KABANATA 6

1390 Words
#Invite/hate “Ayoko,” mahinang usal ng dalaga habang kumakain ng pandesal. Nagkakape silang dalawa sa labas ng bahay, wala rin namang pili ang lalaki. Nakasanayan na rin naman ng dalaga na tuwing umaga ay kape at pandesal lang ang kinakain, hindi naman sa nag bu-budget ito. Nasusuka lang talaga ang dalaga kapag umaga kakain ng kanin. Meaning, sanay ang bituka niya na kape at pandesal lang tuwing umaga. “We need to go there. Tita Clarissa expects us to visit later, and we're not alone there. May ibang bisita ang pamilyang Roussel dahil anniversary ng mag-asawa.” Madilim na wika ng binata. “Pero may gagawin ako mamaya atska hindi naman ako importante kaya ikaw nalang, Ramir.” Pagpilit ng dalaga. “No, wala kang magagawa. Sige mamili ka, kaladkarin kita papunta doon na hindi pa nakaayos o sasama ka sa akin ng maayos at makapag-ayos ka ng mabuti?” Palihim na napairap ang dalaga, wala naman kasi itong pagpilian. Dahil kung hindi siya sasama, kaladkarin siya ng binata na hindi nakabihis ng maayos. Nakakahiya din. “Anong oras ba? Kailan matatapos? Formal ba?” Sunod-sunod na tanong ng dalaga. “Alas-kwatro ng hapon, mag-ayos ka lang ng mabuti. And also, kapag makarating tayo doon, stay away to Luna. Understand?” Mabilis nangunot ang noo ng dalaga, “Who's Luna? Kilala ko?” “Basta, huwag mo siyang lalapitan.” Kahit naguguluhan ay napatango na lang ang dalaga at tinapos ang pagkape. “By the way, I'll call Papa later. And I'll cancel the marriage, so you don't need to act like this.” “It's up to you.” Bumalik sa loob ng bahay ang dalaga habang bitbit ang ginagamit nilang coffee mug and platito, hinugasan ito ng dalaga at naglinis sa kusina. Maliit lang ang bahay pero malinis naman, isang maliit na kusina. Pang dalawang tao na lamesa, limang pinggan, baso at kutsara. Isang maliit na lamesa, kahoy na silya dalawa din. Pang isang tao lang ang silya kaya hindi pwedeng tulugan. Kagabi naman ay, walang nangyari na pinag-salamat ng dalaga. Habang naglilinis ang dalaga ay biglang may narinig itong nag-uusap sa labas ng bahay, pero hindi nalang ito pinansin at baka ang mga Roussel na kaibigan yon ng binata. “Celes, come here.” Dungaw na wika ni Ramir. Mabilis naman napakunot ng noo ang dalaga, “Huh? Bakit?” “Don't ask, come here.” Mariing saad ng binata. Kahit nakaramdam ng inis ang dalaga ay bumuntonghininga na lamang ito at hinugasan ang kamay at inaayos ng kaunti ang suot na damit bago lumabas sa bahay. “Ram—” “Oh, so your Celestina right?” Tanong ng baritono na boses ng lalaki. Agad naman napabaling si Celestina sa binata, gwapo ito pero hindi niya gusto. “Yes, and you are?” Kunot noo na tanong ng dalaga. “Pfff…Sa tagal mo rito sa Rancho, hindi mo ako kilala?” Natatawa na sabi ng lalaki. Umiling naman si Celestina, “Matagal na ako dito pero hindi ako chismosa kaya, sino ka?” Inosente na tanong ng dalaga. “God! Bud! She's innocent and cute!” Hiyaw ng binata. Hindi naman maipinta ang mukha ni Ramir dahil sa narinig mula sa kaibigan, “What did you say?” Chryses smirked evilly., “Nothing,” saad nito at tumingin ulit sa dalaga. “I'm Chryses, nice to meet you, Celestina.” Saad ni Chryses at kinindatan pa ang dalaga. Napangiwi naman ang dalaga, “Ah-eh, Sir Chryses. May sira po ba ang mata mo? Bakit tumitiklop ang isang mata mo?” Inosente na saad ng dalaga. “Pffff, HAHAHAHHAHA!” Malakas na tawa ni Chryses dahil sa ka inosentehan ng dalaga. “Sir? Ano pong nakakatawa?” Tanong ng dalaga. Pigil na pigil ni Chryses ang tawa, “N-nothing, pff…” saad nito, “By the way, sumama ka sa kaibigan ko mamaya ha? My mom requested it.” Napatango nalang ang dalaga at tumingin sa banda ni Ramir, nakatingin ito sa kanya habang sobrang dilim ng anyo. Ano na naman kaya ikinagalit nito?—Sa isip ng dalaga. Habang nakatingin sa binata na madilim ang anyo. “Ramir,” tawag ng dalaga. “Wala ka ng gagawin dito, bumalik kana sa loob.” Malamig na saad ng binata. Gustong sagutin ng dalaga ang binata ngunit sinunod nalang nito ang gusto, pagpasok niya ay sumunod pala sa dalaga ang isang Roussel. “How did you meet?” Tanong nito. “He's father, save me.” Simpleng sagot ng dalaga at ipinagpatuloy ang paglilinis, habang si Chryses ay nakasandal sa pader na gawa sa plywood. Kumunot naman ang noo ng lalaki, “Huh? How?” “It's a private,” Tumango naman ito hudyat na naiintindihan, “So, when did you get engaged?” “Don’t know,” “Huh? You didn't know? Weh?” Nagkibit-balikat na lamang ang dalaga at tinapos ang ginagawa, wala siyang sandal na babagay sa kanyang susuotin na dress kaya pupuntahan niya si Jang upang magpasama or manghihiram ng sandal. May pera naman siya, pero medyo distansya kasi ang pamilihan kaya baka matagalan siya at ngunguwa na naman ang binata. “Excuse me, Sir bumalik kana po sa mga kaibigan mo.” Saad nito. “Ouch! Tinataboy mo ba ako? Sa gwapo kong to? Itataboy mo lang?” Pag-inarte nito. Napatitig naman ang dalaga, “Alam mo sir, hindi ka yata nakakain ng agahan. Ang aga mo kasing tinutupak, alis ka na po.” Saad pa ng dalaga at naglakad papasok sa silid. Hinalukay nito ang lumang kabinet at hinanap ang dress na nabili niya noong, papunta pa lang sa Cagayan. May ibang dress naman siya at sandal pero ang gusto niya kasi ay iting white na plain, pero walang bumabagay sa sandal niya. Nagpalit lang ng damit ang dalaga at lumabas na, pagkalabas ay nakita niya ang madilim na naman na pagmumukha ng binata. “Aalis—” “Ang tindi mo rin, ano? Kakilala mo lang sa tao, nilandi muna agad?” Madilim na turan nito. Napahinto naman sa paglalakad ang dalaga at hindi makapaniwala na tumingin kay Ramir, “Ganon na ba ka baba ang tingin mo sa akin, Ramir? For godsake! Chryse—” “At tinatawag muna siya gamit ang pangalan niya?” Pagputol na naman nito sa sasabihin ng dalaga. “What's wrong with you! Kanina kapa, hindi ko talaga alam bakit galit na galit ka sa akin. I'm not calling him using his name, I call him sir.” “Kakasabi mo nga lang sa pangalan niya—” “Beacause his not here, Oh my god Ramir.” Problemado na saad ng dalaga at napatampal pa sa sariling noo. Ano ba ang nangyayari sa lalaking ‘to? Bakit pa iba-iba ang mood? Nakakainis na, kanina hindi ako umangal sa pambabastos niya pero sobra na itong pambibintang niya.—Wika ng dalaga sa isipan. Huminga ng malalim si Celes, “Enough with your nonsense, Ramir. By the way, aalis ako. Pupunta lang ako kina Jang.” “Pero aalis—” “Hindi ko naman sinabi na hindi tayo aalis, pupunta lang ako sa kaibigan baka may babagay siyang sandal sa dress na susuotin ko.” “Ubos na ba ang pera mo, para manghiram ng gamit sa kaibigan? I told you, I can give you mone—” “No, thanks. Ayokong ipamukha mo sa akin na mukha akong pera at mabibili lang. Sige na, aalis na ako.” Pagputol ng dalaga at umalis na. Naiwan naman na nakatunganga ang binata, nalilito sa sarili. Kahit kasi ito ay hindi alam kung ano ang nangyayari sa sarili. I hate her, I hate her dahil ang ama ko handa akong itakwil para sa kanya. I really hate her, pero bakit nong nakita ko siyang umiyak kagabi ay parang piniga ang dibdib ko? Sa halip na kumbinsihin itong, tanggapin ang isang bilyon ay sinabi ko pa ang tungkol sa pagkasundo ni Dad sa amin. Ang plano ay, ipapalayo ito sa pamilya ko at pamilyang Roussel pero bakit ngayon ay inamin kong mag-fiancee na kami? Hayst, baka naman na pressure lang ako, Oo nga tama…. Baka pressure lang to.—Saad ng binata sa isip at bumuntong hininga. Umupo lang ito sa kahoy na silya at nakatulala ulit, inisip kung ano ba talaga ang ikinagalit niya sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD