THE FAILED MISSION
EPISODE 6
KASALUKUYAN na hinahanap ni Peter ang aking future husband… si Alessandro. Naiinip ako na ako rito sa villa at hanggang ngayon ay wala pa ring improvement sa paghahanap sa kanya. Wala raw Alessandro na pangalan na pumasok sa bar noong pumunta ako. But the one who hosted the body shot called him Alessandro! Hindi naman pwedeng gawa-gawa lang ang pangalan na ‘yun. Halatang kilala siya ng mga nandoon.
Mas lalo akong naba-badtrip nang wala man lang akong balita sa aking kapatid na si Ate Ludovica. Sobrang nag-aalala na rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon, o kung ano ang ginagawa niya ngayon. I know that she’s strong and she can protect herself from the enemies, but she’s still a woman. Mas malakas pa rin ang mga lalaki at maraming kaaway ang pamilya namin at ayokong makuha si Ate Ludovica ng mga ito.
Wala na rin akong balita kay Kuya Alonzo. I’m still praying that he will return to us and finally realize that our family is more important than her love for the woman who killed our father. Nagbabakasakali pa rin ako na magbabago ang isipan ni Kuya. Galit ako sa kanya, pero kaya ko siyang tanggapin ulit kung umuwi lang siya rito ngayon at piliin kami.
“Гавно [sh*t]!” I curse in the Russian language.
I’m so frustrated right now and feel useless in this family—that I can’t do anything to give justice to my father’s death. Nandito ako ngayon sa gym area ng bahay at ang pag wowork out lang ang nagbibigay sa akin ng ginhawa para mawala ang mga tumatakbo sa aking isipan ngayon. Pero kahit anong gawin ko na pag wo-workout ay hindi ko pa rin talaga mawala ang mga problema ko sa aking isipan.
Napahilamos ako sa aking mukha at kinuha ko ang aking tumbler at uminom ng tubig dito. Napatingin naman ako sa may pintuan ng bumukas ito at nakita kong pumasok sa loob si Peter na parang hinihingal. Napakunot naman ang noo ko at lumapit ako kay Peter.
“Peter, what’s wrong? Bakit parang kagagaling mo lang sa pagtakbo?” taka kong tanong sa kanya.
“Lady Aya, did you check your phone?” seryosong tanong ni Peter sa akin.
Mas lalo akong naguluhan sa naging tanong ni Peter sa akin. Umiling-iling naman ako. Nasa aking kwarto ngayon ang aking phone dahil china-charge ko ito. Ayoko rin na ma-istorbo ako sa aking pag wo-workout kaya hindi ko ito dinala rito sa gym area.
“No, Peter. Why? What’s the problem? Kinabahan ako sayo!” sabi ko sa kanya.
Huminga ng malalim si Peter at muli siyang magsalita.
“Miss Ludo just called me a while ago. She was calling you, but she couldn’t reach you. Miss Ludo wants to talk to you, Lady Aya. I think it is really urgent,” seryosong sabi ni Peter sa akin.
Nakaramdam naman ako ng labis na kaba at walang pasabi akong tumakbo palabas sa gym area at bumalik sa aking kwarto. Doble ang bilis ng aking pagtakbo para lang makapunta kaagad ako sa aking kwarto. Pagpasok ko sa loob ay agad kong kinuha ang aking phone at binuksan ko ito. Napasinghap naman ako ng makita kong may 25 missed calls sa akin si Ate Ludovica.
Napaupo ako sa gilid ng aking kama at napayakap sa aking sarili at mabilis ko siyang tinawagan. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng aking puso ngayon at labis akong kinakabahan para sa aking Ate Ludo.
“Merda! Pick up the phone, Ate Ludo!” inis kong sabi at napahagod na ako sa aking buhok.
Makalipas ang ilang minuto ay sinagot na rin ni Ate Ludovica ang aking tawag. Nakahinga naman ako ng maginhawa.
“A-Ate Ludo! Finally… I’m so sorry kung hindi ko nasagot ang mga tawag mo sa akin kanina. I was in the gym area and doing my workouts. But I’m all good now. What’s wrong, Ate Ludo? Kumusta ka na? Nasaan ka ba ngayon? I miss you so much! Please, come back home. Bumalik ka na rito,” sunod-sunod kong sabi sa kanya.
Hindi siya nagsasalita sa kabilang linya, pero rinig na rinig ko ang kanyang mga paghinga.
Muli akong nagsalita. “Ate Ludo, magsalita ka naman dyan…” nanghihina kong sabi, labis na akong nag-aalala sa kanya.
“Belle, I’m so sorry,” mahinang sabi ng aking kapatid sa kabilang linya.
Kumunot naman ang aking noo at labis na nagtataka sa kanyang sinabi.
“A-Ate Ludovica, what’s wrong? Why are you saying sorry to me? May nangyari ba dyan? Ludovica! Sabihin mo naman sa akin ang katotohanan,” nagmamakaawa kong sabi sa kanya.
Nagiging emosyonal na rin ako ngayon dahil wala man lang akong magawa para tulungan ang aking kapatid… para puntahan siya kung nasaan man siya ngayon.
“I failed you, Belle. Because of my desperate moves, I failed you. Please forgive me for ruining our mission. I’m sorry for the failed mission. I love you so much, Taisaya—always remember that.”
“Ate—”
Hindi ko na naipagpatuloy ang aking sasabihin ng bigla niya na lang pinatay ang tawag. Mabilis ko siyang tinawagan ulit pero hindi ko na siya ma-contact—pinatay na niya ang kanyang phone.
Napasigaw ako at hinagis ko ang aking phone at napahagulgol. My sister is in danger right now. I know, I just know. Hindi niya sasabihin ang lahat ng iyon kung wala sa piligro ang kanyang buhay. She said she failed the mission. Anong nangyari sa kanya? Nasaan na siya ngayon? I badly want to go and find my sister!
Bumukas ang pinto ng aking kwarto kaya mabilis akong napatingin dito. Nakita kong pumasok si Peter at muli akong napaiyak ng makita ko ang lungkot sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin.
Tumayo ako at humarap kay Peter.
“P-Peter, what’s wrong with my sister? What happened to Ludovica? Please, please tell me that she’s right. I can’t lose her too!” sabi ko kay Peter at muli akong napaiyak ng malakas.
Humakbang palapit sa akin si Peter at hinawakan niya ang magkabila kong balikat at niyakap niya ako. Oh my God. I didn’t like this. Hindi ako yayakapin ng ganito ni Peter kung walang nangyaring masama sa aking kapatid.
“Peter—”
“I’m so sorry, Lady Aya. Miss Ludovica is dead. Napatay siya ng mga Coleman.”
Tuluyan na akong nanghihina at napaiyak nang malakas.
No… no! Hindi patay ang kapatid ko.
Hindi pwede ‘to.
Maghihiganti ako. Hindi ako makakapayag na hindi ako makakapaghiganti sa mga Coleman sa ginawa nila sa pamilya ko!
TO BE CONTINUED...