KABANATA 4

1900 Words
#Six months in Del Rancho “Celes! Celes!” Mabilis napatingin ang dalagang si Celestina ng nagtatakbo habang sumisigaw ang kaibigan na si Jang, si Jang ang unang naging kaibigan ng dalaga pagdating sa Rancho. “Jang, please stop shouting. You can call me naman na hindi nagsisigaw.” Agad naman itong nagkakamot ng ulo, “Sorry naman, kasi excited na akong makita ang anak ng Roussel.” Humahagikhik na saad ni Jang. Huminga naman ng malalim si Celestina, sanay na ito sa ganitong ugali ng kaibigan. Minsan nga walanghiya itong tatawagin ang magugustuhan na lalaki kaya siya nalang ang nahihiya para sa kaibigan. Kumunot naman kaagad ang noo ni Celestina, "Anak? You mean hindi lang ang dalawang Roussel ang anak kundi meron pa?” Nagtataka na tankng ni Celestina. Tumango naman ito, “I thought you already knew, Celes. The Roussel family only has three biological children, the rest are adopted. But don't get me wrong, they treat their adopted children well. They actually love them like their own.” “So, ilan ang anak nila?” “Tatlo ang totoong anak nila, habang walo ang adopted atsaka puro lalaki ang pito at apat ang babae.” “Huh? Ganon ka rami ang adopted nila? Ano ba balak nila sa kanilang pamilya? Maging bahay ampunan?” Naiiling na saad ni Celestina. Umiling kaagad si Jang, “Oh! Di mo sure yan, alam mo ba na hinahangaan sila ng nga tao rito. Dahil sa mabuting puso nila.” "Talaga? Sa bagay, mayaman din naman talaga sila kahit bente pa maging anak nila, ayos lang.” “So, balik na nga tayo sa gusto kong i-chika.” Bumuntonghininga naman kaagad si Celestina dahil sa sinabi ng kaibigan, "Oh, ano naman ang gusto mong i-chika dyan?” “Hindi ko lang sure kung silang lahat ba ang darating, alam mo ba Celes. Lahat sila ang ga-gwapo atsaka—” “Yummy at maraming pandesal.” Pagputol ni Celestina sa sasabihin sana ng kaibigan. "Abah! Abah! Abah! ginagaya muna ba ako?” Napailing nalang si Celestina dahil sa kakulitan ng kaibigan, "Araw-araw mo ba naman yan sinasabi, sinong tanga ang hindi makabisado ang mahiwagang linyahan mo? Aber?” “Hayst, halata ba?” "Hindi naman,” Ngumiti naman kaagad si Jang,“Talaga?” “Oo, kasi halatang-halata lang.” Wika niya pa at agad na tumawa. Hindi naman maipinta ang mukha ng kanyang kaibigan, "Ang bad mo talaga, Celes. Hindi talaga kita irereto sa isang magkakapatid na Roussel.” Ngumiwi naman kaagad si Celestina, “Wala din akong balak na makilala sila,” “Ang choosy mo talaga Celes... Pero sa bagay hindi naman talaga dapat ikaw ang maghahanap sa kanila kundi sila mismo ang maghabol sayo. Ang ganda mo kaya tapos ikaw ang kailangan maghabol sa kanila? Huwag ganon! Dapat sila ang maghabol sayo.” Saad ni Jang kay Celestina. Natawa nalang ang dalaga na si Celestina, "Jang, kailan pala mag harvest ulit si Nanay Janet ng bulaklak?” Ang nanay Janet ay ang ina ni Jang, naki-nanay na rin si Celestina dahil yon naman ang gusto ng matanda. Nang panghuling araw kasi ng tour group ay naghahanap na ang dalaga na pwedeng mapag-stay-an. Nag try lang naman si Celestina na maghanap para naman makapagtipid kaya ng sinabi ni Jang sa kanya na may maliit na parentahan ang nanay ay kaagad itong sinunggaban ng dalaga. At yon na nga ang naging dahilan kung bakit nag two months ito rito sa bukidnon. “Tapos na nag harvest si Nanay, pero hinabilin niya pala kung pwede ka bang isama niya sa mansyon ng pamilyang Roussel.” “Huh? Bakit?” Nakakunot na tanong ng dalaga. “Nakalimutan muna ba? Binanggit mo kasi kay Nanay na may alam ka kung paano mag arranged ng bulaklak, kaya naisipan ni nanay na baka pwedeng ikaw ang mag-isip ng bagong arrangement.” Napatampal nalang sa