MISSION: 4

2186 Words
THE FAILED MISSION EPISODE 4 KUYA Alonzo betrayed us. Mas pinili niya si Alessandra kaysa sa amin ni Ate Ludovica. My Ate was so mad to the point na gusto na niyang saktan ang kanyang sarili. Buti na lang at nakita ko kaagad siya kaya napigilan ko ito sa kanyang gagawin sa sarili. “Ate, you still have me. Hindi ka nag-iisa, okay? Itutuloy natin ‘to. Kung ayaw na ni Kuya, pwes ako ay gusto pa! We can still accomplish this mission. We can still have the justice for what happened to our family,” sabi ko sa aking kapatid habang pinapatahan ko siya sa kanyang pag-iyak. Pinunasan ni Ate Ludovica ang kanyang luha at tumingin siya sa akin. “Belle, hindi pa rin ako makapaniwala na kayang gawin ‘yun ni Alonzo sa atin. We’re his sisters! Pero mas pinili niya pa rin ang babaeng pumatay sa Papa natin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad!” galit na sabi ni Ate Ludovica. Niyakap ko siya at hinagod ang kanyang likod. Even me… galit din ako kay Kuya Alonzo. Akala ko ba ay mahal niya kami? Pero pinabayaan niya kami. Mas pinili niya ang kalaban namin kaysa sa amin na kadugo niya. Kahit anong gawin niya ay hindi niya pa rin kami mapipigilan. “B-Baka maka-realize rin si Kuya na mali ang ginawa niya Ate Ludo. Baka magbago pa ang isipan ni Kuya Alonzo at babalik siya sa atin,” sabi ko sa kanya. Kahit na nakakaramdam na ako ng matinding galit sa aking kapatid na lalaki ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na bumalik siya sa amin ni Ate Ludovica. Umaasa pa rin ako na hindi kami iiwan ni Kuya Alonzo rito. Mahal niya kami diba? Dapat hindi niya kami kayang saktan ng ganito. “Gaganti ako sa kanilang dalawa….” Muli akong napatingin kay Ate Ludovica nang magsalita siya. Matalim na ang kanyang tingin ngayon at para siyang handa nang pumatay ng tao. Hindi ko maiwasan na kabahan at mag-alala para sa aking kapatid. Hinawakan ko ang balikat ni Ate Ludovica pero bigla na lang siyang tomayo at humarap siya sa akin habang may seryosong ekspresyon sa mukha. “Belle, I want you to stay here at our villa. Makakasama mo rito si Peter at hindi ka pwedeng lumabas at pumunta kahit saan.” Napakunot ang aking noo at nagtataka sa sinabi ng aking kapatid ngayon. “W-Why? Saan ka pupunta? Ate Ludo, may binabalak ka ba?” “May pupuntahan lang ako, Belle. May tatapusin lang din ako,” malamig na sabi ni Ate Ludovica at tumalikod na siya sa akin. Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo sa couch at sinundan ko siya sa aking paglalakad. “Ate, please, sabihin mo sa akin na wala kang binabalak na masama ngayon,” kinakabahan kong tanong sa aking kapatid. Natigil siya sa kanyang paglalakad at humarap siya sa akin. Natigil na rin ako sa aking paglalakad at napatingin ako kay Ate Ludo. “No more questions, Vasilisa! Sundin mo na lang ang sinasabi ko para hindi ka mapahamak!” galit na sabi ni Ate Ludovica at muli siyang nagpatuloy sa kanyang paglalakad at tuluyan na niya akong iniwan. Huminga ako ng malalim at napahawak ako sa aking noo at bahagyang napapikit sa aking mga mata. Bakit ba ‘to nangyayari sa buhay ko? All my life I was hidden because my father was afraid that someone would see me and kidnap me. I am the hidden daughter of Tomaso Brioschi… ang Brioschi na parang walang papel sa mundo. Kailan pa kaya ako makakaramdam ng saya? Iyon sanang walang iniisip na ibang problema. “Peter, hindi pa rin ba tumatawag sayo si Ate Ludo?” Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang umalis ang aking kapatid. I asked her kung saan siya pupunta, pero hindi niya sinagot ang aking tanong. Hindi ko na rin ma-contact ang kanyang cell phone number at wala na talaga akong balita sa kanya. Humahanap din ako ng balita tungkol kay Kuya Alonzo pero wala rin… wala akong mahanap. Ang huli kong alam ay tumakas siya kasama ni Alessandra Coleman. “I’m sorry Lady Aya pero pati ako ay walang alam kung nasaan ngayon ang inyong kapatid,” sagot ni Peter sa aking katanungan. Napa buntong-hininga ako at napahilamos sa aking mukha gamit ang aking kamay. Sobrang bored ko na rito sa villa. Gusto ko munang mag enjoy… mag lasing—pumunta sa bar! Tumingin ako kay Peter at nakatayo lang siya sa aking tabi ngayon na para kong bodyguard. Tinaasan niya ako ng kanyang kilay na para bang sinasabi na ano ang aking kailangan. Ngumiti naman ako sa kanya bago ako magsalita. “Peter, pwede mo ba akong payagan na pumunta sa bar?” tanong ko sa kanya. “No,” mabilis niyang sagot. Napasimangot ako. “Sige na! Sobrang bored ko na talaga rito sa villa, Peter. Wala namang nakakakilala sa akin eh. I’ll be fine! Uuwi ako ng kumpleto at walang galos. Hindi kita ipapahamak kay Ate Ludo,” sabi ko sa kanya at itinaas ko ang aking kamay at nag-sign ng promise sa kanya. Matagal na kaming magkasama ni Peter at alam ko na para na rin niya akong anak kaya importante ako sa kanya at sobrang protective niya sa akin. Pero malaki na ako at nasa Pilipinas din kami. Walang makakakilala sa akin kung sino talaga ako. Tumayo ako at lumapit ako kay Peter. Hinawakan ko ang kanyang kamay at tinignan siya sa kanyang mga mata. “Peter, please, payagan mo na ako. Hindi naman ako magpapasaway eh. Magsasaya lang ako,” sabi ko sa kanya. Bumuntong-hininga si Peter at wala siyang magawa kundi ang payagan ako sa aking gusto. Tumango siya bilang pagpayag sa aking gusto na umalis. Sa sobrang saya ko ay nayakap ko siya. “Thank you, Peter! I swear to you, hindi kita ipapahamak!” masaya kong sabi sa kanya. “Just be careful and responsible to your actions, Lady Aya,” seryosong sabi ni Peter sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. “I will, Peter! Thank you so much!” sabi ko at bumalik na ako sa aking kwarto upang makapagpalit ako ng damit. Nagpalit na ako ng aking damit para makapunta ako sa bar. Nag-search na muna ako ng popular bar na malapit lang dito sa villa namin at tinignan ko muna ang mga feedbacks kung okay lang. Nang tuluyan na akong makapili ay napagpasyahan ko nang umalis ngayon. Pagkalabas ko sa aking kwarto ay agad kong nakita si Peter na naghihintay sa akin. Napataas ang kanyang kilay ng makita niya kung ano ang aking suot ngayon. Tinaasan ko naman siya ng aking kilay. “What’s wrong? Pupunta ako sa bar, Peter!” sabi ko sa kanya. “Lady Aya, masyadong maikli ang suot mo. Baka mabastos ka sa pupuntahan mo na bar. Gusto mo bang samahan na kita—” “Oh, God! No please, Peter. Kaya kong ipagtanggol ang aking sarili, okay?” sabi ko sa kanya. Lumapit ako kay Peter at niyakap ko siya at nginitian. “I’ll be fine, okay? You don’t need to be worry for me,” nakangiti kong sabi sa kanya. Bumuntong-hininga si Peter at ngumiti siya sa akin. “Enjoy the night, Lady Aya.” “I will, Peter! Thanks!” Nagpahatid na lang ako sa driver namin dahil hindi ko pa kabisado ang Pilipinas. Makalipas ang kalahating oras na byahe ay nakarating na rin ako sa isa sa mga sikat at maingay na bar sa BGC at dito rin pumupunta ang mga artista at ang ibang mga kilalang mga personalidad sa showbiz. Pagpasok ko sa loob ay agad na bumungad sa akin ang ingay at mga taong nagsisigawan sa sobrang saya. Napangiti ako at naglalakad na ako ngayon papunta sa may bar counter upang makakuha ako sa aking alak at makapag-enjoy na ako. “One tequila please!” sabi ko sa bartender ng makapunta ako sa bar counter. Ngumiti ito sa akin at agad na sinunod ang aking sinabi. Napaindak na rin ako sa aking kinauupuan at napatingin ako sa paligid. Kinuha ko rin ang aking phone at kumuha ako ng mga selfies ko na nandito sa loob ng bar at kinuhanan ko rin ng litrato ang mga tao sa may dance floor at kumuha rin ako ng mga short clips. “Here’s your tequila, Ma’am. Enjoy the night!” Kinuha ko naman ang baso ko na may tequila at ngumiti ako sa bartender bago ko ito ini-straight na inumin. “Woah!” sabi ko at napaindak na rin dahil sa sobrang ingay. Muli akong humingi pa ng isang shot at agad naman akong binigyan. Sobrang dami na rin ng aking nainom ngayon pero tuloy-tuloy pa rin talaga ako. “Bodyshot! Bodyshot! Bodyshot!” Umagaw sa aking atensyon ang mga tao sa hindi kalayuan na taong nag-iingay ngayon. Marami na rin ang nakatingin doon at parang may babaeng nakahiga sa may table at dinidilaan ng lalaki ang katawan ng babae. Bodyshot? Ano ‘yun? Dahil sa curiosity ay naglalakad ako palapit dito. Nakisiksik ako sa mga tao at pumunta sa may harapan. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong may nakalagay na asin at may alak sa may tiyan ng babae na nakahiga at sa kanyang bibig naman ay may kagat siyang lime. Dinilaan ito ng lalaki at ang lahat ng mga nanonood ngayon ay naghihiyawan. Tumatawa lang ang babaeng nakahiga ngayon habang dinidilaan ng lalaki ang kanyang katawan hanggang sa nakain na nito ang lemon at naghalikan silang dalawa. “Woah! The best!” “That was hot!” Namangha ako at pumapalakpak na rin ako at napahiyaw kagaya ng mga taong nanonood ngayon. “Who wants to try the body shot again?!” tanong ng babaeng may hawak ngayon ng bote ng alak. Dahil sa excitement at curiusity ay mabilis kong naitaas ang aking kamay habang nakangiti. “Me!” sigaw ko. Naghiyawan naman ang mga tao at nag palakpakan sila habang nakatingin sa akin. “Go, girl!” Ngumiti sa akin ang babaeng nagtanong kanina at sinenyasan niya akong lumapit. “Come here and take off your clothes!” Nakasuot ako ngayon ng hapit na silky party dress at agad ko rin itong hinubad. Naghiyawan ang mga taong nanonood ngayon lalo na’t ang suot ko na lang ay ang bra at ang aking panty. “Woah! Ang sexy!” Humiga na ako at napa kurap kurap ako sa aking mga mata. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib ngayon at kinakabahan ako kung sino man ang didila sa aking katawan ngayon. “Ang magiging partner ni Miss… ano nga ang pangalan mo, Miss?” tanong sa akin ng babae. Ngumiti naman ako. “My name is Aya.” Tumango ito. “Ang magiging partner ni Miss Aya ay walang iba kundi si Alessandro!” May lalaking lumapit sa amin ngayon at hindi ko mapigilan na mapalunok sa aking laway at namangha sa angkin niyang kagwapuhan. He’s so handsome… and sexy. Siya ba ang didila sa akin? Oh my God! “Be ready! The body shot is here!” Huminga ako ng malalim at humiga na ako ng maayos ngayon dito sa table. Lumapit sa akin ang lalaki at nagkatinginan kaming dalawa. Bahagya akong natulala at lumakas ang t***k ng aking puso dahil sa kanyang titig sa akin. Ako na ang unang umiwas at ikinalma ko ang aking sarili. Naramdaman ko ang paglagay ng laka sa aking tiyan ngayon papunta sa gitna ng aking dibdib. Oh my God… this is it. Pagkatapos na lagyan ng alak ang aking dibdib at tiyan ay nilagyan din nila ito ng asin. Binigyan ako ng babae ng lime at kinagat ko naman ito sa aking labi. “The body shot is here! In three… two… one… go!” Lumapit na sa akin ang lalaki at muntik na akong mapasigaw nang maramdaman ko ang kanyang labi sa aking tiyan. Dinilaan niya ang aking tiyan at bahagya niyang sinipsip ang alak na nasa aking pusod. Hinay-hinay ang galaw ng dila ngayon ng lalaki sa aking katawan at para na akong mababaliw ngayon. Sobrang ingay ng paligid pero ang naririnig ko lang ngayon ay ang malakas na kabog ng aking dibdib. Nasa may gitna na ng aking dibdib ang lalaki at bago niya pa tuluyan na matapos ang pagdila sa aking katawan ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Namungay ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya. Nag-iinit ang buong katawan ko! Sinipsip niya ang alak na nasa gitna ng aking dibdib at dinilaan niya ang mga asin. Pagkatapos nito ay pumantay na siya sa aking mukha at kinagat niya ang lemon na nasa aking bibig at kinain niya ito. Habang nginunguya ng lalaki ang lemon ay ang lapit pa rin ng mga mukha namin ngayon. Dahil sa kuryente at sa kakaibang nararamdaman ko ngayon ay kinabig ko siya palapit sa akin at hinalikan ko siya sa kanyang labi. Muli kong narinig ang malakas na hiyawan ng mga nanonood sa amin ngayon. Akala ko ay mapapahiya ako sa aking ginawa… pero hindi pala. Hinalikan niya ako pabalik. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD