MISSION: 1
THE FAILED MISSION
EPISODE 1
MOSCOW, RUSSIA
“Aya, remember that Papa is always here for you, okay? I will be back there, and we will be together again with your siblings. Please wait for me, Taisiya.”
Napakagat ako sa aking labi at pinilit ang sarili ko na hindi maiyak. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita upang hindi marinig ni Papa ang malungkot kong boses.
“Yes, Papa. I’ll wait for you—I’m always here waiting for you. I love you so much, Papa,” mahina kong sabi at ipinikit ko ang aking mga mata at kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ay ang pagtulo ng aking luha na kanina ko pa pinipigilan.
“I love you too, Taisiya.”
Nang matapos na kaming mag-usap ni Papa ay doon na ako umiyak ng umiyak. Nasa Italy siya ngayon at nagtatago siya. He’s hiding because some private agencies are hunting him. After all, he’s part of a mafia group. My Papa is a Mafia boss, but he’s a good father. Because of his work, he decided to hide me here in Moscow so that nobody would find me.
They said that I am a curse—my beauty is a curse. My Papa was so scared that someone would get me away from him. Some of his rivals did know about me and saw me. They want me. Kaya simula nang may nagka interesado sa akin ay itinago na ako dito sa Moscow kung saan din ako lumaki.
My dad is an Italian-Russian Mafia Boss. My mom is half Filipino and half Russian. Halo-halo ang dugo ko at ang aking lahi. Pero kahit na dito ako lumaki sa Russia ay fluent akong magsalita ng Filipino dahil ang yaya ko ay isang Pilipino at kasama ko rin si Mama na lumaki dito bago siya namatay.
Tatlo kaming magkakapatid—si Kuya Alonzo, Ate Ludovica, and me. Si Kuya Alonzo at Ate Ludovica ang magkapatid na buo, samantalang ako ay half-sister lang nila. Pero hindi nila pinaramdam sa akin na half-sister lang nila ako. Ramdam na ramdam ko ang kanilang pagmamahal sa akin, lalo na si Ate Ludo na lagi akong dinadalaw dito sa Moscow.
Ang alam ng karamihan ay dalawa lang ang anak ng mafia boss na si Tomaso Luigi Brioschi. Pero hindi nila alam na may tinatago pa pala itong anak at ako iyon. Hindi naman ako nagrereklamo dahil alam ko naman na para ito sa aking kaligtasan. They just want to protect me kaya nila ako tinatago at hindi pinakilala sa pobliko.
“Ate Ludo! Wow… I didn’t expect you to come here today.”
Nagising ako isang umaga na may naghahanap sa akin, na may bisita raw ako. Dali-dali akong bumangon at nag-ayos ng aking sarili upang matingnan kung sino ang tinutukoy na aking bisita.
At nang makababa ako ay agad na bumungad sa akin ang aking kapatid na babae na si Ludovica na may seryosong ekspresyon sa mukha ngayon. Hindi ko mapigilan na kabahan dahil hindi ko gusto ang tingin ni Ludo ngayon… parang may nangyaring masama.
“What happened, Ludo? Bakit ganyan ang tingin mo sa akin? May nagawa ba akong kasalanan?” sunod-sunod ko na tanong sa aking kapatid.
Huminga siya ng malalim at humakbang palapit sa akin. Bahagya akong nagtaka ng hawakan niya ang magkabila kong kamay at tinitigan ako sa aking mga mata.
“Ludovica, Smettila di farlo, mi stai innervosendo,” kinakabahan kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Bahagyang yumuko si Ludovica hanggang sa narinig ko na ang kanyang paghagulgol kaya mas lalo akong kinabahan.
“Ate—”
“W-Wala na si Papa… patay na si Papa, Aya,” wika ni Ludovica na aking ikinagulat.
Nanlaki ang aking mga mata at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. Atomatiko rin na nag landasan ang aking mga luha at napaghagulgol ako. Niyakap ako ni Ludovica at pareho na kaming umiiyak ngayon.
“H-Hindi… hindi totoo ‘yan!” umiiling kong sabi at kumalas sa yakap ni Ludo at tinignan siya ng matalim.
“You’re lying!” galit kong sigaw sa kanya.
Patuloy si Ludovica sa kanyang pag-iyak habang nakatingin sa akin. My sister is a strong woman. She will never cry infront of anyone. Kaya ngayon na umiiyak siya sa aking harapan ay ang nagpapatunay na totoo ang kanyang sinabi.
Tuluyan na akong nanghina at napaupo sa may sahig at napahagulgol sa pag-iyak.
“P-Papa…. Papa! No!” napasigaw ako sa sobrang sakit na aking nararamdaman.
Magkikita pa kaming dalawa eh. Pupuntahan niya pa ako dito at sabay naming ipagdiwang ang aking birthday sa susunod na buwan. Hindi siya pwedeng mamatay—he’s not died!
Lumapit sa akin si Ludovica at naramdaman ko ang kanyang pagyakap sa akin. Labis na akong nanghihina ngayon kaya hinayaan ko ang aking kapatid na yakapin niya ako.
“Na corner nila si Papa sa Germany. Walang kaalam-alam sila Papa na nandoon na rin pala ang Coleman Security Agency. Pinatay ni Alessandra Marie Coleman ang Papa natin, Taisiya. She’s responsible for the death of our father,” seryosong sabi ni Ludovica sa akin.
Kumalma na ako ngayon at nakaupo ako sa isang couch na kaharap ni Ludo. Sinabi na rin sa akin ng aking kapatid kung paano namatay si Papa at sa paanong paraan.
Alessandra Marie Coleman…. ‘yan ang pangalan ng babaeng pumatay sa aking Papa.
“Alam na ba ni Kuya Alonzo ang nangyari?” tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang galit sa kanyang mukha ng mabanggit ko ang pangalan ni Kuya. Bumuntong-hininga si Ate Ludo bago niya sagutin ang aking tanong.
“He didn’t answer my calls. Pero tinext ko na siya at pinaalam kung ano ang nangyari kay Dad,” sabi ni Ate.
Napatango naman ako at napatulala.
“F-ck!”
Muli akong napatingin kay Ate Ludovica nang marinig ko siyang magmura ng malutong. Napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay at napatulala na para bamg may malalim na iniisip.
“What’s the matter, Ate Ludo?” I asked her.
Napatingin siya sa akin. “The organization is now f-cked up, Taisiya. Nagkakagulo na ang lahat dahil sa pagkamatay ni Papa! Siguradong-sigurado ako na nakarating na sa mga kalaban natin ang nangyari kay Dad. They will think na pwede na nilang pabagsakin ang Brioschi Mafia.”
Napaisip ako sa sinabi ni Ate Ludovica. Wala akong masyadong alam sa Brioschi Mafia, pero ang alam ko ay si Papa ang leader nito at marami siyang kalaban. Ang alam ko ay si Kuya Alonzo ay dapat na magmamana sa mafia na pinamumunuan ni Papa, pero umayaw si Kuya at mas piniling manirahan sa Pilipinas at gamitin ang pangalang Alonzo Altimari.
“Ano ang gagawin natin, Ate?” tanong ko sa kanya.
Seryoso akong tinignan ni Ate Ludovica.
“I will take care of the Brioschi Mafia for the meantime. Hindi pwedeng bumagsak na lang ang pinaghirapan ng pamilya natin, Taisiya. Wala tayong mapapala kay Kuya Alonzo kaya tayo muna ang magtutulungan,” seryosong sabi ni Ate.
Napalunok ako sa aking laway.
“What about revenge? Ano ang gagawin natin sa mga Coleman?” tanong ko sa kanya.
Alam ko na mali ang paghihiganti… iyon ang laging sinasabi ni Mama sa akin noong buhay pa siya. Pero iba na ang usapan ngayon. Pinatay nila si Papa. Pinatay nila ang Papa ko! Kailangan kong makapaghiganti at humingi ng hustisya.
“Ako na ang bahala, Taisiya. Hindi ko hahayaan na mabubuhay ng mapayapa ang Alessandra na ‘yun at pababagsakin ko rin ang Coleman Security Agency,” sabi ni Ate.
Kumunot naman ang aking noo at muling magsalita.
“Then, ano ang gagawin ko? I want to help, ate!”
Tumayo siya at huminga ng malalim bago muli akong tinignan.
“You stay here, Taisiya. Ayokong mapahamak ka. Ang gawin mo ay manatiling ligtas sa lugar na ito,” seryoso niyang sabi.
Napailing-iling naman ako at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
“Ludovica, hindi na ako bata! I can take care of myself. Please… please, let me help you! I want to make my revenge too,” sabi ko sa kanya at hindi ko na ulit mapigilan na maging emosyonal.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking balikat.
“Ang pagiging ligtas mo ay malaking tulong na sa paghihiganti natin, Taisiya. Darating ang panahon na ikaw ang magtutuloy sa pinaplano natin. Kaya sa ngayon, magtago ka muna at ako muna ang lalaban. Maliwanag ba?”
Gusto kong magpumilit pero alam ko naman na hindi ako mananalo. Bumuntong-hininga ako at walang magawa kundi ang tumango.
Ngumiti si Ate Ludovica sa akin at muli akong niyakap.
“I will make this mission successful, Taisiya.”
Huminga ako ng malalim at tumango.
And I will wait for the moment that this mission will fail… because I will take over it.
I will continue the revenge mission for the Coleman family, especially for Alessandra Marie Coleman, who killed my Papa.
TO BE CONTINUED...