noo ang dalaga na si Celestina, naalala nga nito na nakabanggit siya tungkol sa flower arrangement. Ilang years din kasi ang dalaga sa poder ng Karamazov at sa ilang taon na yon ay ang dalaga ang palaging nag arranged ng bulaklak sa bawat sulok ng mansyon. “Sige, sasama ka naman diba? Ayokong kami lang ni nanay. Alam mo naman siya na kapag may makachismisan bigla akong iiwan.” Saad ni Celestina. Humalakhak naman kaagad si Jang, “Hindi ka pa'ba sanay kay nanay? E, sa kanya kaya ako nag mana.” “Halata naman kasi sa pagiging chismosa mo, atleast kapag si nanay ang mag chismis ay hindi puro yummy at pandesal.” Napatingin naman kaagad sa relo si Celestina, “Anong oras ba ang punta?” “OMG! Malilintikan talaga ako ni nanay! Celes ngayon na tayo aalis, bilis!” Taranta nitong sigaw. Walang nagawa ang dalagang si Celestina kundi ay huminga ng malalim at umiling, “Inuna ba naman ang chismis kaysa sa totoong pakay.” "Sorry na excited lang kasi ako,” nakasimangot na wika ni Jang. "Let's go, baka magbago isip ko sumbong kita kay nanay—” “Bff, huwag naman ganyan. Alam mo naman na masakit mangurot si nanay sa singit e.” Natatawa nalang si Celestina dahil sa inakto ng kaibigan, sa anim buwan kasi ng dalaga sa lugar ay naging payapa at ligtas ang buhay niya. Naging mas magaan ang pakiramdam niya at hindi palaging naiisip na may mangyayaring masama sa kanya. Hindi na rin ito inaatake ng panic. Kaya mas mabuting dito nalang muna ito. “Celes anak, pasensya kana at aabalahin kita ngayong araw.” Saad kaagad ng ginang nang nakalapit ang dalawang dalaga na si Celestina at Jang. “Ayos lang ho, Nay. Wala naman po kasi akong gagawin ngayon,” "Ah-eh ganon ba? Huwag kang mag-alala libre nalang kita ng adobong kangkong at biko.” Kaagad naman nag ningning ang mata ni Celestina, paborito kasi ng dalaga ang binanggit ng ginang. Noong una pa ay umaayaw siyang tikman ang adobong kangkong kasi nga hindi siya sanay, pero ng matikman ay naging paborito na niya ito at lalong-lalo na sa biko. Hindi nakakaumay ang biko kaya din ito nagustuhan ng dalaga. "Ay bet ko yan nay, sige saan ba tayo magsisimula?” Tanong kaagad ng dalaga at inilibot ang tingin sa mga nakalapag na bulaklak sa lupa. Mabilis naman na nagkamot ang ginang, “Hindi tayo rito mag a-arrange, doon tayo sa mansyon anak. Gusto kasi ni Mrs. Roussel na makita ang pagkaka-ayos, okay lang ba sayo yon?” Kahit nag-aalangan ay tumango nalang ang dalaga, naka-oo na kasi ito kaya nakakahiya naman ba bawiin ang pagpayag ng dalaga. “Oh-ah, ayos lang nay. Tara na po.” Mabilis na kinarga nila ang nga bulaklak sa likuran ng tricycle at sumakay na din, magkatabi sila ng nanay Jane niya habang ang kaibigan ay nasa likuran ng drayber na ama ni Jang. “Anak, kumusta ang pananatili mo rito?” Tanong ng Tatay Robert. Awtomatiko naman na napangiti ang dalaga, "Ayos na ayos tay, salamat po talaga sa inyo.” "Walang ano man, anak.” Ilang minuto lang ang lumipas ng natatanaw na nila ang malaking mansyon ng Roussel family. Ang mansyon ay pinaglulumaan na, pero sobrang engrande parin tignan. May malaking fountain, malawak na harden at ang likuran ay ang maliit na maze. “Ang ganda talaga rito,” usal ni Jang. Tahimik lang na pinagmamasdan ni Celestina ang buong lugar, namamangha man ay hindi niya ito pinakita sa mga kasamahan. Hindi parin talaga sanay ang dalaga na ipakita ang totoong emosyon. She always wear a smile, walang araw o minuto siyang nakangiti sa pamilya ng kaibigan. “Manang Jane! Andito na pala kayo, pasok kayo.” Isang ginang na sobrang ganda. Napangiti nalang ang dalaga dahil sa nakikitang kasimplehan ng ginang. Dahil kung iba pa ito, baka napuno