#Staying away from him is the best choice.
“Ano?! Hinayaan mo siyang umalis mag-isa?! Are you crazy Ramir?!” Malakas na sigaw ni Don Ramon mula sa kabilang linya ng telepono.
Matapos kasi na umalis kagabi si Celestina ay hindi pa rin ito nakauwi, kaya tinawagan niya na ang ama at baka sumunod sa bakasyon.
Nag-ngitngit naman kaagad ang anyo ni Ramir, "Even if she die dad, I don't care anyway. Hindi ko naman siya kapatid at mas lalong hindi ko siya kadugo—”
“Biktima siya sa panggahasa, Ramir. Kaya importante ang kaligtasan niya! If you can't find her! Kalimutan mo nalang na may ama ka! Kalimutan mong may pamilya ka! Wala akong anak na sarili lang ang iniisip!” Malakas na sigaw ni Don bago binaba ang tawag.
Galit na tumihaya si Ramir sa kanyang kama, he really don't mind na hindi na babalik ang babae dahil yon naman talaga ang gusto niya. But his father would abandon him if he couldn't find that woman. He also doubted that the woman was a victim of assault because it was an old excuse, and he suspected that it was just a reason the woman used to stay in the mansion. It gained sympathy from his father, allowing her to live there, but he wasn't foolish enough to believe all the lies of the woman, so he wouldn't look for her. Kaya kung mamatay yon sa gutom wala siyang pakialam.
Ramir stood up and headed out to the mansion. Kung gusto naman pala ng ama niya na itakwil siya ay aalis na siya sa mansyon at hinding hindi niya hahanapin ang babaeng yon. He has a flight to England to meet the client there. Mabilis na kinuha ni Ramir ang cellphone at dinayal ang numero ng kapatid.
“Reimer.”
“Hey, what's up, Kuya?” Reimer asked.
“I'm going to England. Don't tell Dad.” Ramir said.
“Huh? How about Celestina? Diba sabi ni Dad hahanapin mo siya or else....”
“I don't care, Dad will forgive me anyway. Anak niya naman ako, alangan naman na itatakwil niya talaga ako dahil sa babaeng bayaran—”
“Did you know that Celestina is a victim of rapéd? Dad found her, helpless and dying....Kuya.“ Mariin na wika ng kapatid niyang si Reimer.
“And you believe she's a victim? Wake up, Reimer. Many people use that kind of excuse. Huwag kayo agad maniwala sa mga ganyan, malay natin pera lang ang habol niyan." Ramir said to his brother, his tone is cold.
Napailing nalang sa kabilang linya si Reimer, hindi makapaniwala sa sinasabi ng kapatid. “If you don't believe then, imbestigahan mo siya. Imbestigahan mo ang buong pagkatao niya, So you know how miserable her life is.” Reimer said. “And don't tell me I didn't warn you, kuya. When the time comes, k bye.” Dagdag ni Reimer at agad naputol ang tawag.
Malalaking buntonghininga ang pinakawalan ni Ramir, hindi makapaniwala na naniniwala ang mga kapatid at ana niya sa kasinungalingan ni Celestina.
CELESTINA arrived at the Cagayan de Oro pier, hindi alam ng dalaga ang lugar but basi sa mga naririnig din ni Celestina noon sa mga nag tatrabaho doon sa bar ay maganda ang lugar. Kaya unang pumasok sa isip niya ay dito pupunta dahil alam ng dalaga na hindi siya mahahanap ng mga Karamazov.
Paglabas ng dalaga sa barko ay kaagad nanuot sa ilong nito ang amoy ng dagat at sariwang hangin. Naglakad naman ito patungo sa exit gate.
“Taxi! habal!” Rinig ng dalaga ng nakarating sa exit gate.
“Miss? Miss? Saan ka? Agora terminal? Deluxe hotel? Bulua terminal?” Tanong sa kanya ng Lalaking mga nasa 30's
Napakunot naman kaagad ang noo ng dalaga dahil sa narinig mula sa isang matabang lalaki hindi muna pinansin ng dalaga ang lalaking nagtanong sa kanya sa halip ay nagtanong ito sa matandang lalaki. “Hello po manong, ano po ang habal?” Magalang na tanong ng dalaga sa lalaki.
“Ah, Ma'am. Dayo po kayo? Ang habal po ay motorsiklo, pareho lang naman sa taxi yan.” Sagot ng lalaki at binuga ang usok ng sigarilyo.
Kaagad naman napatakip ng ilong ang dalaga, “Ah, ganon po ba manong.”
“Sasakay kaba Ma'am? Saan ka pupunta?”
Hindi kaagad nakasagot ang dalaga, dahil kahit ito ay hindi alam kung saan tutungo. “Sa taxi nalang po ako sasakay, manong.”
“Isa ka taxi! kay naay mo sakay na gwapa!”
Translate: “Isang taxi! Dahil may sasakay na maganda!”
Hindi umimik ang dalaga ngunit ang naintindihan lang niya sa sinabi ng lalaki ay ang salitang Taxi. Ilang sandali lang ay may huminto na kulay puti na mayroong tatak na taxi, “Inday, saan ka tutungo?” Tanong ng matanda.
"Uhmm... Tay, pwede mo ba akong ihatid sa malapit na hotel rito? Hindi ko pa kasi makuntak ang kukuha sa akin e,” pagrarason ni Celestina.
"Oh siya, sakay na.”
Kaagad naman sumakay sa likuran si Celestina, isang maliit na bagpack lang ang bitbit niya at binili niya pa ito sa terminal ng bus kahapon dahil nga wala namang time ang dalaga na mag mall atsaka mas sanay itong sa palengke lang bumibili.
Kung da maynila ay sobrang traffic dito din pero ang kaibahan ay mabilis lang naman uusad. Wala namang problema sa meter dahil may pera naman siya.
“Inday, saan mo gusto? Deluxe hotel? Maraming hotel dito, Inday.” Wika ng matanda.
Pasimple naman ba kinamot ni Celestina ang ulo, “Uhm.... Sa mas malapit nalang po, Tay.” Magalang nitong saad.
“Sa Deluxe hotel ka nalang inday, ang sabi ay maganda doon parang five star hotel din. Galing maynila kapa ba Inday?”
Napatango naman kaagad ang dalaga, “Oho tay, first time ko po dito sa cagayan. Ano po ba ang maganda dito na lugar, yong pwede sanang makapag stay po?”
"Marami Inday, sabi ng apo ko may mahahanap ka naman raw sa social media. Subukan mo nalang maghanap doon, sayang lang at baka wala ng slot ang bagong batch na pinangunahan ng apo ko.”
“Po? Group tour po'ba siya?” Tanong ng dalaga.
Sa una ay kumunot ang noo ng matanda, dahil hindi sigurado kung tama ba ang tinawag ng pasahero na si Celestina. "Parang ganon naman siguro yon, Inday. Kasi ang apo ko ang nagpapakita at nag guide sa mga tourist batch, bale narami kayong magsama-sama.”
“Saan po sila tutungo tay? Baka naman pwede ako don,” hilaw na saad ni Celestina.
“Sandali Inday, tatawagan ko muna ang apo ko.”
Marahan naman na tumango ang dalagang si Celestina atsaka sumandal sa upuan. 10:00 am na ng umaga kaya ayos lang kapag ba-byahe na agad siya, nakatulog naman siya ng maayos sa cabin kagabi.
“Inday hindi niya sinagot ang tawag pero nakapag reply siya ng text, sabi may isang nag back-out at patungo daw sa bukidnon.”
“Bukid po? Maganda?” Tanong ni Celestina. Paborito niya ang mga bundok, ang huni ng mga ibon at agos ng sapa. Kung ang iba ay nakakapag relax sa tunog ng dagat siya naman ay sa tunog ng ibon at agos ng sapa.
"Oo Inday, parang best tourist attraction yata ang tinawag nila don, pero kung mahilig ka naman sa nga dagat meron naman, pero kapag mas gusto mo ang bundok ay maganda din doon sa Bukidnon.”
Walang pagdalawang isip na pumayag si Celestina, pakiramdam naman ng dalaga ay safe ito na lugar at magiging maayos ang buhay nito doon, balak nitong hindi mag stay sa iisang lugar pero kapag magustuhan nito ang environment ay baka doon nalang ito mag stay.
Namalayan nalang ni Celestina na nakasakay na siya sa itim na van habang may kasama na foreigner at pinoy din, nasa panghuli siyang upuan upang hindi ma-istorbo kung gustong bababa ang mga kasamahan sa mga madadaanan nilang magandang view.
Ang sabi kanina sa isang tour guide ay ang pupunta nila ay ang Del Roussel Rancho, ang narinig niya kanina sa ibang kasamahan ay ang rancho ay pagmamay-ari ng Roussel at ginawang tourist attraction ang private land.
They also accept overnight stays, or maybe even weeks or months. They have accommodations, depending on what you want. Ang sabi marami ka naman daw choice sa magiging tutuluyan mo, mayroong simpleng bahay kubo, may pool at volleyball area din sila at isang lutong bahay na restaurant doon, and of course kung hindi ka sanay kumain sa mga simpleng putahe ay mayroon naman silang menu para sa ibang luto.
Alas tres ng hapon sila nakarating sa hamba ng rancho, hindi paman sila nakakalapit sa mismong arko ay matatanaw muna ang malaking pangalan ng lugar. At Italian language pa ang gamit, “BENVENUTI A DEL ROUSSEL RANCHO”
Meaning, WELCOME TO DEL ROUSSEL RANCHO.
Pagkababa ni Celestina sa van ay kaagad itong lumanghap ng preskong hangin, “A new life, a new freedom.”—Sa isip ng dalaga.