#TWO WEEKS
“Celes, dalawang Linggo na pero di pa rin bumalik si Ramir,” mahinang saad ni Jang.
Celestina sighed, “I don't know,” mahinang sagot ng dalaga.
Baka naman kasi busy yon, o nasa ibang bansa na naman para sa trabaho. Or maybe Papa called him and needed his help? That's the only possible reason I can think of right now. Hindi naman kasi kami nag-away, pero ang nakakapagtaka ay yong gabing muntik ng may nangyari sa amin ay yun din ang gabi na bigla itong umalis at kinaumagahan naman ay sobrang lamig na naman ng pakikitungo niya sa akin.
“Bff sigurado ka bang hindi kayo nag-aaway? Tinanong din kasi ako ni Miss Luna if nandito ba si Ramir.”
Nakuha naman ang atensyon ng dalaga dahil sa sinabi ng kaibigan, “Miss Luna asked you? When? Ano naman ang sagot mo?”
Nagkibit-balikat naman si Jang, “Sabi ko, wala dito ang hinahanap niya at hindi din natin alam kung saan nagpunta.”
Tumango naman agad ang dalaga, mukhang tanggap naman kasi ng babae na walang pag-asa ang pagitan ng dalawa. Dahil sa sinabi noong event.
Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit, padalos-dalos ang naging desisyon ng kanyang Papa Ramon tungkol sa kasal. Inakala kasi niya na hihintayin nito ang magiging sagot niya sa alok. Pero sa nangyayari ngayon ay mukhang hindi ang gusto niya ang masusunod.
“Jang, tsaka nga pala. Kumusta pala ang kuya mo?” Ngayon lang siya naglakas loob na tanungin ang kalagayan ng kuya ng kaibigan.
Lumilipas ang araw ay wala naman kasi siyang narinig mula sa kaibigan o kahit isang complain man lang. Kaya na-guilty siya dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit putok ang bibig ni Jovanni.
Naging tuliro naman agad ang mata ng kanyang kaibigan, “Uhmm….A-ayos lang naman si kuya,” mahinang sagot nito.
“Kumusta ang sugat niya?”
Umiling si Jang, "I'm going to tell you the truth, BFF. I really want you and my brother, I mean… I can see that my brother has feelings for you, and you too. I can feel it, you have feelings for him too,”
Umayos naman ng upo si Celestina, “What do you mean, Jang?”
“Simula noong dumating si Mr.Karamazov, naramdaman ko na wala ka ng pakialam kay kuya, I mean don't get me wrong, Celes. Pero nasugatan si Kuya because of you, but here you are doing nothing hindi man lang bumisita kay kuya at alamin ang kalagayan niya.”
Hindi kaagad nakagalaw at nakasagot ang dalaga sa sinabi ng kaibigan, “I-i—”
“I'm sorry, nadala lang ako. Uuwi na ako, bye.” Paalam ni Jang at mabilis na binitbit ang gamit at agad lumabas.
“Jang!” Pagtawag ng dalaga ngunit hindi na muling lumingon ang kaibigan, napabuntong hininga na lamang si Celestina at umupo ulit sa silya.
Inaamin naman ng dalaga na hindi siya makapag-isip ng maayos sa nagdaang araw, palagi siyang akopado dahil sa biglaang paglaho ng binata. Kaya hindi naisip na dalawin ang kapatid ng kaibigan.
Napatingin si Celestina sa pabilog na orasan sa kanyang pader, alas tres ng hapon na at buong araw siyang wala na namang ginawa. Huminga ng malalim ang dalaga at agad tumayo upang pupunta sa bahay ng kaibigan.
Ramir sighed bago tumayo upang kukuha ng panibagong alak, it's been a week simula noong umalis ito sa Rancho. At sa isang linggo na yon ay masasabi niyang isang impyerno ang buhay niya.
“Bud! Bud!” Chryses shouted.
Masama namang tinignan ni Ramir ang kaibigan, “I’m not deaf, kaya huwag kang sumigaw.” Sita ng binata.
Napakamot naman sa ulo si Chryses, “Look, I have some good news and bad news. Which do you want to hear first?”
“Ano ba naman yan, Chrys. Sabihin mo na lang ang nalalaman mo, badtrip na nga ang tao dagdagan mo pa.” Dustin said.
Ngumisi naman agad si Chryses at tinignan ng nakakaloko si Ramir, “You said you don't love her or have feelings for her, right? Then this photo isn't a big deal, right?”
Nangunot naman ang noo ng binata, kahit gustong gusto nitong humarap at tignan ang litrato ay mas pinili niyang huwag tumingin.
“I think Jovanni is good. Bagay naman silang dalawa, Red flag si Jovanni pero di na rin masama para kay Celestina.” Walang pakialam na saad ni Chrys.
“Chryses.” Babala ni Eross.
Umiling naman agad si Chryses, “Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, bud, kasi kung patatagalin mo pa 'yan, baka maunahan ka ng lalaking 'yon. Sabi ni Luna, madalas daw ang lalaking 'yon sa bahay ni Celes.”
Ramir sighed at naikuyom ang sariling palad, Linggo palang siyang nawala doon. Pero ang babaeng yon, ang bilis mauto ng lalaking yon.
"Bud, ito ba talaga ang gusto mo? Just be yourself, don't deny your feelings toward her. Dahil ikaw lang ang mahihirapan.” Seryoso na saad ni Eross.
Tahimik lang ang binata habang pinapakinggan ang sinasabi ng kaibigan, nalilito na din sa sarili kung ano ang dapat gawin.
“Always remember, we're here for you. Kahit anong kalalabasan ng desisyon mo, nandito lang kami.” Segunda naman ni Dustin.
Huminga ng malalim si Ramir bago tumayo, “I'm not going, if she wants that boy. It's her choice, not mine.” Seryoso na saad ng binata at naglakad palabas ng bar.
Walang nagawa ang grupo at napapailing na lang dahil sa katangahan ng kaibigan, “He's hopeless,” bulong ni Chrys.
“Iyang katangahan mo, Chrys. Lumalala na yan ipagamot mo kaya yan? Kasi kung hindi mo sinasabi ang nalalaman mo. Hindi na naman yon mag overthink.” Saad ni Dustin at piningot ang tenga ni Chrys.
“Ouch! Kuya ang sakit! Tama naman ang sinabi ko e! Kung palagi natin nilihim ang mga nalalaman natin hindi niya ma-realize ang katangahan niya.” Ungot ni Chrys habang hinahaplos ang tainga na namumula dahil sa pag pingot ni Dustin.
“Pero mali parin ang paraan mo, Chrys. Dapat hindi natin siya, pini-pressure at baka hindi makapag-isip ng maayos.” Eross said.
Isang linggo na ang lumipas at isang linggo na rin sila palaging umuwi na lasing, panay invite ba naman si Ramir na inom. Kaya din siguro gustong madaliin ni Chrys ang lahat kasi, di kakayanin ang laging lasing.
“Bahala na, ginawa ko na ang parte ko.” Umiling na saad ni Chrys.
Napailing nalang ang magkakapatd dahil sa sinabi ni Chrys. Habang ang isa nilang kapatid na si Gaelic Lussus ay tahimik sa gilid habang malalim ang iniisip.
Siniko naman ni Denver ang kapatid na si Real at nginuso ang pwesto ni Gaelic. “Mukhang hindi lang isa ang namomoblema sa pag-ibig, kasali yata ang puta.” Saad ni Denver kay Real.
Umiling naman si Real, “Matagal na niyang dinamdam ang kabaliwan sa sariling sekretarya,” naiiling na sabi ni Real at tumayo.
Si Gaelic kasi ay may gusto sa sekretarya pero hindi maaamin dahil may asawa, kaya hanggang tingin na lang ito. Habang ang sitwasyon naman ni Ramir ay obvious naman na parehong may gusto ang dalawa ayaw lang aminin.
Biglang tumayo si Gaelic habang may hawak na selpon at nakatapat sa tainga, “Guys, let's go. Ram is coming to pick us up."
Nalilito naman na nagkatinginan ang magkakapatid, “Saan daw ang punta?” Chrys asked.
“Rancho,”simpleng sagot ni Gaelic.
Malaki naman ang ngisi ni Chrys, “Oww, mukhang pumasok na sa isip niya.” Natutuwang saad nito at nagpati-una pa sa paglabas.
Napailing naman ang magkakapatid, nakalabas na sila at ilang minuto ang lumipas ng may kulay itim na van ang huminto sa kanilang harapan. Nagkatinginan ulit ang magkakapatid, “Sino ang mag maneho?” tanong ni Eross.
“Ikaw sympre,” sagot ni Denver at pumasok na sa loob, lumabas naman si Ramir mula sa driver seat at lumipat sa front seat.
Hanggang buntong hininga na lang si Eross bago pinaandar ang van. Lagi nalang talaga siyang naging driver, “Guys, maawa kayo sakin kailangan ko din ng sub.” Wika nito habang nagsimulang magmaneho
Nagkanya-kanyang iwas ng tingin ang magkakapatid, “Kuya, di ako pwede, inaantok ako atsaka napadami ang inom ko.” Agad na rason ni Chrys.
“Ako din,“ segunda ni Denver. Hanggang sa sumunod din ang iba, si Real lang ang hindi umimik ang panganay nila.
“Drive. Once we get to Kisolon, I'll take over.” Real said. Bago pumikit.
Tumango na lang si Eross bago nag seryoso sa pagmamaneho, gabi na kaya may-ingat ang pagmamaneho niya.
Si Ramir at Eross ang gising, habang ang kasamahan nila ay humihilik na. Habang nagmamaneho si Eross ay hindi niya maiwasan na tanungin kung bakit nag-bago ang isip desisyon ni Ramir, “Why did you change your mind? I thought you weren't going to pursue your feelings for Celes—”
“Don't get it wrong, hindi ako umuwi para sa kanya.” Seryoso na saad ni Ramir.
Napataas naman ng bahagya ang isang kilay ni Ramir, “If that's the case, shouldn't you be going back to Manila? Remember, your mansion is there.”
Masama lang na tinignan ni Ramir ang kaibigan, habang si Eross ay halos hindi makahinga dahil sa galit ng kaibigan.