na ng abobot ang buong katawan pero itong si Mrs. Roussel ay walang kahit alahas kang makikita sa kanyang katawan. A simple woman, always beautiful, no matter what she wears. “Madam, ito pala yong palagi kong kinukwento sayo. Si Celes.” Pakilala ng nanay. Kaagad naman inilahad ni Celestina ang kamay, “Magandang tanghali Mrs. Roussel, Ako po si Celestina.” Pakilala ng dalaga, akala pa nito ay hindi tatanggapin ng ginang ang kamay dahil sino lang naman siya upang makipag-kamay ang ginang. “Oh, hija. Your name is beautiful, just like you. It's nice to meet you. I'm looking forward to seeing your flower arrangement skills.” “Thank you, madam.” Nakangiti na wika ni Celestina. Mabilis na prepare ang gagamitin ng dalaga, umupo si Celestina sa malinis at kumikintab na tiles sa loob ng mansyon. Habang may malawak na ngiti sa mga labi. Maingat na nag-aayos ng mga bulaklak si Celestina sa isang napakalaking vase na gawa sa kristal. Hindi mapigilang mamangha ng dalaga tuwing nahahawakan ang malaking vase na gawa sa kristal, puno ng pag-iingat upang hindi niya ito mabasag dahil alam naman nito kung gaano ka mahal, itsura palang alam na na ilang libo ang ilalabas sa bulsa. Ang mga bulaklak ay sariwa at magaganda, na pinili ng dalaga mismo mula sa binitbit nila galing sa taniman ng nanay Jane. May mga pulang rosas, puting liryo, at dilaw na sunflower, na nagbibigay ng isang masigla at nakaka-engganyong kulay sa silid. Si Mrs. Roussel, na nakasuot ng isang simpleng plain-white dress, ay nakaupo sa isang malambot na sofa at pinagmamasdan ang dalagang si Celestina. Ang kanyang mga mata ay kumikinang sa pagkamangha habang pinagmamasdan ang dalaga na maingat na inilalagay ang bawat bulaklak sa vase. "Napakaganda naman ng mga bulaklak, Celestina," sabi ni Mrs. Roussel. "Parang ang sarap tingnan at dagdagan pa sa mga kamay mong puno ng pag-iingat sa bawat pag hatak sa mga bulaklak." "Salamat po, Madam," sagot ni Celestina. "Gusto ko pong gawing maganda ang silid para sa inyo at sympre bagay sa kagandahan at kasimplehan mo." Ang mga kamay ni Celestina ay nag-iingat na hinahawakan ang mga bulaklak, na parang mga mamahaling hiyas. Ang kanyang mga mata ay nagniningning sa kasiyahan habang pinagmamasdan ang kanyang obra maestra. Ang arrangement ay nagbibigay ng isang pakiramdam ng kagandahan at kapayapaan sa silid, na nagpapakita ng talento at pagmamahal ni Celestina sa sining ng pag-aayos ng mga bulaklak. "Merci beaucoup, Celestina. C'est magnifique!" Maligayang saad ni Mrs. Roussel. Translate: "Thank you very much, Celestina. It's magnificent!" Kahit hindi naiintindihan ng dalaga ang pinagsasabi ng ginang ay pakiramdam naman nito ay nagpapasalamat ito sa kanya, “Thank you so much for trusting me too, Madam.” Napasinghap naman kaagad ang ginang, “Naiintindihan mo ang sinabi ko? You know how tall speak french?” Umiling naman ang dalaga, “Hindi po ako marunong madam—” “T-then how? I mean, paano mo nalaman na nagpapasalamat ako?” Gulat parin na saad ng ginang. “Nag ba-base lang po ako sa emosyon niyo madam, nukhang gustong gusto mo kasi ang arrangement ng bulaklak.” Napakamot naman sa sariling ulo ang ginang, "Oh, I thought you know how to speak french.” “Mom, we're here.” Mabilis kaming napatingin sa likuran kung saan nanggagaling ang mga boses. Pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ng dalaga. Ang lalaking madilim na nakatayo sa likuran ng lalaki na nagsalita kanina. Ang lalaking madilim ang anyo na akalain mong papatayin ka ano mang sigundo. “R-ramir....” Mahinag usal ng dalaga. Subalit narinig ito ng mga tao sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD