#Honey
Note: Hello po, pasensya napo at hindi ako nakapag update kahapon, inalagaan ko po bby ko, and now ako naman ang nilagnat. I'm so sorry talaga, anyways; Enjoy reading po. Comment naman kayo kung anong nangyari kay Ramir, hehehe
“What?! May gusto si Luna kay Ramir?!” Hindi mapigilang sigaw ng dalaga habang kaharap ang kaibigan na si Jang. Nasa kwarto ang dalawa habang magkaharap, nagtatanong kasi ang dalaga tungkol kay Luna.
Nagkibit-balikat naman kaagad si Jang, “Not sure din ha? Narinig ko lang din kasi yan kanina sa mga kasambahay.”
Huminga naman ng malalim ang dalaga at napahilot pa sa sariling noo, namoblema kung ano ang dapat gawin upang maiwasan ang kasunduan. “Kaya siguro sinabi niya na layuan ko ang babaeng Roussel mamaya sa event.” Tumatango-tango na pagsasalita ng dalaga na para bang naiintindihan nito ang sinasabi ng binata kanina.
Kung may gusto naman pala siya sa babaeng Roussel, bakit siya pumayag sa gusto ni Papa? Hindi ko talaga siya maintindihan, kahit kailan.
“Celes, totoo ba talaga yung sinasabi mong pinag kasundo ka ng Papa Ramon mo sa sarili niyang anak na si Ramir?” Tanong ni Jang.
Ayaw man aminin ng dalaga ay tumango siya, “I really don't want to marry him, lalo na ngayon na may gusto pala siyang iba, diba? Mag mukha lang ako g kontrabida sa lovelife nila.”
“Sa bagay, pero hindi naman talaga ako sure kung totoo ang narinig ko kanina mula sa mga kasambahay, what if si Maam Luna lang pala ang may gusto kay Sir Ramir? Di ba?” Si Jang.
“Kahit na, mali pa din iyon. Atsaka ang weird naman na papakasalan ko siya habang inampon ako ni Papa—”
“Pero hindi naman iniba ang apelyido mo diba? Hindi yon masama, parang binakuran ka lang o ni-reserve kumbaga.” Si Jang.
“Parang online buying lang? Ni-reserve kasi walang time sa meetup?” Natatawang saad naman ni Celes.
Napakamot nalang sa sariling ulo si Jang, “Seryoso ako dito, tapos ikaw? Sinabayan mo lang ng tawa, walangya ka talaga… Pero kahit ganyan ka, marami paring nagkakagusto sayo rito….. Ay balita ko, pinopormahan ka ng anak ni Mayor ah.”
Napailing nalang ang dalaga, “Anak pala yon ni Mayor? Akala ko adik yon,” balewalang saad ng dalaga.
“Hoy! Anong adik pinagsasabi mo? Ang gwapo kaya ni Sandro tapos sasabihin mo lang dyan na adik siya?” Si Jang.
Nagkibit-balikat naman agad ang dalaga, “Paano ko siya hindi mapagkamalang adik e, ang pula ng mga mata tapos sumisinghot pa? Sige nga, paano mo siya ilalarawan?”
“Gwapo kay—”
“Kaya ka laging inaaway ng ibang dalaga sa kabilang baryo dahil dyan sa bibig mong pasmado, puro gwapo lang ang bukang bibig mo.” Pagputol ni Celestina sa kaibigan.
Nagkakamot naman ng ulo si Jang, “E, totoo naman kasi. Gwapo kaya ni Sandro myloves.”
“Ewan ko sayo sumbong kita kay Chryses— Ay! Sh—t! Anong oras na?” Taranta na sigaw ng dalaga.
“Alas tres n—” Hindi natapos ni Jang ang sasabihin at natutop nalang ang sariling bibig dahil may napagtanto. “Patay ka talaga ni Fafa Ramir!” Wika pa nito, “Pero bff huwag mo akong sumbong kay Fafa Chrys, loyal kaya ako sa kanya.”
“Anong Fafa pinagsasabi mo dyan? Bilisan mo Jang! Yong sandal pala, tawagin mo na rin si Jovanni para maihatid na ako atsaka hindi ka loyal sa kanya. Araw araw ba namang yummy nasa bibig mo kapag makakita ng lalaki.”
“Joke lang naman yon, Bff. Loyal talaga ako kay Fafa Chrys.” Si Jang.
“Asus! Ang sabihin mo, tsaka ka magiging loyal kapag andiyan ang tao.” Wika ng dalaga.
Nakamot na lang ni Jang ang sariling noo at agad lumabas upang hanapin ang kapatid.
Si Jovanni ay ang kuya ni Jang, tatlong taon ang tanda nito sa dalawang dalaga. Mabait naman si Jovanni kung si Celestina ang tatanungin, pero kung ang iba ang tatanungin red flag daw, lalong-lalo na doon sa eskwelahan. May chismis kasi galing sa kapitbahay na itong si Jovanni ay binasted ang anak ng senador, kaya napahiya ang babae.
Taranta na binitbit palabas ng dalaga ang isang paper bag na ang laman ay ang sandal, mabuti nalang may bagong nabili ang nanay Jane niya at hindi pa na isusuot ng kaibigan kaya iyon na lang ang gamitin ngayon.
“Celes, pahatid kana?” Isang baritono galing sa kusina.
Mabilis naman na pumihit ang dalaga, “Ah, Oo. Pasensya kana, Jovanni at aabalahin muna kita.” Nahihiyang saad ng dalaga at ramdam ang pag-init ng dalawang pisngi.
Hindi ngumiti ang binata pero tumango ito, “Sige, hintayin mo nalang ako sa labas at kukunin ko lang ang helmet.”
Tumango naman ang dalaga at naglakad palabas, naabutan niya pa ang kanyang kaibigan na tumingin sa covered court kung saan may mga lalaking nakahubad ang pang-itaas at naglalaro ng basketball.
“Jang, yong laway mo!” Sita ng dalaga.
Taranta naman na pinahiran ni Jang ang bibig, ngunit agad nitong napagtanto na pinagtripan lamang siya ng kaibigan. “Alam mo, isusumbong talaga kita kay Ram—”
“Isusumbong kanino?”
Gulat ang dalawang magkaibigan dahil sa biglaang pagsulpot ni Jovanni, “Ah-eh, wala kuya…. Sige na ihatid muna ang kaibigan ko, ingatan mo yan ha! Sige ka!”
Ang pinaka-ayaw ni Celestina ay ang pagsuot ng helmet, hindi kasi nito alam kung paano susuotin. “Come here, I'll put it to your head.” Saad ni Jovanni.
Kumabog naman bigla ang dibdib ng dalaga, “Ah, huwag na ako—”
“Ako na, hindi ka din naman marunong atsaka your always clumsy.”
Kumabog naman bigla ang dibdib ng dalaga, hindi maintindihan dahil sa sinabi ng binata. “Don’t tell me? Sinubaybayan niya ako?” Mayhalong kilig na saad ng dalaga sa isip.
Napatikhim naman ang dalaga at mabilis ring napayuko ang dalaga, “I-i…—”
“Parang kayong dalawa lang dito nakatayo ah! Andito pa ako hoy!” Singit naman ni Jang at humalakhak, “Kuya, ingatan mo kaibigan ko ha?”
Hindi umimik ang binata at umangkas sa motor, “Pasensya ka na talaga, Jovanni at inabala pa kita.”
“Don't worry, papunta din naman ako ngayon sa mansyon ng Roussel. Pinapunta ako ni Nanay.” Saad ng binata.
“Ah, ganon ba. Kung ganon, salamat.”
Naging tahimik ang byahe, laging ganito ang pangyayari tuwing ipahahatid siya ng binata. Ang tahimik parang pareho silang dalawa na ayaw magsalita at nakiramdam lang.
Malapit na sila kaya mabilis tumaas ang leeg ng dalaga upang tingnan kung nasa labas ba si Ramir, sekreto naman itong napahinga ng hindi nakita ang binata.
Huminto sila sa tapat ng bahay at bumaba na, bumaba din si Jovanni upang tanggalin ang kanyang suot na helmet. Napangiti pa si Celestina, dahil sa sobrang ingat ng binata sa pagtanggal ng helmet.
Hindi alam ng dalaga na pinagmasdan pala siya ni Ramir mula sa loob, sumilip ito sa bintana na hindi mahalata. Madilim ang anyo na parang gustong manlapa, para itong galit na leon dahil hinahawakan ang pagmamay-ari niya sa iba.
“Maram—”
“What took you so long, Honey?” Sulpot ni Ramir.
Laglag ang panga ni Celestina habang nakatingin sa kakalabas lang na si Ramir, nakapamulsa ito at walang damit pang itaas. Makita mo kaagad ang mainit niyang pandesal, kulang nalang kape. “Sabi nga nila, walang matigas na tinapay sa mainit na kape.”
“Who are you?” Jovanni asked.
“Who are you?” Balik tanong ni Ramir habang madilim at gumagalaw pa ang panga. Ang kanyang mata ay nag-aapoy sa galit.
"I'll ask you first, so answer me,” Saad ni Jovanni at umayos ng tayo.
“Akala ko ba umalis kana?” Tanong ni Celestina at upang ma-ibsan ang intense ng dalawang binata. Lalapitan na sana ng dalaga si Ramir ng biglang hinawakan ni Jovanni ang braso nito.
“Stay,” mahinang pag demand ni Jovanni.
Sasagot na sana ang dalaga ng napahiyaw nalang ito bigla.
“Don't touch my woman, or else I will kill you.” Madilim na saad ni Ramir at itinago sa likuran ang dalaga na napapikit at hindi makaimik dahil sa higpit ng paghawak ng binata.
“Huh?”