MISSION: 8

1207 Words
THE FAILED MISSION EPISODE 8 “LADY Aya, are you okay? What’s wrong?” Nabitawan ko ang hawak kong mga papel kung saan nakalagay ang mga impormasyon ng pamilya ni Alessandra. It cannot be. He’s Alessandra’s older brother?! Napatakip ako sa aking bibig habang nanlalaki pa rin ang aking mga mata ngayon dahil sa gulat. “Lady Aya…” Napatalon ako sa gulat ng bigla kong maramdaman ang kamay ni Peter na hinawakan ang aking balikat. Napahilamos ako sa aking mukha at muli akong tumingin kay Peter at ngumiti. “I-I’m okay,” nauutal kong sabi at sinusubukan ko pa rin na pakalmahin ang aking sarili ngayon. Nakita ko ang pagkunot sa noo ni Peter habang nagtataka siyang nakatingin sa akin ngayon. Paano sila naging magkapatid?! “Is anything wrong with the pieces of information about the Coleman Family that I brought you?” tanong sa akin ni Peter. Huminga ako ng malalim at seryoso akong napatingin sa kanya. Humakbang ako palapit kay Peter at hinawakan ko siya sa kanyang balikat at muling nagsalita. “Do you remember the guy I want you to find for me?” tanong ko kay Peter. Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha pero agad din siyang tumango. “Yes, Lady Aya. The guy named Alessandro ....” Tumango-tango ako at huminga ng malalim. “That Alessandro I was looking at is Alessandro Niklaus Coleman… Alessandra’s brother.” Unti-unting nanlalaki ang mga mata ni Peter sa gulat ng sabihin ko iyon sa kanya. Mabilis naman akong napatango-tango at tumalikod ako kay Peter at muling napahilamos sa aking mukha dahil sa frustration na aking nararamdaman ngayon. “God! I hate this! Bakit siya pa? Bakit kailangan pa nilang maging magkapatid?!” inis kong sabi. Hindi puwede ‘to…. Hindi ako tutulad sa aking kapatid na si Kuya Alonzo na nahulog sa isang Coleman. Sila ang sumira sa aking pamilya kaya hindi ako makakapayag na mapamahal ako sa isa sa kanila. “Anong gagawin mo ngayon, Lady Aya?” narinig ko na itinanong iyon ni Peter sa akin kaya muli akong humarap sa kanya at tinignan ko siya ng seryoso. “Anong gagawin ko? Kakalimutan ko siya. Hindi ko na ipagpapatuloy itong nararamdaman ko para sa kanya. I will never fall in love with our enemy, Peter. I will stick to the mission,” seryoso kong sabi sa kanya. Napatango-tango naman si Peter at hindi na siya ulit nagsalita pa. Nang makalabas si Peter sa aking kwarto ay natulala rin ako at paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan ang memorya ko kasama si Alessandro sa loob ng bar… sa paghahalikan naming dalawa. I want to have him for me. But when I found out about his family… that he’s Alessandra’s brother and he is Coleman, nanghihina ako bigla. What should I do? Wala pa akong concrete plan para sa pagpapabagsak ko sa mga Coleman at sa paghahanap sa aking Kuya Alonzo. I need to think! Napahawak ako sa aking buhok at may bigla na naman akong naisip. Agad kong kinuha ang aking phone at pumunta ako sa aking social media account at agad ko na hinanap ang pangalan ni Alessandro, kung may account ba siya. Makalipas ang ilang segundo ay agad kong nakita ang kanyang account. Pero ang kanyang profile picture lang ay nakatalikod siya habang nakaharap sa eiffel tower. What a boring man. Wala man lang siyang cover picture sa kanyang account at wala rin siyang anuman na post. May nakita akong tagged post sa kanyang timeline at galing ito sa account ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki na si Alexis. Kuha ito sa Siargao at kasama nila ang kanilang buong pamilya including Alessandro na nakatingin sa camera habang nakangiti. I zoomed in on the picture that was posted by Alexis at tinignan kong maigi ang picture ni Alessandro. Ang bata niya pa rito sa picture, parang college pa siya rito. Bumuntong-hininga ako at napahiga sa aking kama at napatingin sa may kisame. Ito na nga lang ang naisip ko na escape from all of my problems in life, tapos palpak pa. Habang tulala ako ngayon na nakatingin sa may kisame, may naisip ako bigla. What if I use him against his family? Muli akong napabangon at napakagat ako sa aking labi. Ginamit ni Alessandra ang kapatid ko na si Kuya Alonzo against Ate Ludovica. Nahulog si Kuya Alonzo sa bitag ni Alessandra at na-brainwash niya ito at pinagtaksilan kami na pamilya niya. At hinding-hindi ko mapapatawad si Alessandra sa ginawa niya sa Kuya Alonzo ko. Kaya ngayon ay ito ang aking naisip… gagamitin ko rin si Alessandro gamit sa kanyang pamilya—lalo na kay Alessandra na sumira sa aking buhay. Hindi ko namalayan na papangiti na pala ako ngayon. Kinuha ko ang aking phone at tinawagan ko si Peter at agad niya naman itong sinagot. “Pumunta ka rito sa loob ng kwarto ko, Peter. May sasabihin akong importante sayo,” utos ko sa kanya bago ko patayin ang tawag at napatayo na ako at inayos ang aking sarili. Finding out that Alessandro is a Coleman is not a bad idea. Actually, it was good! He can’t resist my beauty—I knew it. He will fall for me, and he can be my minion. Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ang pagkatok sa pintuan ng aking kwarto at bumukas na ito at nakita kong pumasok si Peter. Sinalubong ko rin siya sa kanyang paglalakad at hinawakan ko ang kanyang kamay habang nakangiti sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. Nagtataka na siguro siya sa akin dahil kanina lang ay sobrang lungkot ko at balisa, pero ngayon ay nakangiti na ako sa kanya. “Ano ang importante mong sasabihin sa akin, Lady Aya?” seryosong tanong ni Peter sa akin. Bumuntong-hininga ako bago ko sabihin sa kanya ang aking naging plano. “I will seduce Alessandro, Peter.” “W-What?” gulat niyang tanong ng sabihin ko iyon sa kanya. Muli akong ngumiti at tumango-tango na para bang confident ako sa naging plano ko. Well, confident naman talaga ako dahil alam kong hindi mare-reject ang beauty ko sa isang Alessandro Niklaus Coleman. “I will seduce Alessandro and make him fall for me, Peter. At kapag nangyari ‘yun, mabibilog ko na ang kanyang isipan… kakalabanin na niya ang kanyang kapatid. Gagamitin ko ang nararamdaman ni Alessandro para sa akin para magawa ko ang pinaplano kong pagpapatumba sa Coleman Security Agency,” seryoso kong sabi kay Peter. Napakurap kurap siya sa kanyang mga mata at hindi siya nakapag salita dahil sa gulat. Tumango-tango ako at humalukipkip at tumalikod ako kay Peter at muli akong napangiti. Iniisip ko pa lang ang mga mangyayari ay na e-excite na ako. “Peter,” tawag ko kay Peter. “Yes, Lady Aya?” “I want you to know Alessandro’s schedule. Kailangan ko nang gawin ang mga pinaplano ko. Hindi natin kailangan magsayang ng oras ngayon. We need to double time,” seryoso kong sabi at napatingin ako kay Peter. Tumango naman ito. “Copy, Lady Aya,” wika ni Peter at nagpaalam na itong lumabas sa aking kwarto at naiwan na lang ako mag isa rito. Kailangan ko nang gawin ang plano ko para kay Alessandro… as soon as possible. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD