KABANATA 11— 0 PERCENTAGE FEELINGS— RAMIR THE GREAT

1577 Words
#0-PERCENTAGE_JPG Celestina sighed, hapon na kasi ito nakauwi at pagdating niya sa bahay ay ini-expect niyang nandon ang binata at naghintay sa kanya. Subalit isang nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa dalaga. Uupo at tatayo ang ginawa ng dalaga at laging sinisilip ang bintana at baka dadating ang binata ngunit sumapit ang dilim na walang Ramir na umuwi. Nakapag hapunan nalang ang dalaga ngunit hindi pa din dumarating ang binata. Nag-alala na ito dahil madilim na, hindi man lang ito nagsasabi kung saan pupunta. Huminga ng malalim si Celestina bago pumasok sa silid at makapag pahinga, dilat na dilat ang kanyang mata habang nakatingin sa ceiling. Nagdadalawang isip kung tatawagan ba ang binata o hintayin nalang. Ilang minutong nakikipaglaban sa sarili ay kinuha ng dalaga ang selpon at dinayal ang numero ng binata, ngunit napabuntong hininga na lang ito ng hindi ma-reach ang binata. “Ano kaya ang nangyari sa kanya? Simula nung nangyari kagabi, mas lumala ang pagiging cold niya.” May lungkot na bulong ng dalaga. “Saan kaya siya ngayon? Nasa pamilya Roussel kaya siya? Nakakahiya naman kung hahanapin ko siya doon,” nanghihina na bulong ulit ng dalaga. Nakatulugan ng dalaga ang pag-iisip sa binata, puno ng katanungan sa sarili. Habang si Ramir naman ay iniwang nilagok ang alak, kakadating niya lang sa Cagayan de Oro. At diretso agad sa bar na pag may-ari ng kaibigan. “Bro, what's your problem?” Deveraux asked. Hindi umimik si Ramir, tahimik lang ito na parang ang lalim ng iniisip. "A woman? Don't tell me this is about Celestina?” Deveraux said. Ramir sighed deeply. "It's all my fault," he murmured, his voice barely a whisper but loud enough for Deveraux to hear. Tumango naman agad si Deveraux, “You have feelings for her. No, you're already in love with her. That's the right way to describe it.” Umiling agad si Ramir, “Imposible, galit ako sa kany—” "What's the reason? Why are you mad at her? What's your real reason?” Walang emosyon parin na tanong ni Deveraux. Naging tahimik ang binata at binalikan ang pangyayari noong unang kita niya sa dalaga. Ramir remember correctly, before that day, his father suddenly called and told him to come home. Nagdududa man ay sinunod niya ang gusto ng ama, nag pa-booked agad siya ng flight pauwi sa Pinas. Pero bago pa man pumarada ang kanyang kotse na sinasakyan ay may nakita na siyang isang babae na nakatayo sa katabi ng ama. She had a captivating aura, and her beauty was undeniable. Her graceful movements spoke of a gentle nature, and there was an innocence about her that was both charming and alluring. Nakita niya kung paano titigan ng kanyang ama ang babae and it ignited a fire of envy and resentment within him. He hated her with a burning passion, his anger simmering deep within. Mas nagalit pa siya dahil pumanig ang ama niya sa babae, hindi pinapakinggan ang kanyang salita. Wala siyang ibang hiniling kundi ay maging maayos ang pamilya, kaya hangga't maaga pa ay kailangan niyang pigilan ang binabalak ng dalaga. Ngunit sa palagi niyang pagdidiin ay tinali ng kanyang ama sa kanya ang babae, hindi din siya naniniwala sa naging rason ng babae. Dahil lumang palusot na yon, sino ba kasi ang hindi gagawa ng istorya kung marami silang pera? He hated her not until Reimer told him the truth and advice to investigate Celestina's background. Hindi pa niya nakukuha ang resulta pero malaki ang tiwala niya sa sarili na isang sinungaling ang dalaga. Hangga't nakikita niyang may mali sa background ng dalaga ay mananatili na galit siya sa dalaga. “Bro? Bro?” Nabalik sa realidad si Ramir at napatingin sa kaibigan, “I Hate her, she's lying I can feel it.” Disidido niyang saad. Huminga ng malalim si Deveraux at hindi na lang sinabi ang nalalaman, “If you hate her, don't fall in love with her.” Umiling naman si Ramir, “Not ever, kahit isang percent wala.” Seryoso na sagot ni Ramir at nilagok ang alak, dahil nakaramdam siya ng guilt at pait sa dibdib. Parehong tahimik ang dalawa ng dumating ang ibang tropa, Ramir's silence hung heavy in the air, making his friends uncomfortable. Even though he was usually a quiet person, the silence felt different now, almost chilling. Wala si Chryses dahil inasikaso ang negosyo, kaya walang maingay. Kaya din hindi naglakas loob na magtanong ang iba dahil wala si Chryses.Ito lang kasi ang may lakas ng loob na pag-tripan si Ramir. “His quiet,” bulong ni Eross kay Denver. Bumaling naman si Denver sa kaibigan at ng makita ang estado nito ay umiling-iling, “Ayoko talaga ma-inlove, sakit lang sa ulo.” Bahagya naman tumingin si Dustin sa kapatid, “Talaga? Paano si Eunice?” Nakataas ang kilay na parinig ni Dustin. Masama naman na tumingin si Denver sa kapatid, "I told you, don't mention her name with your filthy mouth." Tunog demand na sabi ni Denver. Tumawa naman si Dustin, “Akala ko ba ayaw mong ma-inlove?” Nakataas ang kilay na tanong ni Dustin at may munting ngiti sa labi. Masama ang tingin ni Denver sa kapatid, magsasalita na sana ito ng biglang tumayo si Ramir sa upuan. “Where are you going?” Agad na tanong ni Real. Marami ang nainom ni Ramir kaya hindi ito pwedeng mag maneho pauwi sa condo. “Home,” simpleng sagot ni Ramir. “Eross,” pagtawag ni Real sa kapatid. Huminga ng malalim si Eross, palagi naman talagang siya ang tinatawag kapag pagmamaneho ang pag-uusapan. Hindi agad nakasunod si Eross dahil sa mga babaeng lumalapit sa kanya at paglabas ay walang Ramir siyang nakikita. Pumikit si Eross bago bumalik sa loob upang ibalita na hindi na naabutan ang kaibigan. Umaga ng nagising si Celestinna ay may narinig siyang ingay mula sa kusina, mabilis pa sa alas-kwatro ng lumabas ang dalaga sa silid at halos liparin ang pagitan ng kusina at silid niya. Malaki ang ngiti ni Celestina ng pumasok sa kusina ngunit agad nabura ang ngiti ng dalaga. “Celes, gising kana. Pumasok na ako kasi hindi mo naman kinandado ang pintuan.” Jang said habang busy ito sa pag aayos ng pagkain. Tahimik na umupo ang dalaga, nakatulala ito habang malalim ang iniisip— “Siya nga pala, hindi ko nakita si Mr. Karamazov, saan pala siya?” Nagtataka na tanong ni Jang. Hindi masagot-sagot ng dalaga ang tanong ng kaibigan dahil kahit siya ay hindi alam kung saan nagpunta ang binata. “I–i… Baka umuwi yon sa maynila, alam naman natin na bising tao yon.” Pagrason ng dalaga. Mukha namang naniwala ang kaibigan dahil tumango lang ito, “Sayang at wala siya, matitikman niya sana ang luto ni Nanay.” Hilaw na ngumiti ang dalaga, bago nagsimula na kumain ng agahan. Tahimik itong kumakain na ipinagtataka ni Jang. “Celes, ayos ka lang ba? Ang tahimik mo,” mahinang tanong ni Jang. Umiling naman agad si Celes, “A-ayos lang ako, pagod lang siguro dahil maghapon akong paglalakad sa palengke” Rason ni Celes. Tumango naman si Jang, “Pagkatapos mo dyan, pasok ka ulit sa kwarto mo. Magpahinga ka, ako na bahala—” “Hindi na, ayos lang talaga ako.” Pagputol ng dalaga. Ayaw kasi nitong tumambay sa silid at baka maisip na naman ang binata. Pinatiling busy ng dalaga ang sarili maghapon habang si Jang ay nanatiling nag-obserba sa kaibigan. “Celes, tapatin mo nga ako. Nag-away ba kayo ni Mr. Karamazov?” “Huh?! Bakit namna kami mag-aaway?” Kunwaring nalilitong tanong ng dalaga upang pagtakpan ang sarili. Pero hindi naniniwala si Jang, hinatak niya ang kaibigan at pinaupo, “Tapatin mo ako, Bff. Nag-away ba kayo ni Mr. Karamazov?” Huminga ng malalim ang dalaga, “I don't know, bigla lang siyang umalis na walang paalam.” “Ha? Bakit naman siya umalis kung wala naman palang matinong dahilan?” Tanong ni Jang. “Simula nung nangyari ay bigla-bigla na lang siyang bumalik sa pagiging suplado, I mean hindi naman talaga nawala ang pagiging suplado niya pero na fefeel ko kasi na medyo gumaan na ang pakikitungo niya sa akin.” “Pero bakit siya umalis? Kung hindi siya galit sayo, bakit naglaho siya na parang bula?” May punto na tanong ni Jang. Huminga ng malalim si Celestina, “Hindi ko din alam, yan nga din ang tanong ko sa sarili.” Malungkot naman na tumitig si Jang sa kaibigan, “Anong nararamdaman mo para sa kanya? Bakit sobrang apektado ka?” Seryoso na tanong ni Jang. Umiling naman agad ang dalaga, “Wala naman, nanghihinayang lang dahil hindi natu— Imbes nagiging okay na ang pakikitungo niya sa akin ay bigla nalang siyang naglaho, kaya nakakapanghinayang lang.” May pagdududa naman na tumitig si Jang kay Celestina, “May gusto ka ba sa kanya? Aware ka naman siguro sa feelings ng kuya ko diba?” Nakakunot ang noo na tanong ni Jang. Umiling naman si Celestina, “W-wala akong nararamdaman sa kanya, tungkol naman sa kuya mo. Honestly, I really don't know.” Crush lang naman ng dalaga si Jovanni, hindi napunta sa pagiging magkarelasyon ang iniisip ng dalaga. Parang puppy love lang kasi ang nangyari sa kanya, kaya kung sakaling sasabihin ni Jovanni ang totoong nararamdaman nito ay dapat alam na ng dalaga ang totoong nararamdaman para sa lalaki. “You're helpless, bff.” Mahinang bulong ni Jang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD