MISSION: 5

1233 Words
THE FAILED MISSION EPISODE 5 DAMN! Sobrang sakit ng aking ulo ngayon. I can’t take this anymore. Sobrang sakit talaga. “Peter!” tawag ko sa aking private assistant. He’s always around kaya alam ko na maririnig niya ang aking tawag habang nandito ako sa loob ng aking kwarto. Huminga ako ng malalim habang nakahawak sa aking ulo at muli akong sumigaw ng malakas. “PETER!” I shouted, calling his name. Narinig ko ang pagbubukas ng pintuan ng aking kwarto at kilala ko na kung sino ang pumasok sa loob. “Yes, Lady Aya?” narinig kong sabi ni Peter. Napahilot ako sa aking ulo habang nakapikit pa rin sa aking mga mata. “Peter, can you give me my meds? Sobrang sakit ng ulo ko! f*****g hangover!” inis kong sabi. “Okay, Lady Aya,” wika ni Peter at lumabas na siya sa aking kwarto upang kunin ang mga inutos ko sa kanya. Iminulat ko na rin ang aking mga mata at napatingin ako sa kisame ng aking kwarto ngayon. Napakagat ako sa aking labi at muli kong naalala ang nangyari kagabi sa may bar. Nag volunteer ako na gawin iyong bodyshot. Someone also volunteered to do it with me and he’s so hot. Ano nga ulit ang pangalan ng lalaking ‘yun? Alexander? Oh! Alessandro! Alessandro… What a hot name for a guy. I kissed his lips. Hindi ko alam kung anong tumakbo sa utak ko at agad ko na lang siyang sinunggaban ng halik sa kanyang labi. Akala ko ay sisigawan niya ako kagabi at ipapahiya, pero hindi… he kissed me back! Alessandro kissed me back. Akala ko ay iyon na ang simula, pero hindi pala… biglang tumunog ang phone ni Alessandro at nagpaalam muna siyang sagutin ito hanggang sa hindi na talaga siya bumalik. I waited for him for many minutes, but he never returned. Siguro ay girlfriend niya ang tumawag sa kanya kagabi, o hindi naman ay baka asawa niya. Baka may asawa na siya. It’s impossible for him to be single because he’s so hot and fine. All girls will be drooled while looking at his perfect face and body. Isa na ako sa mga babaeng nahumaling talaga sa kanya. Kahit na kagabi ko lang siya nakilala ay hindi pa rin siya mawala sa isipan ko. Sobrang clear ng kanyang mukha sa aking isipan. I want to see him again. I badly want to see him again. Napakurap kurap ako sa aking mga mata ng marinig ko ang pagbubukas ng pinto ng aking kwarto. Nakita ko naman si Peter na may dala ng tray ngayon na may laman na mga gamot, tubig, at may dala rin siya na bowl na may laman na sopas. “Lady Aya, here’s your medicine for a hangover. I also brought you a soup,” wika ni Peter at inilapag na niya ito sa may table. Inilapit niya naman ang table sa aking higaan para hindi ko na kailangan pang bumangon pa. Umupo ako rito sa aking kama at inayos ko muna ang aking buhok at ang aking sarili bago humarap sa may table. “Thank you so much, Peter,” sabi ko at nginitian siya. Tumango naman siya at tinulungan niya ako sa pagbubukas sa aking mga gamot. Agad ko naman itong ininom upang mawala na ang sakit sa aking ulo na aking nararamdaman ngayon. “Thank you pala sa pagsundo mo sa akin kagabi, Peter. Sabi ko naman sayo eh, mag e-enjoy lang ako kagabi,” sabi ko sa kanya at muli kong siyang nginitian. Nag-aalala kasi talaga siya sa safetiness ko dahil baka raw ay may mangyaring masama sa akin. Pagkatapos ng bodyshot na nangyari sa akin at kay Alessandro, nawalan na ako ng gana para magsaya dahil hindi na ulit siya bumalik. Nakaubos pa ako ng isang bote ng alak bago ko tinawagan si Peter upang magpasundo na sa kanya. Nang makauwi ako rito sa villa ay pagod akong napahiga sa aking kama at mabilis akong dinalaw ng aking antok. Pero hindi pa rin talaga ako nakatakas sa hangover. “I was just worried about you, Lady Aya,” seryosong sabi ni Peter. Muli akong napatingin kay Peter at nginitian ko siya. He’s been there since I was a kid. Para ko na rin siyang Tatay. He’s a family to me. “Thank you so much, Peter. Alam ko naman ‘yun. Hindi ko naman ipapahamak ang sarili ko eh. Ayokong mag-alala ka,” nakangiti kong sabi sa kanya at kinindatan siya. Nakita ko ang pagngiti ni Peter ng dahil sa aking sinabi. Humigop na muna ako ng sopas na dinala ni Peter ngayon dahil nakaramdam na rin ako ng pagkagutom. Nag focus na muna ako sa aking pagkain ngayon at paghigop ng sopas. Nandito pa rin sa loob ng aking kwarto si Peter at binabantayan ako sa aking pagkain. Pagkatapos kong maubos ang pagkain na dinala ni Peter ay napainom na ako ng tubig at huminga ako ng malalim. Muli naman akong napatingin kay Peter at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin. Naisip ko naman na magtanong sa kanya ngayon. “Peter, kaya mo naman na maghanap ng impormasyon ng isang tao, diba?” tanong ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. “What do you mean, Lady Aya? Like investigating?” he asked me. Mabilis naman akong napatango. “Yes, Peter. May ipapa-imbestiga sana ako sayo… ipapahanap,” seryoso kong sabi sa kanya. Bahagyang napataas ang kanyang kilay sa aking sinabi. “May I know kung sino ang gusto mong ipahanap sa akin, Lady Aya?” muling tanong ni Peter sa akin. Huminga naman ako ng malalim. Paano ko ba sasabihin kay Peter ngayon? Muli akong napatingin sa kanya at sinagot ang kanyang tanong. “I’m looking for my future husband, Peter. He’s name is Alessandro, pero iyon lang ang alam ko sa kanya!” sabi ko sa kanya at muli akong napahawak sa aking ulo ng makaramdam ako ng kirot. Nang mapatingin ako kay Peter ay nakita ko ang gulat na reaksyon sa kanyang mukha ngayon habang nakatingin pa rin sa akin. “Wait… Lady Aya, are you still drunk right now?” Pinanlakihan ko ng aking mga mata si Peter. “Of course not! Hindi na ako lasing, Peter. Nasa tamang wisyo na ako, okay? I’m f*****g serious right now,” sabi ko sa kanya. Napatango-tango naman si Peter. “Wala ka na bang ibang impormasyon sa lalaking nagngangalan na Alessandro?” Napaisip naman ako sa naging tanong ni Peter sa akin. “Nakita ko siya sa bar kagabi, Peter. He’s tall—I think he’s six feet tall. He looks like an Italian man, o baka may dugong Italian lang siya. Mataas ang ilong, may balbas, gwapo—basta he’s perfect!” sabi ko kay Peter. Nang mapatingin ako kay Peter ay nakita ko siyang umiiling-iling na nakatingin sa akin. “What? You said you want more information about him! Kaya nga gusto ko siyang ipahanap sayo dahil pangalan niya lang ang alam ko eh,” insi kong sabi sa kanya. Bumuntong-hininga si Peter at tumango siya. “Okay, Lady Aya. I will find that mysterious man named Alessandro.” Napangiti naman ako sa sinabi ni Peter at nagpapasalamat ako sa kanya. I need distractions from all my problems, and Alessandro will be a big help to me, so I will find him no matter what happens. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD