KABANATA 5

1783 Words
#Magkatabi🙃#Fiance “So, dahil hindi mo ako nakuha. Doon ka lalapit sa Roussel brothers? What a great plan, Celes.” Madilim na turan ng binatang si Ramir. Nangunot naman kaagad ang noo ni Celestina, “What are you talking about kuya?” Nagtataka na tanong ni Celes. Kanina pa nilalabanan ni Celestina ang pagiging duwag, kahit anong gawin kasi ng dalaga ay masama pa rin ang tingin sa kanya ng panganay na anak ng Papa Ramon niya. Palagi nalang pinagdiinan ng binata na pera lang ang habol ng dalaga sa pamilyang Karamazov tapos ngayon ay pinagbibintangan pa siyang tina-target niya ang magkakapatid na Roussel. “Don't deny it, Celes. I know everything. I know you've always wanted the money I mentioned. So one billion is enough, right?” Nakangisi na saad ni Ramir kay Celestina. Napapailing na lang ang dalaga, “I don't need your money, Mr. Karamazov. I want to live a peaceful life. So don't bother me here at all, and take note. I'm not here for the Roussel Brothers, I'm here to live a peaceful life and have a peaceful mind. That's all.” “Hindi mo ako maloloko sa rason na yan, Celes. Alam kong mahirap ka lang, alam kong kailangan mo ang pera. Tanggapin mo nalang kasi ang Isang billion at layuan muna ang pamilya ko at ang pamilyang Roussel.” Madilim na turan ni Ramir. Ang manhid mo talaga Ramir, sobrang manhid mo. Wala namang kulang sa sinabi ko, wala din naman akong sinabi na masama o nakitaan na pineperahan ko ang pamilyang Karamazov. Papa Ramon adopt me, and that's fine. Papa treat me like his own daughter, kuya Rome and kuya Reimer treat me like a sister pero bakit ikaw ang iba ang tingin mo sa akin? Bakit ang hirap mong ipaintindi? Bakit sobrang tigas ng puso mo?— Nasa-isip ng dalaga, gustuhin man nitong sabihin ang lahat ng hinanakit ay nanatiling tikom ang bibig ng dalaga. “Kung yan ang paniniwala mo, bahala ka. Basta wala akong ginawang masama.” Pinal na saad ng dalaga at mabilis na tumalikod sa binata. Pero hindi pa naman siya nakatalikod ng tuluyan ng bigla bigla nalang hinila ng binata ang braso ng dalaga kaya nauntog ito sa matigas na dibdib. “O-ouch!...” “Huwag mo akong talikuran, hindi pa ako tapos makipag-usap sayo!” Malakas na sigaw ni Ramir. Mabuti nalang dahil walang katao-tao. Nasa gitna sila ng daan, patungo sa bahay tinitirhan ni Celes. Huminga ng malalim ang dalaga bago nagsalita, “Bakit Ramir? Ano paba ang dapat nating pag-usapan? Kahit ano naman ang sabihin ko, iba parin ang tingin mo sa akin.” Malumanay na saad ng dalaga. Hindi agad nakapag react ang binata kaya agad kinuha ng dalaga ang sariling braso mula sa binata, “Were done talking here, Mr.Karamazov. Wala naman tayong dapat pag-usapan. Hindi ko din naman mababago ang iniisip mo patungkol sa akin.” Wika ng dalaga at agad na naglakad papalayo. Napatulala na lang ang binata, hindi kaagad nakapag react dahil nabigla sa pagsagot ng dalaga. Tsaka lang nabalik sa sarili ang binata na nakalayo na ang dalaga. Bumuntonghininga nalang si Ramir bago naglakad pabalik sa mansyon ngunit nasalikuran niya pala ang isang Roussel. “Is there something going on between you two? Are you hiding something from me, Ramir?” Nakataas ang kilay na saad ni Luna. Isa sa mga ampon ng Roussel. “I-i...” “From now