Di paba obvious? Malamang si Celestina na naman,” irap na sagot ni Luna sa kapatid at agad na lumapit sa iba. Natawa naman si Chryses dahil sa kamalditahan ng kapatid at sumunod nalang din, wala ang kanilang ina at ama nasa ibang bansa at nagbabakasyon. "Bro, what is the problem this time?” Seryoso na tanong ni Real. "Kuya I thought nakaalis kana?” Gulat na tanong ni Luna sa kapatid. Masama namang tinignan ni Real ang kapatid, "Ano ang sinasabi ko sayo tuwing may kausap ako?” Tumungo naman kaagad ang dalaga, “Don't interrupt you when I'm talking." Mahinang usal nito. Tumango naman kaagad si Real ng marinig ang sinagot ng kapatid, habang si Chryses ay natatawang tumingin sa kapatid habang si Luna ay masamang tinignan naman si Chryses. Para talaga silang aso't-pusa. “I hurt her, f—fck...” Mahinang usal ni Ramir. Sabay naman napatingin ang magkakapatid sa kaibigan, “What do you mean, you hurt her? Pinagbuhatan mo ng kamay? God!” React ni Luna. “No, hindi ko siya sinaktan physically. I hurt her feelings, I think?” Di sigurado na saad ni Ramir. Napatampal nalang sa sariling noo ang magkakapatid, "You think? Not sure?” Deveraux asked. "How did you hurt her? Tell us,” pangumbinsi naman ni Luna. "Nasabihan ko siya ng hindi maganda—” “Like what?!” Histirical na tanong ni Luna. "Luna, can you please shut up? Paano niya sasabihin kung palagi mong pinuputol ang sasabihin niya?” Deveraux said. Natahimik naman kaagad ang dalaga at umayos ng upo, nagsimula na itong makaramdam ng inis sa lalaki. "Like I said, nasaktan ko siya not physical but her feelings.” Wika ni Ramir at huminga ng malalim upang ipagpatuloy ang sasabihin, "Sinabihan ko siya ng hindi maganda, I told her that she's not a decent woma—” “Ramir! Are you insane! Bagay lang naman pala sayo na i-ignore ni Celestina! Gosh! Mabuti nalang talaga at hindi kita gusto in a romantic way!” Galit na sigaw ni Luna at nag martsa paalis. Habang ang magkakapatid na lalaki ay hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan, “Really, bro? You really told her that? Honestly, even me I can't forgive you. I promise." Iling-iling na saad ni Chryses. Hindi umimik si Ramir sa halip ay tinungga nito ang isang mamahalin na alak, napangiwi pa ang magkakapatid dahil sa ginawa ng kaibigan. Tahimik lang silang nanunuod walang kahit sinong nagsalita o gumawa ng ingay. They stay and observed, ito ang lagi nilang nakasanayan at ginagawa kapag depressed ang isang kaibigan. Minsan ay sumasali sa inom pero this time, hindi nila kailangan uminom upang damayan ang kaibigan. Sa halip ay nananatili lamang silang tahimik. Ilang oras silang tahimik at ilang oras din umiinom si Ramir, huling tungga niya ay ang pagbagsak nito sa counter. Ngumiwi naman si Chryses dahil sa masamang pagbagsak ng mukha ni Ramir, "Paniguradong masakit yon,” ani pa nito. "Dalhin niyo yan sa guest room,” utos ni Real at tumayo. "Aalis kana?” Deveraux asked. "Hindi obvious?” Bangag na sagot naman ni Real. Napairap nalang si Deveraux dahil sa ka-seryosohan ng kapatid at ang pagiging suplado nito, "Okay, ingat ka.” Huling saad ni Deveraux at umakyat na rin sa sariling silid. Alas 7: 00 ng gabi ng matapos ang pagdadrama ni Ramir, niya kanya kanyang akyat ang magkakapatid ng ipasok nila si Ramir sa guest room. Habang si Luna ay nagmukmok sa loob ng silid niya, hindi alam kung ano ang gagawin sa matalik niyang kaibigan. Hanggang nakatalugan na lang dalaga ang pag-iisip. Kinabukasan naman nagising si Deveraux sa katok ng kanilang mayordoma, “Manang, ang aga mo namang kumatok.” pagreklamo ni Deveraux. “Hijo, kailangan niyong bumaba. May bisita kayo,” saad ng mayordoma. “Ho? Bisita? Hindi ko alam alam na may bisita ngayon,” sagot naman ni Deveraux. Bumuntonghininga naman ang matanda, “Si mayor, nandito siya.” "What? Ano namang ginagawa ng matandang yan dito?” Nakakunot ang noo na tanong ni Deveraux. “Tungkol sa eskandalo raw kahapon, hijo.” Saad ng matanda. "What do you mean, eskandalo? May eskandalo na naman ang mga kapatid ko? Sino? Si Luna ba?” Umiling kaagad ang matanda, "Hindi, ang kaibigan niyong si Ramir.” "Ha? Ano naman ang ginawa niya?” Nagtataka na tanong ni Deveraux sa matanda. Huminga naman ng malalim ang matanda, "Hijo, huwag ako ang tanungin mo. Hindi ko din alam,” mahinang wika ng matanda. Doon din napagtanto ni Deveraux na kanina pa siya nagtatanong sa matanda na wala namang alam, "Tell him, bababa ako. Magpapalit lang ako ng damit,” utos ni Deveraux sa matanda. Mabilis naman na tumango ang matanda at naglakad ulit pababa sa engrandeng hagdan at lumapit sa mayor na prenteng nakaupo sa sala. Ilang minuto ang lumipas ng kinatok ni Deveraux ang kapatid na si Chryses at Luna. Upang silang tatlo ang haharap sa mayor, "Fix yourself, mayor is here.” Simpleng saad ni Deveraux sa kapatid at kaagad na bumaba upang kausapin ang mayor. "Magandang umaga, Mayor. Napadalaw ka?” Pormal na saad ni Deveraux. "I'm to talk to your friend, kahapon ay sinapak niya ang anak ko. At ngayon ay nakaratay sa hospital ang anak kong si Sandro.” Seryoso na wika ng Mayor. "What do you mean?” Nagtataka na tanong ni Deveraux. "I remember named Celestina, kaibigan ng anak ni Jane.” Ani ng Mayor, “Kahapon ay sinapak ng kaibigan mo ang anak ko, kaya nasa hospital ngayon ang kaawa-awa kong anak.” Doon lang napagtanto ni Deveraux na may hindi sinasabi ang kaibigan, hindi nagpatinag ang binata ay seryoso itong tumingin sa Mayor, "What are you planning now? Sasampa ka ba ng kaso?” Umiling naman ang Mayor, "No, ang gusto ko ay ipaubaya ng kaibigan mo ang babaeng yon.” Insulto namang humalakhak si Deveraux, "Kakaiba ang hiling mo, Mayor.” Mahinang tawan na saad ng binata, “Sigurado akong hindi lang pilay ang aabutin ng anak mo kung sakali.” Mabilis naman na kumunot ang noo ng Mayor, hindi makapaniwala na kaswal lamang na nakipag-usap ang binata, "Wala ka sa lugar upang magbigay ng disisyon, Hijo. Ang gusto kong marinig ay ang disisyon ng kaibig—” "Gusto mo bang paglamayan ang anak mo, Mayor?” Pagsingit ng bagong dating na si Ramir. Seryoso ang mukha at ilang minuto lang ay manlapa na ito. "Who are you?” Matigas na tanong ng Mayor. “Siya ang kaibigan ko, Mayor. Ang gusto mong makausap.” Pagsingit ni Deveraux. “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Hijo. Gusto kong ipaubaya mo sa anak ko si Celes—” "Pwede naman,” Humalakhak naman kaagad ang Mayor, "Gusto kita Hijo, walang paligoy-ligoy at pumapayag agad.” Ang seryosong mukha ni Ramir ay naging mas mapanganib, "Pero sa isang kondisyon,” Kumunot naman ang noo ng Mayor, "Gusto mo ng pera? Magkano ba ang gusto mo? 100k ? 150k?” Humalakhak naman ng nakakatakot si Ramir na akala mo'y nasa horror movie sila, “Anong akala mo sa akin? Kapos sa pera?” Irita naman na tumingin ang Mayor sa binata, "Ano ba ang gusto mo? Sinasayang mo lang ang or—” "I want your son dead, ano papayag ka?” malademonyo tanong ni Ramir sa matandang Mayor. Napalunok kaagad ang matanda, "Nababaliw kana ba? Ano naman ang gagawin ko sa bayarang babaeng yon kung mamatay ang anak ko?!” Ramir's patience broke, mabilis itong lumapit sa Mayor at sinakal, “Don't you dare insult my woman.” Madilim na saad ni Ramir sa matanda, "Baka gusto mong bumagsak sa posisyon mo?...Mmm?” “I-i...” “Ilayo mo ang anak mo sa fiance ko, kung hindi. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa pamilya niyo. Mark my words, Mayor at baka magising ka nalang isang araw ay nasa impyerno kana.” Malamig na saad ni Ramir at padarag itong binitawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD