#Sagutan_gpg.com
“Aray! Ano ba! Ramir! Nasasaktan ako!” Malakas na sigaw ng dalaga habang kinakaladkad ito papasok sa loob ng bahay ng binata.
“I’m your fiance, woman! Kaya kahit may gusto ka sa putang—ina na yon wala kang magagawa!” Madilim na sigaw ni Ramir sa dalaga.
“Who’s putang—ina, Ramir?! I told you, I will cancel that damn wedding! I know Papa will understand my decision.” Sigaw pabalik ng dalaga.
“Hindi mo gagawin yan!” Malakas na sigaw ni Ramir.
“Gagawin ko ang gusto ko! Akala ko ba galit ka sakin! Akala ko ba ayaw mong matali sa akin?!” Sigaw din ng dalaga.
Ito ang kauna-unahan na nakipag sagutan ang dalaga sa binata, hindi alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob. Siguro nga, tama ang sabi ng iba na nahawa na ito sa kaibigan na si Jang, parang machine gun ba naman bunganga non tuwing may kaaway sa kabilang baryo.
Inaamin niya, takot siya sa binata pero sa pinapakita nito ngayon ay nawala ang takot niya sa halip ay nakaramdam siya ng galit sa binata.
“Don't you dare shout at me! Kapag sinabi kong fiance kita, fiance kita! At wala kang magagawa don!” Sigaw naman ni Ramir at marahas pa nitong hinablot ang batok ng dalaga na naging dahilan ng pagtulo ng luha nito.
Pagkakita ng binata na umiyak na ang babae ay marahan itong binitawan ng binata at tumalikod. Mariin itong pumikit na parang kinokontrol ang sarili.
“M-mag a-ayos kana…” hirap na usal ng binata.
Mabilis naman na tumakbo papasok ang dalaga sa loob ng silid habang sapo-sapo ang sariling dibdib. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ng dalaga, kinakapos pa ito sa paghinga.
Habang ang binata ay pabalik-balik sa paglalakad sa masikip na sala ng dalaga, hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi naman kasi nito sinasadya na sigawan ang dalaga, nadala lang siya sa kanyang emosyon. Na hindi alam kung saan nanggaling.
Hindi napigilan na ilabas ng binata ang selpon at tawagan ang kaibigan na si Chryses. “Chrys…”
“Hey, wazup?!”
“M-may itatanong lang ako— But don't get me wrong, this isn't my problem, and you don't know him either. Problema ito ng Isang kaibigan k—”
“Wala kang ibang kaibigan, maliban sa mga kapatid ko kaya aminin mo na lang.” Pagputol ni Chrys sa sasabihin sana ni Ramir at sinundan pa ito ng tawa.
Gustong murahin ni Ramir ang sariling kaibigan, ang ginawa na lang niya ay huminga ng malalim, “Never mind.” Turan nito at binaba ang tawag.
Ilang minuto na ang lumipas at malapit na mag alas kwatro ng hapon, kaya kinatok na lang niya ang pintuan ng silid. “Hey, time's up! It's already 3:50 pm.” Wika ni Ramir habang nakatingin ng mariin sa pintuan na parang makikita nito ang dalaga mula sa labas patungo sa loob.
“Malapit n-na! S-sandali lang.” Celestina answered.
Huminga ng malalim si Ramir at matiyaga na hinintay si Celestina, ilang minuto nga ay lumabas na ito sa silid habang nakayuko.
“Are you rea—” Naiwan sa ere ang pagsasalita ng binata nang masilayan ang dalaga. “Your beautifu—”
Nakasuot kasi ng kulay peach ang dalaga, puff dress kasi ang style at bagay na bagay ito sa dalaga. “Huh? May sinasabi ka?” Celestina asked.
Mabilis namang napailing si Ramir, kamuntik pang ipahiya ang sarili. “Ah…N-nothing, Shall we?” Tanong na lang ni Ramir.
Tumango naman kaagad ang dalaga at tsaka sinirado ang pintuan ng silid, “By the way, marami bang bisita si Mrs. Roussel?”
“Yes, there will be a lot of guests and some famous people will be there too, so don't go near anyone. Just stay here beside me.” Ani ng binata.
“How about Luna? Remember, you told me about her. Paano kung hindi ko ako ang lumapit sa kanya at siya mismo ang lalapit sa akin?”
Ramir sighed, “Even if she comes closer to you, don't talk to her.” Saad ng binata na hindi mabasa ang emosyon.
“What if she asks about our marriage? I mean, I know, you and her have feelings for each other.” Balewalang saad ng dalaga at sumakay sa itim na kotse.
Hindi alam kung saan nanggaling ang sasakyan pero dahil pinagbuksan siya ni Ramir ay kusa siyang pumasok. Hindi naman sobrang layo ang mansyon pero kung maglakad silang dalawa ay malate na silang dalawa.
“Who told you that?” Nakakunot ang noo na tanong ni Ramir.
Nagkibitbalikat lang ang dalaga, “By the way, wala pala akong gift para kay Mrs. Rousse—”
“Don't worry, I already preferred it. So, tell me. Who told you about Luna and me?” Tanong ulit ng binata.
Hindi sumagot ang dalaga at naghanap ng ibang pag-uusapan, “Ramir, saan pala si Kuya Rome at Kuya Reimer ngayon?”
“Don’t change the topic, Celestina. I asked you,”
“Sir, Ma'am. Nandito na po tayo.” Ani ng driver.
Hayst, thank you at nakarating na kami. Bakit ko ba kasi yon nasabi sa kanya? E, paano naman kung lalapit nga si Luna sa akin? Hindi ko naman kasi inagaw boyfriend niya, Papa Ramon arrange us at hindi ko din gusto. — Ani ng dalaga sa isipan.
Sabay na lumabas ang dalawa habang si Celestina ay namumula ang pisngi dahil sa kakaibang tingin ng bisita sa dalaga. Habang si Ramir naman ay parang may gustong kunin na mga mata.
“Mr. Karamazov, long time no see!” Pagbati ng Isang binata na mukhang may lahing white American dahil sa puti at blonde na buhok, gusto pa sana nitong akbayan si Ramir ngunit mabilis nitong kinabig ang braso ng lalaki at masama itong tinignan.
Kahit nakakainsulto ang kinikilos ni Ramir ay parang sanay na ang lalaki, dahil hindi man lang ito napikon o di kaya'y na galit. “Woah! Sino naman itong maganda na binibining ito? How about introduce her to me, Mr. Karamazov?”
“How about I introduce you to Lucifer, Mr. Martinez? That's a good idea right?” Ramir said.
Napataas naman ng dalawang kamay ang lalaki na para bang sumusuko sa kalaban, “Woah, relax dude. I'm sorry, I don't know that you already have a girlfrien—”
“She's not my girlfriend.” Ramir said.
“Huh?” Mr. Martinez reacts in confusion.
“Because she's my fiance, excuse us.” Ani ni Ramir at marahan na pinulupot ang braso sa bewang ng dalaga. Naramdaman pa ni Ramir ang mahinang pag-react ng katawan ng dalaga kaya napangiti ito ng sekreto.
Malayo na ang dalawa sa lalaking si Martinez ngunit si Celestina ay nakatulala parin, hindi alam kung ano ang e-rereact.
“Hey, are you okay?" Ramir asked softly.
“I-i—”
“Anak Ramir, Celestina," nakangiting bati ni Mrs. Roussel. "Ang ganda at gwapo niyo naman ngayong gabi.”
"Salamat po, Mrs. Roussel, mas maganda po kayo ngayong gabi po, blooming na blooming." Sagot ni Celestina.
"Ramir, anak," sabi ni Mrs. Roussel. "Salamat at pinaunlakan mo ang hiling ko."
Sanay na si Ramir na tinatawag na anak ng Tita Clariss niya, noong niligtas kasi siya ni Luna ay isa din ang ginang na nag alaga sa kanya.
"Salamat po, Tita," sagot ni Ramir.
"Alam mo, Anak Ramir," sabi ni Mrs. Roussel. "Napakaswerte mo kay Celestina. Ang ganda niya na nga ang bait pa. Sigurado akong maging masaya ang buhay ninyo pareho, I know Ramon arranged your marriage.”
"Tita, Chrys told you about the arranged marriage, right?” Ani ni Ramir.
Mahina namang natawa ang ginang, “Wala talagang makakatakas sa paningin mo, Anak. If you are worried about Luna, don't worry about her. She already knows and accepts it.”
Natulos naman sa kinatayuan ang dalaga, hindi alam kung ano ang i-react, maraming tanong ang pumapasok sa isip niya. What if Luna doesn't accept the truth? Or what if Luna feels betrayed and targets me? Ayoko ng ganon, kaya kung mamaya lalapit siya sa akin, sasabihin ko sa kanya ang too, hindi pa din ako makatawag kay Papa, hindi ko kasi siya makuntak. Hindi ko din makontak ang dalawang kapatid ko.
Huminga ng malalim si Mrs. Roussel bago tiningnan ang dalawa, “I really appreciate seeing you two here," sabi ni Mrs. Roussel. “I hope you both enjoy yourselves tonight.”
“Thank you for inviting us, Madam. I appreciate it,” magalang na saad ni Celestina at marahan na yumuko upang magbigay galang.
“I already gave our gift to the maid, Tita. It should be in your room by now.” Ramir said.
“Nag-abala pa kayong dalawa, pwede naman na wala ng gift.” Mahinang saad ng ginang. “Oh, siya, maiwan kona kayo, ha?”
Sabay na tumango ang dalawa na may parehong ngiti sa mga labi.
Nakangiti si Mrs. Roussel habang naglalakad palayo sa kanilang dalawa, hindi naman mapigilan na mamangha ang dalaga. Dahil sa sobrang elegante ng ginang, hindi mo akalain na may edad na ito dahil sobrang alaga ng kutis.
"Ang bait talaga ni Mrs. Roussel," bulong ni Celestina, ngunit narinig naman ni Ramir.
"Yeah," sagot ni Ramir. “Tita is really kind, but she's a different person when she gets angry.”
Napakunot naman ang noo ng dalaga, “Huh? What do you mean?”
“Nothing, let's go to our table.”
Pagdating ng dalawa sa lamesa ay kaagad nila nakita ang Roussel brothers na seryoso na nakaupo doon. Agad naman kinabahan si Celestina, dahil noong una kasi nitong nakita ang magkakapatid ay umalis siya dahil nakita si Ramir tapos nong pumunta naman ito sa bahay niya ay napahiya siya dahil sa kagagawan ni Ramir.
“Bud,” Ramir.
Kaagad naman napatingin ang magkapatid, may kakaiba sa mga mata nito pero nanatiling seryoso ang mukha. Kaya hindi sigurado ang dalaga kung totoo ba iyong nakita niya kanina.
“Everyone, this is Celestina.” Pakilala ni Ramir.
“We already know her,” Deveraux said.
Napakamot naman ng sariling noo si Chryses dahil sa sinabi ng kapatid, “I didn't tell them, Lurussus did.” Chryses denied it.
“Huh? Bakit ako? Gagø ka ba? Hindi ko nga yan kilala, itatanong ko pa nga lang. Pero naunahan na ako ni Karamazov.” Pag-angal naman ni Lurussus.
“Celestina, you can sit already. Don't mind them,” Deveraux said as he took a sip of his wine.
Isang ngiti lamang ang ibinigay ng dalaga bago umupo.