MISSION: 9

1310 Words
THE FAILED MISSION EPISODE 9 I now have a copy of the schedules of Alessandro Niklaus Villa Coleman. Hindi ko alam kung paano nakakuha ng kopya si Peter sa schedules sa mga lakad ni Alessandro, pero malaki na itong tulong sa akin ngayon. All I need to do now is to introduce myself to him. Kailangan ko nang gawin ang aking plano as soon as possible dahil wala na akong oras. Ngayon ay nandito ako sa isang party kung saan may mga invited na mga sikat na personalities at mga businessmen, at isa na rito si Alessandro. He was in a band with his cousins a long time ago, but their band disbanded because of the busy schedules and other responsibilities. Base on my investigation, sa mga ibinigay sa akin na impormasyon ni Peter, si Alessandro na ngayon ang nagmamanage sa kanilang negosyo tungkol sa mga sasakyan at mga commercial buildings. Siya rin siya sa member ng board of directors sa isang sikat na modeling agency rito sa Pilipinas at ito ang pinuntahan ko na party ngayon. I am also a model and they have known me as Vasilisa TaisIya Petrova, a Russian model. Kaya mabilis ko lang magagawa ang mga pinaplano ko dahil hindi nila ako kilala. Hindi nila alam na isa akong Brioschi at anak ako ng isang mafia boss. “Vassy!” Hindi ko maiwasan na mapairap ng lihim ng marinig ko na iyon ang tinawag sa akin. Humarap ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang lagi kong nakakasama sa mga projects noong nasa Russia pa ako, walang iba kundi si Marianne Generoso Santiago. A Generoso, malapit sa mga Coleman. “Yani!” tawag ko sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. We have unique nicknames for each other. I called her Yani, and she called me Vassy. Sobrang cringe pakinggan ng Vassy, pero wala na rin akong magagawa dahil ito na talaga ang tawag sa akin ni Marianne simula pa noon. “I’m glad to see you here tonight, Vassy! Are you staying here for good in the Philippines?” tanong sa akin ni Marianne. Muli akong ngumiti sa kanya. “Pag-iisipan ko pa, Yani. May mga natatanggap na rin ako na mga offers galing sa mga iba’t ibang brands at may mga tinaggap na rin ako. Baka matatagalan pa ako rito sa Pilipinas,” nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango-tango naman siya. “That’s good to hear from you, Vassy. Alam mo, nanganak na si Ate Veronica. Hindi na rin muna siya babalik sa pagmomodelo at magsa-stay muna siya sa kanila habang binabantayan ang anak nila ni Kuya Caden,” pagkukwento ni Marianne. Nakasama ko na rin ang Ate ni Marianne na si Veronica sa isang photoshoot at nabalitaan ko na isang Coleman din ang naging asawa niya. Bakit ba sobrang adik na adik sila sa mga Coleman? Wala namang espesyal sa mga lalaking iyon eh. “Oh! Really? Ngayon ko lang nalaman na may anak na pala si Nica. Paki-regard mo na lang ako sa kanya, Yani,” inosente kong sabi sa kanya, umaarte na walang alam sa mga nangyayari sa aking paligid. Pero ang totoo niyan ay matagal na akong nag background check sa mga Coleman. “Sige Vassy, maiwan na muna kita riyan, ah? Kitakits ulit!” nakangiting sabi ni Marianne at naglalakad na siya papunta sa kanyang kaibigan na walang iba kundi si Genevieve Maia Echeverria, na sikretong asawa ni Alaric Archer Coleman… yes, isa na namang Coleman. Bakit ko alam ang tungkol dun kasi na isa itong sikreto? I have my connections. Napapalibutan ako ng mga Coleman. Gusto ko rin sanang mapalapit kay Aiden Coleman na dating kasintahan ni Veronica, pero masyado itong wasak ngayon at ayoko ng maraming drama kaya hindi ko na ito itinuloy. Kaya ngayon ay mag fofocus na lang talaga ako kay Alessandro. Nagsisimula na ang party ngayon pero wala pa rin si Alessandro at naiinip na ako rito sa aking kinatatayuan. Nakailang balik na rin ako sa pag inom ng cocktail na binibigay sa akin ng mga naglalakad dito na mga servers. Makalipas ang ilang minuto na paghihintay, nakita ko nang pumasok si Alessandro sa venue at agad din siyang sinalubong ng ibang mga businessmen na halatang hinihintay rin siya. Huminga ako ng malalim at inayos ko ang aking sarili ngayon. Sinadya ko na magsuot ako ngayon ng isang revealing na dress at nagpaganda talaga ako ng bongga upang mabighani siya sa aking ganda. Nang makita ko siyang naglalakad na papunta rito sa may mga pagkain at maiinom, hinanda ko na ang aking sarili at naglalakad na papunta sa kanya at umaarte na parang naghahanap din ng aking makakain. Sinadya ko na bumangga sa kanya upang mapansin niya ako. “Oh my Gosh! I’m so sorry!” arte ko ng mabasa ko ang coat niya ng aking hawak na alak. “It’s okay, Miss. I’m fine,” narinig ko na sabi ni Alessandro at hinawakan niya ang aking braso. May kakaiba akong nararamdaman… parang kuryente. Nag angat ng tingin sa akin si Alessandro at nakikita ko ngayon ang gulat sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa akin. Umaarte rin ako na parang nagulat na makita siya sa aking harapan ngayon. “Oh my God… I know you,” mahina kong sabi habang nakaturo sa kanya. Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin pa rin sa akin. “Pamilyar ka rin sa akin, Miss. Saan nga ulit tayo nagkita?” tanong sa akin ni Alessandro. He looks so intimidating, pero kapag nagsalita siya ay sobrang malumanay… nakakapanghina ang boses niya. Napakurap kurap ako sa aking mga mata at napalunok sa aking laway bago ako magsalita. “W-We’ve met in a bar. Ikaw ang nakasama ko sa isang body shot. We kissed,” seryoso kong sabi habang nakatingin sa kanyang mga mata. Nakita kong natigilan si Alessandro sa aking sinabi at napaawang ang kanyang bibig. Magsasalita na sana si Alessandro nang may babaeng biglang lumapit sa amin at kumapit siya sa braso nito. “Nik! Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala! Oh my Gosh—what happened to your coat? Bakit basa ito?” sabi ng babae at hinawakan niya ang coat ni Alessandro bago ito sumulyap sa akin at tinaasan ako ng kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay dahil wala siyang karapatan na tarayan ako. “Ikaw ba ang may gawa nito sa coat ng boyfriend ko?!” mataray nitong sabi. Bahagya akong nagulat sa sinabi ng babae. Girlfriend? Wait lang… hindi ko alam na may girlfriend si Alessandro! Ang alam namin ni Peter ay wala siyang girlfriend. Bago lang ba ‘to? Dahil kung hindi, pagagalitan ko talaga si Peter sa kanyang naging kapalpakan. “Eloise, stop it. Wala siyang kasalanan, okay? Ako talaga ang hindi nag-iingat sa nilalakaran ko,” wika ni Alessandro bago siya muling tumingin sa akin at maliit akong nginitian. “I’m sorry again for what happened, Miss—” “Taisiya… Vasilisa Taisiya Petrova,” pagpapakilala ko sa kanya. Wala akong pakialam kung nandito man ang girlfriend niya. Muli siyang ngumiti sa akin at tumango. “I’m Alessandro Niklaus Coleman. Nice to meet you, Taisiya,” malumanay niyang sabi bago siya umalis sa aking harapan habang kasama niya ang babaeng nagsisimula ng magreklamo ng kung anu-ano kay Alessandro. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan at natulala rin ako. Kilala na ako ni Alessandro. Nagawa ko ang mission ko ngayon na magpapakilala sa kanya. Pero bakit imbis na siya ang nabighani sa akin ay parang naging kabaliktaran na? Umiling-iling ako at huminga ng malalim. Inayos ko ang aking sarili at muli akong kumuha ng alak at diretso ko itong ininom. Kailangan ko nang alisin itong nararamdaman ko kay Alessandro—kung ano man ang tawag dito! Hindi ito makakabuti sa mga plano ko. Dapat siya ang mapamahal sa akin… siya ang mahulog sa akin. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD