THE FAILED MISSION
EPISODE 3
“Lady Aya, kailangan nyo po munang magpahinga sa training. Kanina pa po kayo hindi kumakain at nagpapahinga.”
Natigil ako sa aking pag eensayo sa karate at napatingin sa aking personal assistant at bodyguard na si Peter. Si Peter ay mas matanda sa akin at parang kasing edad na rin siya ng aking Papa. Miyembro rin si Peter sa Brioschi Mafia at isa siya sa pinagkakatiwalaan ng aming pamilya at loyal siya sa pamilya namin lalo na kay Papa. Isa siyang Pilipino kagaya ko pero mas manatili niyang manirahan dito sa Moscow at pagsilbihan ang aking pamilya kaysa bumalik doon sa Pilipinas.
“Peter, alam mo naman na kailangan ko pang doblehin ang aking pag ensayo para makatulong ako sa aking mga kapatid,” seryoso kong sabi habang nagpupunas sa aking sa katawan ng dahil sa aking pag eensayo.
Nakita ko ang pag buntong-hininga ni Peter at tinignan niya ako ng seryoso.
“Naintindihan ko kung bakit determinado ka masyadong matuto sa mga bagay-bagay, Lady Aya. pero ‘wag mo rin sanang pabayaan ang iyong sarili. Mas maganda kung healthy ka rin at hindi mo pinapabayaan ang iyong sarili, mas makakatulong ito sa ninanais mo na paghihiganti sa iyong ama,” seryosong sabi ni Peter.
Muli ko na namang naalala ang mga Coleman at ang ginawa nila sa aking Papa.
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa aking mga kapatid na nasa Pilipinas. Ang huli kong balita galing kay Ate Ludovica ay magkasama na silang dalawa ni Kuya Alonzo at kasalukuyan nilang hawak sa kanilang poder si Alessandra Marie Coleman. Sa ngayon ay naghihintay pa rin ako sa tawag ni Ate Ludo. Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi niya ito sinasagot. Kinakabahan na ako kung ano ang nangyari sa aking dalawang kapatid ngayon.
Okay lang kaya sila doon?
Hindi kaya sila nabisto?
“Sa tingin mo, Peter, magtatagumpay kaya si Ate Ludo at si Kuya Alonzo sa kanilang ginagawa ngayon na pagpapabagsak sa mga Coleman?” tanong ko kay Peter at seryoso akong napatingin sa kanya.
Bahagyang ngumiti sa akin si Peter at nagsalita siya.
“As long as you have the trust of your siblings, it will not fail, Lady Aya,” wika ni Peter at ngumiti siya sa akin.
Bumuntong-hininga naman ako at napatango.
“I trust them, Peter. Alam ko na bibigyan nila ng hustisya ang pagkamatay ni Papa,” seryoso kong sabi at ngumiti.
KAGAYA ng ginagawa ko noon ay naghihintay ako sa update ni Ate Ludovica at ni Kuya Alonzo kung ano na ang nangyayari doon sa Pilipinas. Makalipas ang ilang araw na paghihintay, tumunog na ang aking phone at nakita ko na si Ate Ludovica na ang tumatawag sa akin kaya agad ko na sinagot ang kanyang tawag sa sobrang tuwa.
“Finalmente, Ate Ludovica! Ilang araw na akong naghihintay sa tawag mo. Kumusta na kayo diyan ni Kuya Alonzo? Napatay niyo na ba si Alessandra? Napabagsak niyo na ba ang mga Coleman? Tell me, Ate!” nasasabik kong tanong sa aking kapatid ngayon habang kausap ko siya sa phone.
Narinig ko ang pag buntong-hininga niya sa kabilang linya kaya napakunot na ang aking noo at nakaramdam ng konting kaba.
“What is it, Ate Ludo?” seryoso kong tanong sa kanya.
“Nothing, Belle. Gusto ko lang sabihin sa iyo na pwede ka nang umuwi dito sa Pilipinas. Pinapayagan na kitang pumunta dito.”
Nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko mula sa aking kapatid. Napatayo ako at napatakip sa aking bibig at nararamdaman ko rin ang pagtulo ng aking luha. Tears of joy!
“Oh my Gosh! Hindi ba ako nagkakamali ng pandinig, Ludovica? Papayagan mo na talaga ako na umuwi diyan?” muli kong tanong sa kanya.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.
“Sì, naturalmente, Belle. Alam ko na bored ka na riyan sa Moscow kaya napag-isipan ko na payagan ka na makapunta dito sa Pilipinas,” sabi ni Ate Ludovica sa kabilang linya.
Napapunas ako sa aking mga luha at muling napangiti dahil sa sobrang tuwa.
“Thank you, Ate Ludovica! Alam ba ni Kuya Alonzo na uuwi ako? Kasama rin ba siya sa nag desisyon na pwede na akong umuwi riyan at makasama ko kayo?”
Hindi kaagad nakasagot si Ate Ludovica sa kabilang linya kaya bahagya akong nagtaka.
“Alonzo is still busy, Belle. He’s not here with me, pero magkikita rin kayo kapag nakauwi ka na rito. Pack your things now. Tatawagan ko si Peter at sasama siya sa pag-uwi mo dito sa Pilipinas para naman ay may bantay ka at mapanatag ako,” wika ni Ate Ludo sa kabilang linya.
Napatango naman ako kahit hindi niya ako nakikita.
“Okay, Ate Ludovica. Grazie mille! Ogromnoye spasibo!” masaya kong sabi sa aking kapatid.
Nang matapos na kaming mag-usap ni Ate Ludovica sa phone, agad din akong pumunta sa aking kwarto at nagsimula na akong mag empake dahil uuwi na ako ng Pilipinas. Makakasama ko na rin si Ate Ludovica… at makikita ko na ulit ang aking nag iisang kapatid na lalaki na si Kuya Alonzo!
Ilang taon na kaming hindi nagkikitang dalawa at miss na miss ko na siya.
ANG pinakahihintay ko… ang pagbabalik ko sa Pilipinas. Bata pa lang ako nang huli akong makadalaw dito sa Pilipinas at buhay pa si Mama nun. Ngayon ay nandito na ako at makikita ko na rin si Kuya Alonzo.
“Ate Ludovica!” napatili ako at patakbong lumapit sa kanya ng makita ko kaagad siya pagpasok ko sa loob ng bahay na pinagdalhan sa akin.
Niyakap ako pabalik ni Ate at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.
“Our Belle… finally you’re here! I missed you, sister,” nakangiting sabi ni Ate Ludovica at hinaplos niya ang aking pisngi.
Ngumiti ulit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.
“I missed you too, Ate! So, where’s Kuya Alonzo?” excited ko na tanong at napatingin din ako sa paligid… pero wala akong nakitang Kuya Alonzo.
Nawala ang ngiti sa labi ni Ate Ludo at seryoso na ang ekspresyon sa kanyang mukha ngayon.
“He’s still on a mission, Belle. But don’t worry, uuwi rin siya. Susunduin ko siya at dadalhin ko siya rito sayo, okay?” sabi ni Ate at bahagya siyang ngumiti sa akin.
Tumango naman ako at muli ko siyang niyakap.
Nagpaalam na muna sa akin si Ate Ludovica na may importante siyang pupuntahan. Sobrang busy niya kaya kahit nasa iisang bubong kami ay minsan lang kami nag-uusap dalawa. Pinayagan na muna ako ni Ate na magbakasyon kaya pumunta ako sa Boracay at tinake advantage ko ito upang makapag pahinga at makapag libot-libot. Syempre kasama ko pa rin si Peter upang bantayan niya ako. Hindi naman ako nasasakal na may kasama ako na mga bodyguards kasi hindi naman sila nagpapahalata na bantay ko sila.
NANG matapos ang aking bakasyon ay muli na akong bumalik doon sa bahay kung saan ako nag sa-stay kasama si Ate Ludovica. Ang sabi niya sa akin sa text ay uuwi na siya at kasama niya sa kanyang pag uwi si Kuya Alonzo kaya sobrang excited ko na ngayon.
“Kuya Alonzo!” napatili ako nang makita ko siya ng pababa ako sa hagdan.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ako.
“B-Belle…”
Niyakap niya ako at hindi ko rin mapigilan na napaiyak sa sobrang tuwa. Ang tagal na naming hindi nagkita ni Kuya at ngayon ay nagkita na rin kami sa wakas!
“I missed you so much, Kuya Alonzo.”
“I missed you too, My Belle.”
Hinawakan ni Kuya Alonzo ang magkabila kong pisngi at tinignan niya ang aking buong mukha habang nakangiti. Alam ko na maraming pinagbago sa akin lalo na’t bata pa ako noong huli kaming nagkita sa personal.
“Magkasama na rin tayo sa wakas,” wika ni Kuya at muli niya akong niyakap.
Akala ko ay magiging masaya na ako… magiging masaya na ako na kasama ko si Kuya Alonzo at si Ate Ludovica at kumpleto na rin kami sa wakas, pero nagkamali pala ako.
Narinig ko ang pag-uusap ni Ate Ludovica at ni Kuya Alonzo at nalaman ko ang pinanggagawa ni Kuya Alonzo… kung ano talaga ang pinagkakaabalahan niya.
“You always protect her because you love her, Alonzo. You don’t want to choose between her and your sisters because you love us. Pero hindi pwede na pareho mo kaming mahalin, Alonzo. You choose your priority. If you want me to stop my vengeance plan on Alessandra, leave her and come with Belle and me. We need you, Alonzo. Your family needs you!” narinig ko na sabi ni Ate Ludovica habang kausap niya si Kuya Alonzo.
May nararamdaman si Kuya Alonzo sa babaeng pumatay sa ama namin. Hindi ako makapaniwala sa mga aking nalaman. Nasasaktan ako… nasaktan ako dahil hindi man lang kami kayang piliin ni Kuya Alonzo.
Dapat kami ang kanyang piliin dahil kadugo niya kami ni Ate Ludovica! Pero hindi… hindi niya magawa ‘yun.
Hindi ko ito matatanggap.
Ayokong itigil namin itong nasimulan namin. Hindi ito masisira ni Kuya Alonzo.
Kung papayag man si Ate Ludovica na itigil ang paghihiganti, pwes ako ay hindi.
TO BE CONTINUED...