MISSION: 2

1070 Words
THE FAILED MISSION EPISODE 2 “BELLE, are you okay? I’m sorry I was not there with you.” Tuluyan na akong naiyak ng marinig ko ang boses ng aking kapatid na si Alonzo. Matagal na kaming hindi nagkikitang dalawa at miss na miss ko na talaga siya. Alam ko naman na may trabaho siya sa Pilipinas—na may buhay siya doon at mas pinili niyang mamuhay ng payapa, hindi kagaya ng buhay namin ni Ludovica ngayon. “K-Kuya, I miss you so much! Please… please, I badly need you here,” umiiyak kong sabi habang kausap ko siya sa phone. Nanghihina ako ngayon at nasasaktan dahil nalaman ko kay Ate Ludovica na kahit ang katawan ni Papa ay nasa mga Coleman na rin. Hindi ko man lang makita si Papa kahit na patay na ito. I want to hug him. I want to give him the burial that he deserves! Kahit ang katawan ni Papa ay pinagkait nila sa amin. Hinding-hindi ko sila mapapatawad. “Belle, I’m so sorry. Hindi kita mapupuntahan dyan—” “Stop calling me Belle kung wala ka namang pakialam sa akin! I thought I’m important to you, Kuya?!” hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapataas sa aking boses. I need him right now. Pero hindi niya man lang ako mapuntahan dito? Buti pa si Ate Ludovica… hindi niya ako pinapabayaan. “Belle, please, this is for your own safety.” Sarkastiko akong natawa sa sinabi ni Kuya Alonzo sa akin sa kabilang linya. “My own safety? Oh, cut that bullshit, Kuya Alonzo!” “Belle!” “What?! Kung nag-aalala ka talaga sa safety ko ay pupuntahan mo ako dito sa Moscow. Pero anong ginawa mo? Ang manatili diyan sa Pilipinas! I hate you!” galit kong sabi at agad kong pinatay ang tawagan namin ni Kuya Alonzo at in-off ko na rin ang phone ko upang hindi siya makatawag sa akin pabalik. Bumukas ang pinto ng aking kwarto at nakita ko si Ate Ludovica na pumasok sa loob. Napaiyak na ako sa sakit na aking nararamdaman at patakbo akong lumapit kay Ate Ludo at niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako pabalik at hinagod niya ang aking likod. “I hate him, Ate Ludo. I’m not important to him. Hindi niya ako sobrang mahal para puntahan niya ako rito,” mahina kong sabi habang tuloy-tuloy sa aking pag iyak. Hinalikan niya ang ang tuktok sa aking ulo at pinunasan niya ang aking mga luhang nakakalat na sa aking mukha ngayon. She smiled at me. “I’m still here with you, Aya. Hindi kita iiwan at maghihiganti tayo sa nangyari kay Papa, okay? Hindi kita pababayaan,” wika ni Ate Ludovica at muli niya akong niyakap. Tumago naman ako at ipinikit ko ang aking mga mata. Si Ate Ludovica na lang talaga ang aking kakampi rito at wala nang iba. “Sto venendo con te! Hindi mo ako pwedeng iwan dito, Ate Ludovica! Hindi ako makakapayag.” Natigil si Ate Ludovica sa kanyang pag iimpake sa kanyang mga gamit at humarap siya sa akin habang may seryosong ekspresyon sa mukha. “Sasama ako sayo sa Pilipinas, Ate Ludo,” seryoso kong sabi sa kanya. Napahawak siya sa kanyang noo at bumuntong-hininga bago siya naglalakad palapit sa akin at hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinignan niya ako sa aking mga mata. Pupunta siya sa Pilipinas ngayon para tulungan si Kuya Alonzo sa kanilang revenge plan para sa mga Coleman. Nandoon na si Kuya Alonzo at kasalukuyan siyang kumukuha ng mga impormasyon kay Alessandra Marie Coleman. Hindi kayang mag isa ni Kuya doon kaya tutulungan siya ni Ate Ludovica na siyang may plano sa lahat. Ngayon ay nagmamakaawa ako sa aking kapatid na sasama ako sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas. Hindi na ako bata… marami akong maitutulong sa kanilang pinaplano. “Vasilisa Taisaya, just this once, kailangan mo munang sumunod sa amin ni Alonzo. Nangako ako kay Alonzo na hindi kita pababayaan. Ayoko na mapahamak ka dito sa pinaplano namin ni Kuya. You need to stay here in Moscow and stay safe no matter what happens,” seryosong sabi ni Ate Ludo habang nakatingin siya sa aking mga mata. Huminga ako ng malalim at muli akong naiyak. “Pero maiiwan ako na mag isa dito, Ate…. ayoko na malayo sa inyo—ayokong malayo sayo,” mahina kong sabi. Malungkot siyang ngumiti at hinaplos niya ang aking pisngi at hinalikan ang aking noo. “Kapag naging maayos na ang lahat at nasa atin na ang kontrol ng mga pangyayari ay kukunin kita rito, okay? Sa ngayon ay kailangan mo munang maiwan dito, Aya,” sambit ni Ate. Wala akong magawa kundi ang tumango at sumunod sa kanyang utos at sa kagustuhan ni Kuya Alonzo. Hindi ko pa rin nakakausap ulit si Kuya Alonzo dahil nahihiya ako sa kanya at hindi ko alam kung paano mag sorry. Ang sabi naman ni Ate Ludovica ay okay lang si Kuya at nag aalala pa rin ito sa akin at nagtatanong tungkol sa aking kalagayan. Sa ngayon ay makikinig na muna ako sa sasabihin ng aking mga kapatid dahil kahit na matanda na ako ay mas may alam sila sa mundong ginagalawan namin ngayon. Ayoko naman na magkaroon sila ng ibang problema nang dahil sa akin. Gusto ko na magawa nila ang revenge plan para sa aming Papa. Mabibigyan din namin ng hustisya ang pagkamatay sa aking pinakamamahal na Papa. Mapapabagsak din namin ang mga Coleman. Mawawala rin ang Coleman Security Agency. Iiyak nang dugo si Alessandra Marie Coleman. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pagpatay sa pinakamamahal ko na Papa. Habang hindi namin nakakamit ang hustisya ay hindi rin mawawala ang galit ko sa mga Coleman—habambuhay na ang galit ko sa pamilya nila. Kung bibigyan man ako ng pagkakataon ng aking dalawang kapatid… Ako ang mismong papatay kay Alessandra Marie Coleman… at isamama ko rin ang kanyang mga kapatid at ang kanyang mga magulang—ang buong angkan ng mga Coleman ay papatayin ko. Hindi man ako kasing galing sa aking Ate Ludovica at Kuya Alonzo, kaya ko namang gawin ang ginagawa nila. Kahit maiiwan ako dito sa Moscow ay mag eensayo ako. Ihahanda ko ang aking sarili. Ihahanda ko ang aking sarili sa mga posibleng mangyari sa hinaharap. If my siblings cannot finish the mission, I will continue and promise it will never fail. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD