MISSION: 7

1270 Words
THE FAILED MISSION EPISODE 7 AYOKONG maniwala na wala na si Ate Ludovica. She’s not easy to kill. She’s a fighter and she will do everything to win the game. But she failed. She died! Anong klaseng tao na ba ang mga Coleman para mapatay nila ang buo kong pamilya? Hawak din nila ngayon si Kuya Alonzo at hanggang ngayon ay hindi pa namin ito nahahanap. Hindi ako natatakot sa kanila. And I’m confident to fight them back and I surely win. “I’m so sorry, Lady Aya, pero hindi natin makuha ang patay na katawan ni Miss Ludovica. Nakuha siya ng mga Coleman.” Napapikit ako sa aking mga mata at napa hilamos sa aking mukha at sumigaw ng malakas. Napatayo ako at sinisira ko lahat ng mga nakikita ko kagaya ng lampshade na nasa gilid ng aking higaan at nabato ko rin ang aking phone sa may pader. Hina akong napaupo sa sahig at umiyak nang malakas. Naramdaman ko ang paghawak ni Peter sa aking balikat at hinahagod niya ito. “Magbabayad sila sa ginawa nila… maghihiganti ako. Hindi ako makaka payag na hindi rin ako makakapag higante sa mga Coleman. They took everything from me. From my dad… to my sister—and now they kidnapped my brother?! Papatayin ko silang lahat!” galit kong sigaw at muli akong naiyak. “I’m still here, Lady Aya. Hinding-hindi kita pababayaan. Tutulungan kita sa gusto mong mangyari,” mahinang sabi ni Peter. Napatingin naman ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit at napa hagulgol ako. Hindi ko pa nga nahahanap ang katawan ng aking ama, hindi ko pa makuha ang katawan ni Ate Ludovica. Pati katawan ng aking pamilya ay pinagdadamot pa nila sa akin. Galit na galit ako sa kanila at hinding-hindi ako makakapayag na hindi ako makapaghiganti. IT’S been a week since I heard the news of my sister’s death. Nagluksa ako nang isang linggo sa loob ng aking kwarto at hindi ko man lang magawang kumain kahit na gutom na gutom na ako. I started to think about following my father and sister in the afterlife, but I remembered that my brother is still somewhere—suffering and needed my help. “Lady Aya…” Napakurap kurap ako sa aking mga mata at nag angat ng tingin ng marinig ko ang boses ni Peter. Nakita ko siyang pumasok dito sa loob ng aking kwarto at may dala rin siyang folder. Because of my sister’s death. I become responsible for all of my family businesses—the legal and also the illegal businesses like the Brioschi Mafia. Someone who’s a member of the Brioschi Mafia wants to take my father’s throne, but I can’t let that happen so I ordered Peter to kill that man. No one can seat that throne but only me. But I’m still here in the Philippines. I can’t return to our place in Sicily while the Colemans still hold my brother’s freedom. “Peter, how’s the mafia? Naligpit mo na ba ang dapat iligpit?” seryoso kong tanong sa kanya. Mabilis namang tumango si Peter bilang sagot sa aking tanong. “Yes, Lady Aya. They’re still wondering who’s now responsible for the Brioschi Mafia. They want to see and talk to you, Lady Aya. The capos are demanding to meet the new boss, Lady Aya.” Muli akong napapikit sa aking mga mata at napahawak sa aking noo. Kahit na sabihin ko sa aking sarili at ipakita kay Peter na kaya ko ‘tong lahat… hindi pa rin nawawala ang kaba at pangamba ko. I’m not familiar with these problems—the running of the family’s mafia. Wala akong kaalam-alam sa lahat ng ito dahil sa Moscow ako lumaki at itinago lang ako doon ng aking ama. Only Ludovica knows all the works in the mafia. Siya lang ang makakapag manatili sa katatagan ng