on, Celestina will be your fiancée! I'm warning you already, Ramir. Anak kita pero wala akong anak na sarili lang ang iniisip! Ilang buwan na ang lumipas at hindi mo parin siya hinanap?! Dahil wala ka naman talagang ginawa! Now! find her! Kapag talaga may nangyaring masama sa kanya, ikaw ang malilintikan sa akin, Ramir. Kilala mo ako, kapag ako ang nagagalit.” “F—ck.... Dad I'm your biological son! Not her! Bakit ba gustong gusto mo ang malanding babaeng yo—” Isang nakakabinging putok ng baril ang nagpatigil sa kanya, At mukhang nasagad nga ni Ramir ang galit ng kanyang ama. Bumuntonghininga na lang si Ramir, “Okay, I will find her. Pero huwag kang mag-expect na dadalhin ko siya rito pabalik.” Madilim na saad ng binata. “I warned you already kuya, iba si Celestina sa ibang babae. Hindi mababang babae si Celes, kaya ikaw na ang bahala sa desisyon mo. I'm out, Bye.” Huling saad ni Reimer bago nawala ang tawag. Naglalaro na naman sa isipan ni Ramir ang sagutan ng kanyang ama patungkol sa babae. At ang pagka-misteryoso ng kapatid. “Ramir,” Luna. “She's my fiance, Luna. I'm sorry, I'm not here for you, but for my fiancé—” Isang malakas na sampal ang natanggap ni Ramir mula sa dalagang si Luna. Nagsimula na rin na nabagsakan ang mga luha ng dalaga. “I-i thought andito ka dahil sa akin! A-akala ko, may gusto ka na din sa akin, akala ko lang pala ang lahat. Napaka-sinungaling mo talaga! I hate you! I hate you!” Sigaw ni Luna bago umiiyak na tumakbo pabalik sa mansyon. Galit na napahilamos nalang si Ramir at may-awang sinundan ng tingin ang dalaga na tumatakbo. Luna Roussel is important to his life. If it wasn't for her, he would have died a long time ago. He even met the Roussel family because Luna saved him. Napatingin din siya sa babaeng pinares ng kanyang ama sa kanya, inilabas niya ang kanyang selpon at dinayal ang numero ng kaibigan. “Bud, where are you? Luna's crying. She said you hurt her. Why?” Chryses asked. Huminga ng malalim si Ramir, “Please, comfort her for me. Actually, I'm not here for nothing, Bud. I'm here for my fiancé, Celestina.” “What?! Repeat it,” “Celestina is my fiance, She's my father's favorite, and take note, my father saved her.” “The one who arranged the flowers for Mom? Really? I thought it was you and Luna.” Umiling naman si Ramir, He is always aware of Luna's feelings for him, but despite her presence in his thoughts, he doesn't see her romantically. He cares for her because he considers her like a sister. “No, I love her like my baby sister. So please comfort her first. I won't be back there for now, and don't forget to tell Tita.” “Copy, Bud.” Matapos ang tawag ay tinahak ni Ramir ang daan kung saan nakatira si Celestina, kahit sabihin na gustong-gusto ng ama niya ang dalaga ay wala parin siyang balak pakasalan ang babae. Nandito siya hindi dahil kukunin ang babae at ibalik sa mansyon ng Karamazov, nandito siya upang kumbinsihin ito na layuan ang pamilya nila at pamilya Roussel. Malapit na si Ramir sa tinutuluyan ni Celestina ng nakita niya ang isang babae nakatayo habang nagpupunas ng luha sa mata. “S-sino ka, pogi?” Tanong ni Jang, kahit na umiiyak ay nagawa pa nitong tawaging pogi si Ramir. “Nandito ba si Celestina?” Ramir asked. Mabilis naman na nangunot ang noo ni Jang at tumango, ngunit ilang sandali ay bigla na lang itong sumigaw. “Sandali! Ikaw yong kasama nina master Chryses ah! At ikaw din yong tinawag ng kaibigan ko! Inaaway mo ba ang kaibigan ko ha?!” Sigaw ni Jang. “Kaya din siguro gustong umalis ni Celes rito dahil sayo! Lumayas ka! Layas!” Muling sigaw ni Jang. “Sinong aalis?” Madilim na tanong ni Ramir. “S-si Celes,” nauutal na sagot ni Jang. “Nandyan siya sa loob?” Mabilis naman na tumango si Jang. "Umalis kana, huwag kang mag-alala hindi aalis ang kaibigan mo.” Kahit naguguluhan at nagtataka si Jang ay tumango na lamang ang dalaga, kung ang binata ang makapag kumbinsi sa kaibigan upang manatili rito sa bukidnon ang kaibigan ay handa siyang umalis at i-asa sa binata. . “Sige, ipangako mong hindi aalis ang nag-iisang kaibigan ko ha? Mahal na mahal ko yan at hindi pa kita pinapatawad dahil pinaiyak mo ang maganda kong kaibigan.” Ismid na sabi ni Jang at naglakad papalayo. Pinihit ni Ramir ang gawang kahoy na gate upang makapasok, wala namang pakialam ang binata kung hindi simentado ang sahig dahil sanay na ito. Kumatok siya pero walang nagbukas, kumatok ulit. “Celestina, open this f—cking door or I'll break it? Choose.” Mariing saad ng binata. Umawang naman ang pintuan ng kaunti kaya nakikita niya ang pamumugto ng mga mata ni Celestina, “Why are you crying?” Ramir asked. Sa halip na sagutin ito ng dalaga ay umiling na lamang ito, “What are you doing here, kuya?” Tanong nito sa binata. Napahinto naman sa pagpasok ang binata, “i’m here—” “Kung nandito ka para ipagpilitan na pineperahan ko si Papa Ramon ay tumigil kana, aalis ako rito. Upang maiwasan ang Roussel tulad ng gusto mo.” May himig lungkot sa boses na wika ng dalaga. “I’m not here to talk about that, I'm here to tell you that I'm your fiance from now on. Father arranged us, don’t overreact.” Malamig na saad ng binata. Hindi kaagad nakapag react ang dalaga, gulat parin sa sinabi ng lalaki. Nangunot naman ang noo ng dalaga, “What do you mean, kuy—” “I told you, don't call me kuya.”Pag singit ng binata. Huminga ng malalim si Celestina, “Okay, Mr.karamzo—” “Pinagloloko mo ba ako Celes?” nangunot ang noo na sabi ng binata pero hindi parin naiba ang madilim na expression ng binata. Sa pangalawang pagkakataon ay huminga ng malalim ang dalaga, “Ano ang ibig sabihin mo Ramir? Pinag-kasundo tayo ni Papa?” Malumanay na tanong ni Celes. “Mukha ba akong nagbibiro? And by the way, paano ka nakarating dito?” Kunot ang noo na tanong ng binata. “Dahil may paa at pera ako?” Inosente na sagot naman ni Celes. Tama naman kasi, paano ako makarating rito kung wala akong paa at pera? Malamang diba na meron ako sa dalawa?- sabi ng dalaga sa isipan. “Holy sh—t, talk to yourself Celes. Saan ako pwede matulog? Inaantok na ako.” Mabilis naman na lumaki ang mata ng dalaga, “D-dito ka matutulog?” Nauutal na sabi nito. “Tingin mo? Makatulog ako sa labas kung umuulan at walang silungan?” Pambara ni Ramir. “W-wala naman kasi akong extra na kumot at kahit sofa ay wala, isa lang din ang kama ko—” “Good, saan ang kama? Magtabi nalang tayo.” Halos hindi makapagsalita si Celestina dahil sa narinig mula sa binata. Hindi akalain na magkatabi sila ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD