# Sorry...
Note; Hi guy's! Sorry talaga, ngayon lang ako nakapag update, super busy and drained na po talaga ang utak ko hehehe. Sana lang tuloy-tuloy na itong pag update ko, hindi ko kasi makontrol ang time, I'm a working mom kaya busy palagi. Sinisingit ko lang ang pagsusulat ko sa extra time ko, at tuwing gabi naman ay minsan naabutan ako ng antok and tamad sa buong katawan. Sana maintindihan niyo, thank you and Enjoy reading po, God bless you❤️❤️
"Dev, hindi ko mahahanap si Celestina sa buong hospital.” Wika ng binata sa kabilang linya.
Hindi na mapigilan ng binata na tawagan ang kaibigan dahil hindi nito mahanap ang dalaga sa buong hospital, kahit ilang ulit pa nitong tinanong ang anak ng Mayor ay wala din itong alam.
Galit na sinuntok ng binata ang pader, "F—ck, I can't find her.” bulong ng binata sa sarili na narinig pala ng kaibigan.
"Don't worry, naghintay na lang ako ng balita sa mga tauhan ko.” Seryoso na saad ni Deveraux ang kanyang kaibigan. "Bro, If you find her. Paano mo siya haharapin?” Seryosong tanong ni Deveraux.
Kaagad natahimik ang binata ng marinig ang tanong ng kaibigan, hindi siya nakaimik dahil kahit siya ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Ngayon niya lang naisip ang maaaring mangyayari, alam naman niya kahit anong sabihin niya sa dalaga ay may kasalanan pa rin talaga siya. Nagsinungaling siya at yan ang pagkakamali niya.
Bumuntong hininga si Ramir bago sumagot sa kaibigan, “I'm going to tell her the truth; I know she can't forgive me right now, but I'm willing to wait for her forgiveness.”
Hindi naman makapaniwala si Deveraux sa kabilang linya, mukhang natamaan na nga ang kaibigan niya sa dalaga. "It's your choice, Bro. Always remember, nandito lang kaming magkakapatid susuportahan ka. And I'm sorry, kung hindi dahil sa plano ng kapatid ko hindi lalala ang sitwasyon mo.”
Ngumisi naman ang binata, "It's okay, nagawa na natin diba? Hindi na pwede mababawi ang mga nangyari.” Seryoso na saad ni Ramir sa kaibigan.
Matapos ang pag-uusap ng magkaibigan ay nanghihinang napaupo na lang ang binata, sa lahat na nangyayari sa buhay niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito, yung tipong takot kang may mawala. Takot kang iiwanan sa ere ta takot kang pag-isipan ng masama, siguro ay karma na niya ito. Sa pang-iinsulto at pagbitaw niya ng salitang nakakasakit sa dalaga paniguradong ito na ang karma niya ngayon. But he always hope that, hindi siya iiwan ng dalaga.
“Sir! Sir!” Sumisigaw na pagtawag ng isang lalaki sa binata.
Kumunot naman kaagad ang noo ni Ramir, "Who are you? Kilala mo ba ako?” Nagtataka na tanong ng binata.
Humahangos na humarap sa kanya ang lalaki, “Tauhan po ako ni sir Deveraux, nakita ko po si miss Celestina patungo sa bahay niya po sir.”
Automatikong napatayo naman kagad ang binata, "Really? Papunta siya doon?” Sunod sunod na tanong ng binata sa lalaki.
Mabilis naman na tumango ang lalaki, "Yes sir, nandoon pa din ang kasamahan ko nagmanman sa paligid.”
Tumango-tango naman ang binata, "Okay,” maglalakad na sana ang binata palayo ng tinawag ulit siya ng lalaki.
“Gusto mong ihatid kita sir? May dala akong sasakyan,” pag-alok ng lalaki.
Hindi na tinanggihan ni Ramir ang alok ng lalaki, "Where is it? Let's go.” Seryoso na wika ng binata at pinauna na maglakad ang lalaki.
Pumasok sila sa itim na kotse at tinahak ang daan patungo sa maliit na bahay ng dalaga, nagsimula ng magmawis ang kamay ng binata habang kunot na kunot ang kanyang noo.
Ilang minuto ang lumipas at tanaw na ng binata ang maliit na bahay ng dalaga, nakasarado ang pintuan nito. "Dito lang ako,”
"Sigurado ka sir? Pwede naman na doon na lang sa harapan ng bahay,” ani ng driver.
Masama naman niya itong tiningnan, "No, ihinto mo dito.” Muling wika ng binata at agad rin naman na sinunod ng lalaki ang gusto ni Ramir.
“O-okay...S-sir,” utal utal na saad ng driver at hininto ang sasakyan.
Kaagad naman na lumabas ang binata ng huminto ang kotse, nangangamba parin siya at hindi alam kung ano ang uunahing sabihin sa dalaga. When he get inside, kaagad niyang nakita ang dalaga na nakaupo sa gawa sa kahoy na silya. Masama ang tingin sa kanya, habang namamaga naman ang mga mata nito ay sigurado siyang dahil yon sa pag-iyak.
“Celes...—”
"Why?” Pumiyok na tanong ng dalaga, nakaramdam naman kaagad ng guilty ang binata ng makita ang hitsura ng dalaga. "Why? Why did you do that? Para saan Ramir?!... P-para ba magmukha akong tanga?!” Biglang sigaw nito at napatayo pa. “Ano?! Masaya kana ba?!”
Tahimik lamang ang binata dahil sa takot na baka magsalita siya ay mas lalong magalit ang dalaga.
Hindi napigilan ng dalaga na napahagulgol dahil sa sakit na nararamdaman, she feel so hurt na halos hindi na siya makahinga dahil pakiramdam nito ay sinakal ito. Nanginginig na tinuro ng dalaga ang binata, kahit ang mga labi nito ay nanginig din. “Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko, When I see you inside that d—mn prison, I have so many emotions that I can't let out, Ram!” Iyak na sigaw ng dalaga.
Napayuko na lang si Ramir dahil sa pagsigaw ng dalaga, “I-i... I'm sorry—”
“Anong magagawa ng sorry mo! Ha?!” Sigaw ulit ng dalaga. “Noong sinabihan mo akong scammer dahil pinapasok ako ni Papa Ramon sa mansyon niyo, pinalampas ko yon, Ram... Noong narinig kong sinabi mo sa babae mo na isa ako sa mga babae ng dalawa mong kapatid, pinalampas ko rin yon. Because I thought you only said that to your girl to ease her jealousy or whatever. Pero ito? Sa ginawa mo ngayon sakin, hinding hindi kita mapapatawad!”
“W-wifey... I'm sorry,” mababang usal ng binata at dahan dahan na lumapit sa dalaga.
"Don't call me that! I'm not your wife or your fiance. I already called Papa, and I already canceled the wedding; now get out of my house!” Muling sigaw ng dalaga.
"No, no, no, C-celestina... Please...” Pagmamakaawa ng binata at masuyong hinawakan ang pisngi ng dalaga habang basang basa ito ng luha. "I'm sorry, Okay? Mmm?... N-nagawa ko lang yon, upang mapabilis ang pagbabati natin. I'm not the one who planning it, si Chryses ang may plano at ako naman itong uto-uto sumunod. I'm sorry, hindi ko sinasadya—”
"Hindi man ikaw ang nag plano, nasaktan mo parin ako Ram. Hindi yan sapat na rason upang saktan mo ang pakiramdam ko,” mahina wika ng dalaga at agad na tumalikod at nagtungo sa loob ng kwarto.
Naiwan naman na nakatunganga ang binata, ilang minuto ang lumipas ng nahimasmasan ito at pabagsak naman itong naupo sa gawa sa kahoy na silya. Ginulo pa nito ang sariling buhok dahil hindi alam kung ano ang gagawin.
What did I do? I messed it up,—bulong ng binata sa sarili. Napahinga pa ito ng malalim bago pumikit, habang ang dalaga ay panay parin ang iyak sa kwarto.
Habang nakapikit ang binata ng biglang tumunog ang cellphone nito, walang lakas niya naman itong kinuha sa bulsa at tinignan kung sino ang tumawag, kaagad naman itong napaayos ng upo ng makitang ang kanyang ama ang tumawag.
"Dad,” ani ni Ramir sa kabilang linya.
“Anak, what did you do? Celes called me earlier. She said she wanted to call off the wedding; what happened?” Pagtatanong ng kanyang ama.
Hindi naman ito tunog galit, “I messed it up, Dad. I'm sorry—”
"Hindi ko kailangan ang sorry mo, Ramir. Ang kailangan ko si Celestina, wala akong ibang hangad kundi ay ang magiging manugang si Celes.” Mariin na saad ng kanyang ama, “Gawin mo ang lahat, Ramir. Dahil kung makawala siya, kukunin ko lahat ang ari-arian mo. Kahit na ikaw ang tagapagmana at kahit ang personal mong negosyo, kukunin ko. Kilala mo ako.” Huling saad ng kanyang ama bago naputol ang tawag.
Napabuntunghininga na lamang ang binata at tumingin sa ceiling, hindi alam kung paano pahupain ang nararamdaman ng dalaga.
What should I do? What should I do? God, please help me. Are you there? My mom said God is up there. So does that mean you're above us? Can you please help me? Or give me a sign, at least?