# JEALOUS
Note: Hi guys, May scene po na ang gamit ay bisaya words pero no worries may translation naman. Hindi kasi pwedeng magtagalog lalo na po matanda na nasa bukid lang yon at sanay sa kanilang linguwahe. Thank you for your understanding, enjoy reading everyone..
Pasensya na talaga at ngayon lang nakapag update, super busy sa work and di makapagsulat dahil inabutan na naman ako ng writer's block sorry talaga🥹 Enjoy reading po❤️ Thank you again!❤️❤️
Celestina and Ramir walked down the street towards a small shop that specializes in custom bags and shirts. Tulad ng napag-usapan ng dalawa kagabi ay sasama si Ramir sa dalaga sa palengke.
“So, ito ang ginagawa mo araw araw?” Seryoso na tanong ni Ramir habang nasa harapan ang tingin.
Tumango naman ang dalaga na may ngiti sa labi, “Yeah, this is my routine. At kapag may vacant time ako ay sumasama ako kay nanay Jane sa kanyang garden.”
“You mean, kung saan ang mga bulaklak?”
Sa pangalawang pagkakataon ay tumango ulit ang dalaga, “Yes, kasama ko si Jang at Jovanni.” Diretso na sagot ng dalaga.
Napahinto naman ang binata at mataman na tinignan ang dalaga, na naging dahilan rin ng pagkunot ng noo ng dalaga. “What? Na bo-bother ka parin ba kay Jovanni?” May pag-alala na tanong ni Celestina kay Ramir.
Ilang minuto lang ay bumuntonghininga si Ramir bago nagsalita, “No, it's okay. It's just part of the past.”
Ngumiti ng malapad si Celestina, “We can make our memories here, mag date tayo, pwede tayong mangabayo or maybe maligo tayo sa mosses falls maganda din don. Or what if tutulungan mo rin ako sa pag paint? Mm? Gusto mo yon?”
Hindi umimik ang binata nakatitig lamang ito sa dalaga na para bang kinakabisado nito ang mukha ng dalaga. “Ram? Nakikinig kaba?” Tanong ni Celestina at hinawakan ng marahan ang braso ng binata.
Tsaka lang na balik sa realidad si Ramir, tumikhim pa ito bago nagsalita, “Uhm…Yeah, I can help you too… but I'm not good at it, you know.”
Celestina politely smiled at Ramir before grabbing his hand and intertwining it, “It’s okay, I can guide you if you want.” Wika nito, “And also, painting bags is easy and I know you enjoyed it too.”
Kuminang naman kaagad ang mga mata ng binata ngunit agad rin itong nabura ng makitang may iilang lalaking nakatingin sa dalaga, “Let's go at baka may kuhanan pa ako ng mga mata rito,” malamig na sabi ng binata at agad marahan na hinila papalayo ang dalaga doon sa lugar.
Habang si Celestina ay hindi alam kung ano ang nangyayari, “R-ram, ouch!... W-wait, nasasaktan ak— hindi dito ang daan, doon tayo pupunta.” Taranta na sabi ni Celestina.
Napahinto naman kaagad ang binata at napatingin sa pulsohan ng dalaga na may markang pula dahil sa paghila nito ng binata. “I’m sorry, are you okay?” Nag-alala na tanong nito sa dalaga.
Napatingin naman kaagad ang dalaga sa sariling pulso ng nakitang namumula ito pero manageable naman ang sakit, kaya naman ay tumango ito. “Yeah, ayos lang.” Wika nito at hinaplos ang pulso.
Naglakad ulit sila patungo doon sa kabilang daan, naging mas tahimik ang binata na ipinag-alala ng dalaga dahil mukhang dinibdib nito ang pamumula ng pulso. “Ram, I'm really okay. Don't get ma—”
“I’m not,” pagtanggi nito. “I'm just controlling myself, baka mas masaktan kita.” nanghihina nitong saad.
Gulat man ay tumahimik nalang muna ang dalaga upang bigyan ng sapat na space ang binata, malapit na sila sa tindahan ng customized painted bags ng makita ng dalaga ang matanda.
“Aling Donna!” Magiliw na pagtawag ng dalaga sa matanda.
“Oh, Inday Celestina. Ikaw man diay, magsugod Naka?” Wika ng Ali. Translate; ( Ikaw pala yan, magsisimula kana ba?)
Nangunot naman kaagad ang noo ni Ramir dahil hindi maintindihan ang sinabi ng Ali, “What did she say?” Nagtataka na tanong ng binata sa dalaga.
Natawa naman kaagad si Celestina dahil nakalimutan nitong hindi pala nakakaintindi ng bisaya words ang binata, “Ang sabi niya, magsisimula na ba daw ako.”
Napatango naman kaagad ang binata at nanahimik na lang, wala din naman itong maintindihan.
“Aling Donna, naa kay ipapinta karun?” Translate: (Aling Donna, meron ka bang ipa-paint ngayon?)
Kaagad naman tumango ang matanda, “Ay Inday, ganahan jud ka karun na adlaw kay daghan mga nagpalit na gusto i-customize. Kabalo naka ting -eskwela napod.” Translate: ( Ay Inday, magugustuhan mo talaga ang araw ngayon, dahil maraming bumili at gusto nilang i-customize ang nabili. Alam mo naman na malapit na ang pasukan.)
“Mao ba Aling Donna, murag busy gyud ni karun na adlaw ba,” Celestina said, Translate; ( Ganon ba Aling Donna, mukhang magiging busy ngayong araw ah,)
“Murag ana jud, Inday. Oh sige na, adto namo dadto para makasugod naka.” wika ni Aling Donna. Translate; (Mukhang ganun na nga, Inday. Oh siya, sige na. Pumunta na kayo doon para makapag simula na.)
Tumango naman kaagad ang dalaga sa matanda at hinatak agad ang binata papasok sa isang maliit na working room. Hindi nag-react ang binata kundi nagpatianod lang ito sa dalaga at agad pumasok sa working area.
“You work here? Ang sikip naman dito, hindi ka naiinitan?” Agad na tanong ng binata.
Ngumiti naman ang dalaga at dinampot ang unang ipinta, “Yes, I'm working here all the time. Sa ibang store naman, sa bahay ko lang ginagawa kasi hindi na kasya sa kanila.”
Ramir sat down in the vacant chair made from wood, “How about your meal? Is it their budget or yours?”
“It's on me, kapag lumabas ka lumingon ka sa unahan at makikita mo ang isang maliit na karenderya, kahit maliit at mura doon ay masarap naman.”
Ramir's eyebrow arched in surprise, “Really? Is that really that good? "It might be a waste of money if the food isn't good, you know.”
Umiling naman ang dalaga dahil sa sinabi ng binata, “Hindi magiging sayang ang pera mo, Ram. Dahil sulit ang binayaran mo.”
Naging busy na ang dalaga sa trabaho habang ang binata ay hanggang pag-aayos lamang ng mga bags at paint brush/ paint color. Alas dose ng pinigilan ng binata ang kamay ng dalaga na kunin ang panibagong pipintahan.
“That's enough, it's already noon. Let's grab something to eat,” Ramir said.
Doon lang napagtanto ng dalaga na alas dose na pala ng tanghali, "Okay, tara?” ngiting aya ng dalaga.
Tumango lang ang binata tsaka kinuha ang dala nila kanina, habang ang dalaga ay inayos ang nagusot na damit at hinugasan ang kamay dahil may color paint.
Nang matapos ang dalaga ay sabay ulit silang lumabas sa working room at nadatnan nila si Aling Donna na kumakain sa labas ng tindahan.
"Oh Inday, mangaon namo?” Translate; (Oh Inday, kakain na kayo?)
Agaran naman na tumango ang dalaga, "Opo Aling Donna,” nakangiting sagot ng dalaga.
Tumango naman ang matanda, "Inday Celes naa unta koy i-ingon sa imoha, manirado unta ko karun sa tindahan, pwede dalhon nalang nimo ang mga bag sa imong balay? Kinahanglan man jud ko mag adto sa pikas baryo kay kasal sa akong pag-umangkon at magtipok me na mga igsoon.”
Translate; ( "Inday Celes, may sasabihin sana ako sa iyo. Gusto kong isara ang tindahan ngayon . Pwede bang dalhin mo na lang sa bahay mo ang mga bag? Kailangan ko talagang pumunta sa kabilang barangay kasi ikakasal ang pamangkin ko at magtitipon kami ng mga kapatid ko.")
Napatingin naman kaagad si Celestina kay Ramir na nakakunot ang noo at mukhang gusto ng sigawan ang matanda, ang higpit kasi ng pagkakahawak ni Ramir sa braso ni Celestina.
Ramir couldn't hold back his growing irritation with the old lady. She kept on talking, even though they were about to leave for lunch. Dumagdag pa na hindi maintindihan ng binata ang salitang ginamit nito.
Bago pa makapagsalita ang binata ay agad ng hinarap ni Celestina si Aling Donna, "Sige po, balikan nalang nako unya pag mahuman nami ug kaon,” Translate; (Sige po, babalikan ko na lang mamaya kapag tapos na kaming kumain,)
Ngumiti naman kaagad ang matanda at agad na tumalikod habang si Celestina ay mabilis na nilingon ang binata, "Can you please relax? Kung di ko lang napansin na badtrip ka baka sinigawan muna si Aling Donna,” May inis na saad ng dalaga.
"Because she kept talking, walang katapusan and I can't understand it at all.” Galit na saad naman ni Ramir.
"Ang sabihin mo, umandar na naman yang pagka-immature mo—”
“No, I'm not!”
"Yes! Ganyan ka naman lagi, you always find a way to get people scared you!” Inis na sigaw Celestina.
"Fine! I get irritated because it's already twelve, and you need to eat lunch, and she keeps talking to you.” Inis na sagot ni Ramir at namiwang pa.
"That's it, for Gods sake Ram. Hindi lahat ng bagay ay kailangan idaan sa galit o irita. Did you know what she's talking about? No right?” Galit na sabi ng dalaga at nagpati-una sa paglalakad patungo sa karenderya.
"I don't understand it, Celestina. And why are you so mad at me?! I didn't do any—”
“May ginawa ka! Kung di lang kita napigilan kanina ay baka nasigawan mo na ang matanda,”
Pinagtitinginan na silang dalawa dahil sa kanilang sagutan, kampante naman ang dalaga dahil alam nyang hindi maiintindihan ng iba ngunit mayroon parin na nakakaintindi ng Tagalog.
Narinig naman ng dalaga ang pagbuntonghininga ng binata, "Look, I'm sorry okay?” Tunog demand na saad ng binata.
Napairap nalang ang dalaga dahil sa sobrang demanding ng binata, "Hindi yan sorry, kundi demand na. Kausapin mo sarili mo, Tsk!”
Nakarating na ang dalawa sa maliit na karenderya at pagdating ay sobrang daming tao, napangiwi pa si Ramir dahil sa dami ng tao at he feels disgust sa loob. Halo-halo na kasi ang amoy sa loob, lalo na mas maraming construction worker ang nandon, amoy araw at putok o di kaya'y pawis.
Habang ang dalaga ay nakangiti na pumasok sa loob hindi inalala ang kasama na parang tuod na nakatayo sa labas ng karenderya di magawang pumasok.
"Ineng Celes, pasensya na pero punuan ang mesa ngayon e,” saad ni aling Marin ang may-ari ng karenderya.
Marahan naman na tumango ang dalaga bago tumingin sa mga naka-display na tinda, natatakam pa itong napatingin sa ginataang monggo at bulad na prinito.
"Ipabalot ko nalang aling Marin, kasi di din yon papasok dito.” Wika ng dalaga at tinuro ang kinatayuan ni Ramir na nakakunot parin ang noo at nakatakip sa ilong.
Natawa naman ang Ali, “Si Ramir yan ah, Yong kaibigan ng mga anak ng Roussel. Di talaga yan sanay Ineng, kaya pagtiisan nalang niya.”
“Oo nga po, Aling Marin. Alangan naman na tayo pa ang mag-adjust di ba?” Sagot ni Celestina at natawa pa. "Isang serve ng bulad at ginataang monggo po, atsaka adobong manok at humba para sa kasama kong maarte.” Natatawa pa.
Mabilis naman na inasikaso ng Ali ang order ng dalaga upang makaalis na ito dahil sa pag-aalala sa binata, "Ilang rice Ineng?”
"Apat po, baka kasi gutom yon.” Ani pa ng dalaga at tumingin-tingin sa paligid. “Mukhang andami ngayon Aling Marin, akala ko tapos na yong kabilang construction di pa pala.”
"Akala ko din Ineng,” natatawang sagot ng matanda.
Nang matapos ang pagbabalot ng mga pinamili ng dalaga ay agad na itong tumalikod at lalabas na sana ng biglang.
“Babe! You're here!” Sigaw ni Sandro ang anak ng mayor habang naka back-hug ito sa dalaga.
"Sandro ano ba! Bitaw ng—”
“CELESTINA...”