Brioschi Mafia. But now she’s gone. My Kuya Alonzo who’s supposed to be the mafia heir is also gone—ako na lang ang naiwan. Ako na walang kaalam-alam tungkol dito! “It’s okay if you’re not ready to face them all, Lady Aya. Naintindihan ko kung bakit hindi ka makapag salita ngayon,” rinig ko na sabi ni Peter. Muli naman akong nag angat ng tingin sa kanya at nakita ko siyang nakatingin ng seryoso sa akin. Huminga naman ako ng malalim at napayukom ako sa aking mga kamao. “After getting my vengeance on the Coleman family, I will return to Italy, Peter. I will face my responsibilities as Tomaso Luigi Brioschi’s daughter. Alam kong mahirap… pero kakayanin ko,” seryoso kong sabi kay Peter. Nakita kong parang tutol siya sa aking sinabi kaya nginitian ko siya at tumango. “I will be okay, Peter. Alam ko naman na hindi mo ako pababayaan eh. Ikaw na lang ang natitira kong kakampi rito. I hope you will stick to me until the end,” sabi ko kay Peter. Tumango-tango si Peter at ngumiti siya sa akin. “Your father is my good friend, Lady Aya. He saved me. Your family is my family. It means that you’re also my family, so yes, I will stick to you, Lady Aya,” seryosong sabi ni Peter at muli siyang ngumiti sa akin. Huminga ako nang malalim at tumango-tango. Even though I’m at my lowest, I know Peter’s here for me. “So what’s with the folder you were holding right now, Peter? Anong laman niyan?” tanong ko sa kanya nang muli akong mapatingin sa kanyang hawak ngayon. Napatingin din siya rito at humakbang palapit sa akin si Peter at binigay niya ito sa akin at kinuha ko naman ito kaagad sa kanya. “It’s information about Alessandra’s family background. Alam ko na kailangan mo ‘yan para magawa ang mga plano mo, Lady Aya,” seryoso kong sabi ni Peter. Napakurap kurap ako sa kanyang sinabi at mabilis ko na binuksan ang folder at tiningnan ang nilalaman nito. Sasabihin ko pa sana ‘to kay Peter, pero naunahan ko na siya. Binuksan ko na ito at unang bumungad sa akin ay ang impormasyon tungkol kay Alessandra Marie Coleman. Humigpit ang pagkakahawak ko sa folder ng nakaramdam ako ng labis na galit habang nakatingin sa kanyang pagmumukha. Siya ang pumatay sa ama at sa aking kapatid na babae. Papatayin ko rin siya. Binasa ko ang background ni Alessandra. Simula pa noong bata ay sinanay na niya ang kanyang sarili para maging isang agent. She’s also the President’s granddaughter because her mother is Naime Jean Villa who’s the daughter of Raoul Villa. Wow. Kaya pala ang bilis lang nila makapatay ng mga tao dahil may kapit sila sa may taas. Kahit na makapangyarihan sila, hindi pa rin ako natatakot. Pagkatapos kong tingnan ang profile information ni Alessandra ay pinakli ko na ito at tiningnan ang sunod na page. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang makita ko ang pagmumukha ng kapatid ni Alessandra… ang nakakatanda niyang kapatid. Alessandro Niklaus Villa Coleman. Siya ‘yung nakasama ko sa body shot sa bar! Ang… ang lalaking pinapahanap ko kay Peter. Ang lalaking gusto kong mapangasawa. Oh my God. Nabitawan ko ang hawak ko na folder at napahawak ako sa aking ulo at natulala. “L-Lady Aya, what’s wrong?” narinig ko na tanong ni Peter sa akin. Napatingin ako sa kanya at tuluyan na akong nanghina. “I’m so f****d up, Peter.” It can’t be! Ang Alessandro na nakahalikan ko sa bar at ang Alessandro na kapatid ni Alessandra ay iisa?! Isang Coleman ang lalaking nakakuha ng atensyon ko! Ang lalaking gusto kong pakasalan… sana. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD